Umpisa

9.7K 23 1
                                    

"Oh himala ang aga mo nagising ngayon ah" Puna ng ina nya sa kanya.

"Ganun talaga mama" Natatawang sagot nya sa ina

"Asus, excited ka lang makita ang nobyo mo e" Tukso sa kanya nito

Nag-init agad ang mga pisngi nya dahil dito.

"Ma naman e! Aga aga mong mangasar" Pikon na saway nya sa ina na tinawanan lang ng ginang.

"Ngayong may nobyo ka na, alam mo na ang mga limitasyon nyong dalawa ni Nico ah" Bilin sa kanya ng ina

"Opo mama" Magalang na sabi ni Lisa

Nagpatuloy sa pag aasikaso si Lisa para sa kanyang pag pasok sa school. Nang matapos sya ay umupo na lamang sya sa kahoy na upuan para hintayin si Nico.

Nico:
Good morning Lisa, Otw na ko sa inyo.

Lisa:
Good morning din. Ingat ka ah.

Nico:
Can't wait to see my girl

Lisa:
Che! Bilisan mo na nga lang.

Ngiting ngiti si Lisa habang katext nito ang nobyo. Ngunit naglaho ang kanyang ngiti ng makatanggap ng isang mensahe galing kay Carlo.

Carlo:
Good morning. Mamaya ah. Sunduin ba kita sa school nyo o sa hotel na tayo magkita?

Lisa:
Morning din. Sa hotel na lang.

"Lisa nandito na si Nico" Pukaw ng kanyang ina sa kanyang atensyon.

Ibinalik nya sa bag ang kanyang cellphone at may pagmamadaling nagsuot ng sapatos.

"Good morning" Bati sa kanya ni Nico

"Good morning din" Nagkangitian ang dalawa

"Aysus kayo bang dalawa ay may balak pumasok o magtititigan na lang kayo dyan?" Sita sa kanila ng ginang kaya naman nagkatawanan ang dalawa.

"Alis na kami mama" Pagpapaalam ng dalaga sa ina bago lumapit kay Nico at magkahawak ang kamay na naglakad patungo sa kanilang school.

'Dalaga na nga talaga ang anak ko' Nasabi na lamang ng ginang sa kanyang isip habang tinatanaw ang dalawa.

"Wow! Ang aga natin ah" Gulat na sabi ni Danielle ng makita sya sa kanilang upuan

Naunahan pa ni Lisa ang dalawa kaya naman talagang nagulat ang mga ito.

"Oh! Lisa! Nandito ka na, aga ah" Sabi naman ng kadarating lang na si Maggie.

Tinawanan lang ni Lisa ang mga ito at hindi na nagkomento pa. Ngunit hindi sya tinantanan ng mga ito.

"So Lisa bakit ang aga mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Danielle

"Baka sinaniban si Lisa o kaya hindi talaga si Lisa to. Aha! Isa kang impostor!" Pagbibiro naman ni Maggie sa kanya.

"Gagi hindi nu. Kumalma nga kayo" Natatawang saway naman sa kanila ni Lisa

"Sinundo kasi ako ni Nico samin kanina kaya ayun. Ayoko naman malate yung tao dahil sa kanila" Paliwanag naman ni Lisa kanila.

"Kayo na nu?" Mapanghinalang sabi ni Maggie na sinamahan pa ng pagturo sa kanya

"Oo kami na" Napayuko naman si Lisa para itago ang namumula nyang mukha.

Impit na napatili ang dalawa at sandamakmak na tukso at pangaasar ang nakuha nya sa mga ito.

"Ayaw mo talagang sabay tayo umuwi?" Nakasimangot na sabi ni Nico

"Wag na kasi, may practice ka pa oh" Pagtanggi naman ni Lisa

"Wait mo na lang ako. Tapos hatid kita sa inyo" Pagpupumilit ni Nico sa kanya

"Hay naku ka Rosales lalo ka lang mapapagod kung ihahatid mo ko samin" Seryosong sabi ni Lisa dito

"Date na lang tayo bukas?" Nakasimangot pa din ang binata

"Oo na po" Pagpayag naman ni Lisa kaya napangiti ang binata

"Hoy Rosales tara dito! Papunta na si Coach" Sigaw ng kateam ni Nico sa kanya.

"Sige na punta ka na dun" Pagtataboy naman ni Lisa sa kanya

"Kiss ko muna" Nagpout si Nico at ipinikit pa ang mga mata nito

Magaang nilapat ni Lisa ang kanyang mga labi sa labi ni Nico at mabilis na halik ang ginawad nya dito

Nadama nya ang gulat sa binata kaya naman napangiti sya sa reaksyon nito

"Ikaw ah. Panagutan mo ko. Kiniss mo ko e" Parang batang sabi nito sa kanya.

"Parang timang to! Sige na pumunta ka na dun" Natatawang taboy nya kay Nico

"Aye aye captain!"

Kabado si Lisa habang tinatahak ang daan papunta sa hotel kung saan sila magkikita ni Carlo.

Nakamask ang dalaga ng pumasok sya ito sa loob ng hotel at nagpalit din sya ng damit para walang makakilala sa kanya.

Tatlong katok ang ginawa nya bago bumukas ang pinto. Hinatak sya papasok sa loob ng silid at agad syang ikinulong sa isang yakap.

"Namiss kita Lisa" Paos na sabi ni Carlo habang masuyong hinahaplos ang kanyang buhok at nadama nya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok.

Walang suot na pangitaas na damit si Carlo kaya damang dama ni Lisa ang init ng binata.

'Lisa nandito ka para tapusin na ang kung ano naman ang meron sa inyo' Pagpapaalala ni Lisa sa sarili dahil naguumpisa ng maginit ang kanyang katawan sa paglapat pa lamang ng kanilang balat.

Ⴚ(●ტ●)Ⴢ


Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon