Takot

7.7K 18 1
                                    

"Siguro naman hindi mo pa ko nakakalimutan? Tapos na ang kasiyahan Lisa. Oras na para bawiin kita" Banta nito sa kanya.

'Hindi! Hindi pwede!" Protesta ng kanyang isip.

Narinig nya ang halakhak nito sa kabilang linya parang sayang saya ito sa nakikitang takot sa kanyang mukha.

"Tama Lisa. Tumayo ka na lang dyan, hintayin mo ko malapit na ko. Kukunin na kita" Tumatawa pang sabi nito sa kanya mula sa kabilang linya hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang mga hakbang nito.

Awtomatikong na patakbo ang mga paa ni Lisa sa kung saan. Hindi nya alam kung saan sya pupunta basta ang nasa isip nya lamang ay kailangan nyang makalayo sa lugar na ito. Mabilis ang takbong ginagawa ng kanyang paa. Hindi nya alintana na iba't ibang kanto na ang kanyang napapasukan.

Hindi magawang lingunin ni Lisa ang kanyang likuran sa takot na makita si Carlo na nakasunod sa kanya.

Nang hindi na kayanin ni Lisa ang pagod ay napasandal na lamang sya sa pader.

'Naloko na!'

Walang ibang tao ang nasa paligid maliban sa kanya. Bakanteng bahay pa ang mga nasa paligid nito. Ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nya ng gabing iyon.

'Wala na sya. Hallucinations lang yun Lisa. Nababaliw ka lang. Wag kang matakot' Pagpapakalma ni Lisa sa sarili.

Nanginginig pa din ang kanyang mga kamay, malakas pa din ang tibok ng kanyang puso. Nagunahan ang kanyang mga luha na maglandas sa kanyang pisngi.

'Hindi to nangyayari' Mariing pinikit ni Lisa ang kanyang mga mata 'Panaginip lang to Lisa. Wake up!"

"Hi Lisa" Bulong ng kunsino man sa kanyany harapan kaya napadilat sya.

Nahigit nya ang kanyang hininga ng makita ang maamong mukha ni Carlo sa kanyang harap.

"C-Carlo?!" Gulat sa sambit nya sa pangalan nito.

Lumawak ang ngiti sa mukha nito dahil sa sinabi.

"Lisa, hindi mo ko nakalimutan" Masayang sabi nito sa kanya.

Hinawakan ni Carlo kanyang pisngi, nanigas ang kanyang katawan sa ginawa nito.

"Nandito na ko Lisa. Sorry at pinagantay kita" Malambing na sabi nito sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito.

"Hindi na ko ulit aalis. Mananatili na ko sa tabi mo" Dagdag pa nito at masuyong hinagkan ang kanyang noo.

Bumalik sa katinuan si Lisa at kaagad na tinulak si Carlo papalayo sa kanya. Tumayo sya at mabilis na humakbang paatras.

"B-bakit ka nandito?" Pilit na nilalabanan ni Lisa ang takot na nararamdaman nya.

Nagugulahan namang tumingin sa kanya ang binata, tumayo na din ito at sinubukang lapitan sya pero natigilan ito ng makita ang pagatras nya.

"Lisa nandito na ko. Wag ka na magalit" Mahinahong sabi nito sa kanya.

"Malinaw ang usapan natin Carlo! Tapos na kung ano man ang ugnayan natin! Nagkaliwanagan na tayo!" Sigaw nya dito

"Lisa binigyan lang kita ng oras para mag-isip, sapat na ang tatlong buwan para maisip mong ako ang mahal mo" Mahinahong paliwanag nito sa kanya.

Isang nakakainsultong tawa ang ginawa ni Lisa "Nababaliw ka na ba? Kahit kelan wala akong naalalang sinabi kong mahal kita, si Nico ang mahal ko. Si Nico lang! Ilang beses ko bang dapat ulit ulitin yan sayo" Mapanuyang sabi nya dito

Nandilim ang maamong mukha nito at nilapitan sya, hinawakan nito ang kanyang mga braso. Nanginginig ang mga kamay nito at tila nagtitimpi.

"Bawiin mo yang sinabi mo Lisa! Bawiin mo!" Nanlulumong sabi nito sa kanya.

"Si Nico ang mahal ko" Madiing sabi nya dito at nginisian ito.

Ang kaninang takot na nararamdaman nya ay napalitan ng kakaibang tapang dahil sa nakikita nyang reaksyon ng binata.

"Sa tingin mo ba tatanggapin ka pa nya pagnalaman nyang hindi ka na virgin?" Sa pagkakataong ito ay si Carlo naman ang napangisi ng makitang matigilan ang dalaga.

"Mahal ako ni Nico!" Madiing sabi nya dito

Mas lalong lumawak ang ngisi nito "Siguro ngang mahal ka nya. Pero sa oras na malaman nyang nagpagalaw ka sa lalaking hindi mo nobyo, iiwan ka nun, pandidirihan, maging ang mga kaibigan mo, lalayuan ka nila, ang pamilya mo? Itatakwil ka nila" Mabagal ang sambit nito sa bawat salitang binibitawan nito sa kanya, nilapit ni Carlo ang kanya bibig sa tenga ng dalaga "At sa huli, saakin ka tatakbo, sa saakin ka lalapit, saakin ka pupunta, kasi saakin ka lang" Bulong nya sa dalaga.

"H-hindi! Wag mong idamay ang pamilya ko dito" Nanginginig na sabi nya sa binata. Muling nagbalik ang takot sa kanyang sistema.

"Shhh, wag kang umiyak Lisa. Iwan ka man ng lahat, nandito ako, hindi natin sila kailangan, ako lang ang kailangan mo" Marahang pinapahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Sumama ka na sakin Lisa. Lalayo tayo dito, tayong dalawa lang" Alok nito sa kanya.

"Hindi ako sasama sayo! Mahal ako ni Nico! Mahal ako ng mga kaibigan ko! At higit sa lahat, mahal ako ng pamilya ako!" Nababaliw na sigaw nya dito "Hindi kita kailangan! Sana hindi na kita nakilala! Pinagsisisihan kong nakilala kita!" Muling sigaw nya dito.

"Bibigyan kita ng huling pagkakataon Lisa, nauubos na ang pasensya ko! Ako o ang lalaking yun?" Balik na sigaw nito sa kanya.

"Kahit kelan hinding hindi kita pipiliin!" Matapang na sagot nya dito

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Sulitin mo ang masasayang araw mo Lisa, baka magising ka na lang isang araw wala na ang mga taong pinili mo. Tutal pinagsisisihan mong nakilala ako, hindi ba? Bakit hindi pa natin sagarin?" banta nito sa kanya bago sya iniwan ng lalaki.

╰(‵□′)╯

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon