Nililibang ni Lisa ang kanyang sarili habang naglilinis ng kanilang bahay. Pakiramdam nya ay bumalik sya sa dati ng makasama ang kanyang pamilya.
"Anak may bisita ka" Tawag ng kanyang ina sa kanya. Nagtaka si Lisa kung sino ang bisita nya dahil wala naman syang inaasahang panauhin.
"Maggie? Danielle?" Tawag nya sa mga ito.
"H-hi" Kinakabahang sabi ni Maggie sa kanya, si Danielle naman ay alanganing ngiti ang binigay sa kanya.
"Namiss ko kayo!" Sigaw nya sa mga ito at niyakap ang dalawa.
"Kamusta kayo? Long time no see ah" Masayang pangangamusta nya sa mga ito.
Tahimik pa din ang dalawa, pansin nya ang pagkailang at pagkahiya nito sa kanyang harapan.
"Kung yung inaalala nyo ay galit ako dahil tinalikuran nyo ako dati. Wala na yun, tapos na yun" Mahinahong sabi nya kaya napatingin ang mga ito sa kanya.
"Lisa sorry ah. Masyado kaming nabigla sa nangyari kaya hindi na namin na isip na tulungan ka" Hinging paumanhin sa kanya ni Maggie.
"At isa pa, natakot kami na baka madamay kami sa issue mo dati. Mga sarili lang namin ang inisip namin dati" Nag-iwas ng tingin si Danielle sa kanya.
"Girls, hindi nyo naman kasalanan ang mga nangyari e. Tsaka isa pa, naiintindihan ko kayo, nabigla din kayo sa nangyari. Aaminin ko ng una nakadama ako ng galit dahil iniwan nyo ko pero ng magtagal natutunan ko ng tanggapin ang lahat. Kaya wala na iyon. Tapos na. Isang malaking leksyon iyon sa akin" Nakangiting paliwanag nya sa mga ito.
"Hindi madaling magpatawad, pero anak ang Diyos ay marunong magpatawad, hindi ka pa nanghihingi ng paumahin sa kanya napatawad ka na nya" Ayan ang bilin sa kanya ni Father Fernan.
Nasa mall si Lisa, inabala nya ang sarili sa pamimili para anak ni Danielle.
Nalaman nya kasing may kasal na ito at may isang anak na. Si Maggie naman ay malapit na ding ikasal sa nobyo nito. Masaya sya sa mga magagandang nangyari sa kaniyang kaibigan. Nakatapos na din pala ang mga ito sa kolehiyo.
Abala si Lisa sa pagpili ng laruang magugustuhan ng anak ni Danielle ng may tumawag sa kanyang pangalan.
Tila tumigil ang kanyang mundo ng makita ang lalaking minsan ng nagpatibok ng kanyang puso.
Malaki din ang pagbabago nito, mas lalong naging gwapo ang binata sa kanyang paningin, ang dating payat na pangangatawan nito ay naging malaman na. Halatang alaga sa gym ang mga braso nito.
'Hindi kita mahal!'
Nanumbalik sa kanyang alaala kung paano nito dinurog ang kanyang puso. Ang mga hakbang papalayo na ginawa ng binata ay ang unti unting nagpahina sa kanya. Ang salitang binitawan nito ay syang tumatak sa kanyang isipan. Tila lason na dahan dahang pumapatay sa kanya ng mga oras na iyon."Nico?" Mahinang tawag nya sa pangalan nito ng makabawi sya sa pagkabigla.
Limang taon. Limang taon pero ganoon pa din ang epekto ng binata sa kanya. Pakiramdam nya ay lalabas na ang puso nya sa lakas ng tibok nito.
"Nakabalik ka na pala. Kelan pa?" Tanong ni Nico sa kanya na hindi pa din makapaniwala sa nakikita.
Ngumiti si Lisa dito, kumalma na din ang tibok ng kanyang puso "Noong isang araw lang. Bumisita lang ako dito"
"Bumisita? Kung ganoon aalis ka ulit?" Nauutal na tanong ng binata sa kanya.
"Oo. Wala na dito sa Cavite ang buhay ko Nico" Maiksing paliwanag nya sa binata.
Magkaharap ang upuan ng dalawa, inanyayahan sya ng binata na maglunch, nakadama na din sya ng gutom kaya sumama sya dito.
"Kamusta ka na Lisa? Ang tagal kong walang balita sayo" Kaswal na sabi ng binata sa kanya pagkatapos nitong kumain.
"Ayos naman ako, naging masaya ang buhay ko sa bicol. Nung una mahirap sa magadjust pero sa tulong nina sister Tessa nakayanan ko" Kwento nya sa binata.
"Kasal na nga pala ang kaibigan mong si Danielle" Sabi nito sa kanya.
"Oo nga e. Sayang at hindi ako nakapunta" Nanghihinayang na sabi nya dito. "Ikaw kamusta ka? Kamusta kayo ni Jane?" Dagdag na tanong nya dito.
"Matagal na kaming tapos ni Jane" Nabasa ng binata ang pagtataka sa mukha nya kaya nagpatuloy ito sa pagkwento "Isang buwan pagkaalis mo dito sa atin ay hiniwalayan ko sya. Huli na kasi ng mapagtanto kong mahal talaga kita. Sobrang sising sisi ako nun Lisa. Gusto kitang habulin, pero hindi ko alam kung naasan ka. Gusto kong makibalita sa pamilya mo tungkol sayo pero wala akong mukhang maihaharap sa kanila" Inabot nya ang kamay ng dalaga na nasa ibabaw ng lamesa "Hinintay kita Lisa, naniniwala akong babalik. Bigyan mo pa ko ng isang pagkakataon Lisa, magsimula tayo ulit. Mahal na mahal kita"
Sa sinabi iyon ng binata ay kaagad na binawi nya ang kamay sa pagkakahawak nito
"I'm sorry Nico" ayun na lamang ang nasabi nya dito. Gumuhit nya ang sakit sa mukha ng binata.
"M-mahal mo ba sya?" Nasasaktang tanong nito sa kanya. Isang magandang ngiti ang isinagot nya sa binata "Ang swerte nya"
"Mali ka Nico, mas maswerte ako sa kanya. Mahal ko sya pero mas mahal nya ako. Kahit ilang beses ko syang talikuran, hinding hindi nya ako pinabayaan. Kahit gaano kadilim ang kasalanan ko handa nya kong patawarin. Tinuruan nya akong patawarin ang mga taong sinaktan ako pati na din ang sarili ko. At higit sa lahat, pag-iniwan ako at muling talikuran ng lahat alam kong sya, hinding hindi nya ako iiwan. Kahit ako mismo gusto ng ayawan at sukuan ang sarili, binibigyan nya pa din ako pag-asa. Sya ang nagbigay sakin ng pagmamahal na katumbas, pagmamahal na hindi na mahihigitan nino man" Mahabang paliwanag nya sa binata.
"Lisa-" Hindi na nya pinatapos pa ang binata.
"Melisa, Sister Melisa" Nakita nyang natigilan ang binata sa kanyang sinabi.
"Patawad kung pinaghintay kita Nico. Yung panahon na pakiramdam ko na nawawala ako at hindi na kilala ang sarili. Natagpuan ko sya. Nahanap nya ako sa kawalan at binigyan ng pagkakataong magsimula ulit kasama sya. Kasama ang Diyos" Nakangiting kwento nya dito.
●.◉
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!