Lutang pa din si Lisa sa mga pangyayari sa kanila ni Carlo noong sabado. Hanggang ngayon nararamdaman pa din nya ang paghimas nito sa ibabaw ng kanyang panty na tila dinadama ang kanyang pagkababae. Kung paano ang kanyang mga hita ay bukang buka para bigyan ng laya ang mga kamay ni Carlo na naglilikot sa pagitan nito. Ang isang daliri ng binata ay pinaglandas sa kanyang hiwa na nagpadaing sa kanya. Bumalik sa kanyang alaala ang mga mahihinang daing na namutawi sa kanyang mga labi. Ang matagumpay na ngiti na sumibol sa mga labi ng binata ng madama ang kanyang pamamasa.
"Uy Lisa kanina pa kami salita ng salita dito e." Reklamo sa kanya ni Maggie kaya nabalik sa kasalukuyan ang kanyang pag iisip.
Nasa canteen ang tatlo at kumakain ng kanilang tanghalian.
"Ano ba kasi yun?" Nakasimangot na sagot ni Lisa at sabay subo ng kanyang pagkain.
"Totoo bang nanliligaw na sayo si Nico?" Tanong naman ni Danielle na naging dahilan kaya nahirinan si Lisa sa kanyang kinakain.
"Ahm, Oo nung Friday lang nagumpisa."Mahinang sagot naman ni Lisa.
Agad na kinilig ang dalawa at pilit na ipinapalahad sa kanya ang mga pangyayari.
"Pinaguusapan nyo ba ko?" Natatawang sambit ng bagong dating na si Nico.
Agad na napayuko ang kanyang ulo ng magtama ang kanilang mata ng binata. Nahuli naman ng kanyang mga kaibigan ang kanyang pagyuko.
"Ayyieee nahiya pa e" Pangaasar sa kanya ni Maggie.
Napuno ng tawanan ang kanilang lamesa dahil sa pamumula ng kanyang pisngi.
"Tama na nga yan. Baka lumubog na sa lupa yung isa dyan dahil sa kilig." Natatawang saway ni Danielle at umalis na ang dalawa upang bigyan sila ng oras ni Nico.
'Kung alam nyo lang' ang tanging nasambit ng nakayukong si Lisa.
"Lisa galit ka ba sakin?" Nag-aalalang tanong ni Nico sa kanya.
Napaangat ng tingin si Lisa dahil dito.
"Ha? Hindi ah. Bakit mo nasabi yan?" Naguguluhang tanong ni Lisa.
"Hindi ka kasi nagrereply sa mga text ko at hindi mo din sinasagot yung mga calls ko. Kaya ang akala ko may nagawa akong hindi maganda. Galit ka ba?" Pagpapaliwanag ni Nico.
"Hmm, ganun ba? Sorry ah. Nilalagnat kasi ako nun e. Kaya wala ako sa mood makipagusap sa iba. Ganun talaga kapag hindi maganda ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ni Lisa.
"Okay ka na ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nagaalalang sambit ni Nico at inilapat pa nito ang likod ng palad sa kanyang noo upang damahin ang kanyang temperatura.
"Oo okay na ko." Kadautal utal na sagot ng dalaga dahil sa biglang pagkabilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa ginawa ni Nico.
Hindi naman talaga sya nagkalagnat ng mga araw na iyon. Sinadya nyang hindi sagutin ang tawag ng binata ganun din sa mga text nito dahil sa kinakain sya ng guilt na nararamdaman. Hindi pa sila ni Nico pero pakiramdam niya ay niloloko na niya ito.
Gusto nya ang binata, alam nya iyon at sigurado sya dun. Pero hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit hindi nya mailayo ang sarili kay Carlo.
"Lisa pwede ba kitang ihatid sa inyo mamaya?" Pagpapaalam ni Nico sa kanya.
"Pwede naman. Bakit?" Tanong ni Lisa.
"Magpapakilala kasi ako sa magulang mo bilang manliligaw mo." Nakangiting sabi ni Nico.
Agad na nakadama ng kaba si Lisa dahil dito. Hindi pa sya handang ipakilala si Njco sa kanyang mga magulang bilang manliligaw.
"Kailangan pa ba yun?" Alanganing sabi ni Lisa.
"Ayaw mo ba? Sige wag na lang." Nawala ang magandang ngiti ni Nico kaya naman agad na nakadama ng guilt si Lisa.
'Nagsinungaling na nga ako e. Tapos hindi ko pa sya pagbibigyan sa gusto nya? Sobra na ata yun.' Bulong ng konsensya ni Lisa.
"Sige. Ihatid mo ko sa bahay. Day-off ng parents ko ngayon. Ipapakilala kita." Sabi ni Lisa na agad na nagpabalik ng ngiti ni Nico.
"Shit! Kinabahan ako bigla." Nagtawanan ang dalawa dahil sa sinabi ni Nico.
Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa habang tinatakot ni Lisa si Nico tungkol sa pagiging mahigpit ng kanyang mga magulang na nakadagdag ng kaba kay Nico.
ʘ‿ʘ
pinalitan ko po yung ng Maggie yung name ni Jasmin.
Love lots people!
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!