"Questions? Clarification? Violent reaction?" Tanong ng kanilang guro.
"Wala po" Sabay sabay na sagot ng mga classmates ni Lisa.
"Okay. Class dismiss" Agad na umalis ang kanilang guro bitbit ang mga gamit nito.
Nagmamadaling inayos ni Lisa ang kanyang mga gamit at basta na lamang itong ipasok sa kanyang bag.
"Oh bakit ka nagmamadali?" Puna ng kaibigan nyang si Maggie.
"Tambay muna tayo. Maaga pa naman e." Yaya naman ni Danielle
"Himala hindi ka nagmamadali ngayon ah." Natatawang sambit ni Maggie.
"Ayoko pa kasi umuwi e." Pagdadahilan ni Danielle.
"Hindi ako pwede ngayon e. May lakad kami ni Nico ngayon e." Paliwanag ni Lisa na hindi na hinintay pa ang sagot ng kanyang mga kaibigan at dali daling pumunta sa field.
Pagkarating ni Lisa ay nakita nya ang pawisang Nico dahil katatapos lang practice nito.
Agad na nilapitan ni Lisa si Nico na nakikipagusap sa ibang teammates nito.
"Oh ano Nico tara?" Rinig nyang yaya ng isang lalaki kay Nico.
"Pass muna ako pre. May lakad kami ni Lisa e." Napangiti si Lisa sa sagot ni Nico.
"Nico!" Sabay kalabit ni Lisa sa nakatalikod na si Nico.
"Oh nandito ka na pala. Sandali ah. Pahinga lang ako kunti." Nakangiting sabi ni Lisa.
Mga ilang minuto lang ipinahinga ni Nico tsaka sila nagpasyang umalis.
Sa kanilang paglalakad ay napansin ni Lisa ang ilang malalim na paghinga ni Nico at pabulong bulong ito, kaya naman mas nilapitan nya pa ito upang marinig ang binubulong nito.
"Kaya mo yan Nico. Wag ka masyadong kabahan. Kaya mo yan." Pagpapalakas ng loob ni Nico sa sarili.
"Uy hahahahaha para kang timang dyan. Ayos ka lang?" Natatawang saway ni Lisa dito.
"Kinakabahan kasi ako e."
"Halata nga"
"Ikaw kasi e, kung ano anong sinasabi mo sakin kahapon." Paninisi ni Nico kay Lisa.
"Joke lang kasi yun. Masyado mo namang sineryoso." Sabay hawak sa isang kamay ni Nico. "Sasamahan naman kita e." Dagdag nya pa at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay nito.
Nagngitian ang dalawa at pinagpatuloy ang paglalakad. Bumili na din sila ng pasalubong para sa mga magulang ni Lisa.
Magkahawak pa din ang kamay ni Lisa at Nico ng marating nila ang bahay ng dalaga.
Nakadama na din si Lisa ng kaba dahil ito ang unang beses na may ipapakilala sya sa mga magulang nya.'Kapag may gustong manligaw sayo, dalin mo dito sa bahay. Okay lang naman samin ng papa mo e. Pero dapat sa bahay ka liligawan' Naalala ni Lisa ang laging bilin ng kanyang ina. Kaya naman medyo nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib.
"Tara?" Yaya ni Lisa kay Nico. Isang lunok muna ang ginawa ni Nico bago tumango kay Lisa.
Bubuksan na sana ni Lisa ang pinto ng nauhan sya ng kapatid nya na lalabas ng pinto.
Natigilan ang kanyang kapatid at napatingin kay Nico pati na rin sa mga kamay nilang magkahawak.
"Mama, papa si ate nag uwi ng lalaki sa bahay!" Biglang sigaw nito. Kaya agad na nanlaki ang mata ni Lisa.
"Hoy naguwi ka dyan!" Saway naman ni Lisa
Lumabas ang kanyang ina na galing sa kusina at ganun din ang ama na galing sa kwarto.
"Magandang hapon po." Magalang na bati ni Nico sa mga ito.
"Pasok! Pasok!" Yaya ng ina ni Lisa.
Agad na pinaupo ni Lisa si Nico sa kanilang mahabang upuan na kahoy.
Umupo na din mga magulang ni Lisa."Sino ka? Ano ang kailangan mo?" Matigas na sabi ng ama ng dalaga.
"Pa tinatakot mo si Nico" Sambit ni Lisa na nakaupo sa tabi ng binata.
"Ako po si Nico. Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na manliligaw ako ng anak nyong si Lisa." Magalang ngunit matapang na sabi ni Nico.
Ilang segundong katahimikan ang dumaan sa apat. Bago nagpasya ang ama ni Lisa na utusan syang bumili ng alak. Walang nagawa si Lisa kundi sundin ang ama.
Pagbalik ni Lisa ay ang ama at binata na lamang ang naabutan nya na nakaupo sa sala at hinihintay siya dahil ang alak na lang ang kulang.
Pinuntahan ni Lisa ang ina sa kusina at tumulong sa pagluluto. Habang naghahanda ng hapunan ang mag-ina ay maraming bilin ang ginang sa anak tungkol sa pagpasok sa isang relasyon.
Sinilip ni Lisa si Nico mula sa kusina. Napangiti na lamang si Lisa sa kanyang nakita. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa na sinamahan pa ng mga tawa habang nagiinuman.
(◠‿◠)
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomantizmSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!