"Grabe naman ang level up nyo ah. May meet the parents na agad. Label na lang kulang" Pangaasar na sabi ni Maggie habang kumakain ng nachos.
"Kaya nga e, kelan mo ba kasi sasagutin si Nico?" Pangiintriga naman ni Danielle sa kanya
"Ang kulit nyo. Wala naman kasi syang tanong e. Kaya pano ko sasagutin" Natatawang sagot nya sa mga ito
"Ay ayun lang! Ang bagal naman ng manok ko!" Kamot ni Danielle sa kanyang ulo.
"Anong tanong ba kasi yung hinihintay mo?" Curios na sabi ni Maggie.
Napairap naman si Lisa sa hangin "Malamang yung 'will you be my girlfriend?' na tanong"
"E bakit kasi hindi ka pa magsabi ng kusa sa kanya?" Suggestion naman ni Danielle
'Oo nga nu' nakangiting saad ni Lisa sa isip.
Busy si Lisa sa pagiisip nang may mga pares ng sapatos ang natigil sa kanyang harapan. Tiningala nya ang may ari nito at nakita si Nico na may lawak na ngiti
"Sorry ah. Pinagantay na naman kita" Hingi nito ng tawad at umupo sa kanyang tabi
"Okay lang nu. Hindi naman ako nainip e" Pinapanood ni Lisa ang ginagawang pagpunas ni Nico sa kanyang pawis
"Ako na nga!" Iritableng sabi ni Lisa at inagaw ang bimpo dito.
"Ayusin mo kasi yung pagpupunas mo, grabe ka naman kasi makakuskus e. Parang tinatanggal mo na ang balat sa mukha mo e" Sermon ni Lisa sa binata habang masuyong pinupunasan yung mga pawis ni Nico.
"Opo yes po" Malaking sabi ni Nico sa kanya.
Nang matapos ay ibinalik nya ang bimpo sa binata. Nahiga naman ang binata sa kanyang hita at awtomatikong hinaplos nya ang buhok nito.
"Nico" Malambing na tawag nya dito.
"Hmmm?" Sagot naman ng nakapikit na si Nico.
Humugot muna ng malalim na hinga si Lisa bago magsalit "Gusto kita"
Agad na napaupo si Nico sa narinig at hinarap sya
"Totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nico
"Gusto nga kita. Gustong gusto" Paguulit ni Lisa dito.
"Ta-tayo na ba?" Nauutal na tanong ni Nico
"Oo" Simpleng sagot ni Lisa
"Yes! Kami na!" Biglang sigaw ni Nico kaya napatingin sa kanila ang ibang tao sa field.
"Yown! Congrats tol" Sigaw ng isa mga kateam ni Nico na nakaupo medyo malapit sa kanila
"Manlibre ka naman tol"
"Celebrate natin yan"
"Kahit paburger at soft drinks lang"
Kantyaw ng mga kateam nito. Napakamot na lang ng ulo ang nakangiting binata.
"Sige na nga! Celebrate tayo" Pagsang-ayon ni Nico sa kanila
Nakaakbay si Nico sa kanya habang papalabas sila ng school kasabay ang mga kateam nito.
Masayang nagkukulitan ang mga ito, inaasar ng mga ito si Nico dahil witness daw sila sa pagiging baliw ng binata sa kanya. Tawa lang ng tawa si Lisa.
Naaaliw si Lisa sa mga ito kaya hindi nya napansin ang binatang masama ang tingin sa nakaakbay sa kanyang si Nico, nakakuyom ang kamao nito na tila ano mang oras ay handa itong makipagsapakan.
Lumanbot ang ekspresyon ng mukha nito ng dumapo ang kanyang paningin kay Lisa. May kakaibang haplos sa puso nya ang mga ngiti at tawa ng dalaga habang pinapanood ito sa malayo.
Katatapos lang maghugas ng pinagkainan si Lisa ng maisip nya si Carlo.
'Kailangan ko ng itigil ang pakikipagkita kay Carlo bago pa malaman ng iba' Isip isip ni Lisa, kaya naman dali dali syang pumasok sa kanyang silid at siniguradaong nakalock ang pinto bago tawagan si Carlo.
"Hello Carlo" Bati nya ng sumagot ang binata
"Hello Lisa napatawag ka?" Masayang sabi ng binata
"Hmm, Carlo, pwede ba tayong magkita?" Tanong nya dito
"Oo naman nu. Ikaw pa ba" Excited na sabi ni Carlo
"Same time, same place"
"Place? Yung sa hotel?" Paninigurado ni Carlo.
"Oo, may paguusapan kasi tayo e. Importante lang" Pagpapaliwag ni Lisa dito.
Nang pumayag si Carlo ay nakahinga sya ng maluwag.
"Lisa" Tawag sa kanya ni Carlo sa kabilang linya.
"Hmm? Bakit?" Tanong naman nya.
Hindi agad nagsalita si Carlo ngunit naririnig nya ang hinga nito.
"Uyy Carlo" Tawag nya dito.
"Gusto kita Lisa" Seryosong sabi ni Carlo sa kanya at agad tinapos ang tawag.
Hindi makapaniwalang nakatanga si Lisa sa kawalan at nakatapat pa din ang cellphone sa kanyang tenga.
Pagkababa ng tawag ay ipinikit ni Carlo ang kanyang mga mata at agad napakuyom ang kamao at umigting ang kanyang panga ng maalala ang nasaksihan kanina, si Lisa akbay ng isang hindi nya kilalang lalaki.
'Akin ka Lisa, hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Hindi ko kakayanin'
Muling binuhay nito ang kanyang cellphone at tinitigan ang kanyang locksreen, litrato ng isang dalaga na seryoso ang mukha habang namimili sa mga produktong nasa harap nito. Litrato ito ni Lisa na pasimpleng kinuhaan nya.
(Ω_Ω)
Please support my another story entitled "Part-time lover"
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!