"Sandali lang po. Tatawagin lang namin si Carlo sa selda nya" Pagpapaalam sa kanya ng pulis.
"Sumuko sya pulis. Sabi nya na pinagsisisihan nya ang ginawa nya sayo. Nasira nya ang buhay mo. Hindi nakayanan ng konsensya nya. Kaya ayun, kusa syang sumuko sa pulisya ilang buwan pagkatapos ng pangyayaring yun" Ayun ang binalita sa kanya ni Nico ng mag-usap sila
Nagpasya syang bisitahin si Carlo sa kulungan upang tignan ang kalagayan ng binata.
Ilang minuto lamang ang hinintay nya ng may umupo sa upuang nasa kanyang harapan.
"C-carlo" nauutal na tawag nya dito ng makita ang kalagayan ng binata, ang magandang pangangatawan nito ay biglang nangayayat.
"Okay lang ako Lisa, nagkasakit ako kaya namayat" Natatawang sabi nito ng makita ang pag-aalaala sa kanyang mukha.
"Kamusta ka dito?" Tanong nya sa binata.
"Ayos naman ang lagay ko dito" Mahinang sagot nito sa kanya.
"Lisa patawarin mo ko sa mga nagawa ko sayo. Nang malaman ko kung anong naging resulta ng kagaguhan ko sayo sobra sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. Sinubukan kong tumakbo palayo pero mas lalo lang akong nilalamon ng konsensya ko" Nakayukong paliwang nito sa kanya.
"Mahal kita. Minahal kita ng mga panahon na yun. Maniwala ka. Masyado akong nagpalamon sa galit at lungkot ng tinalikuran mo ko" pagpapatuloy nito. "Pakiramdam ko nun, sobrang dali lang na talikuran ako at hindi piliin. Sorry Lisa, nasira ko ang buhay mo"
Ang mga luhang pinipigilan nya kanina ay nagunahan na sa pagtulo.
"I'm sorry Carlo kung ayun ang pinaramdam ko sayo" umiiyak na sabi nya dito.
Ganoon pala ang epekto ng ginawa nya sa binata, ganoon pala ang pakiramdam ng binata dahil sa pagtataboy nya dito. Wala syang ibang inisip noon kundi ang maging masaya sa piling ni Nico at mawala si Carlo sa buhay nya.
"Hindi mo naman kasalanan e. Sinira ko ang buhay mo" Nanginginig na din ang boses ng binata.
"Hindi mo sinira ang buhay ko" Natatawang saad nya habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.
Napatingin naman ang binata sa kanya. Mas lalong gumanda si Lisa, ang dating chubby na dalagita ay isang balingkinitang babae na. Ang maiksing buhok nito ay naging mahaba na. May kakaibang kinang sa mga mata nito. Ang payapa ng mukha ng dalagang nasa harap nya.
"Noong pinalayas ako ni papa samin napunta ako sa Bicol. Ikot ikot lang doon. Hanggang sa makapasok ako sa simbahan. Sa tulong ng mga tao doon, naayos ko ang buhay ko. Binihisan, pinakain, inalagaan. Nung umpisa, ang hirap, masakit kasi tama ka. Iniwan nila ako, tinalikuran nila ko" Kwento nya dito. Taimtim namang nakikinig ang binatang nasa harapan nya kaya pinagpatuloy nya.
"Gusto ko ng mamamatay noon sa sobrang kahihiyan, lungkot at pagsisisi. Tapos isang araw nakinig ako sa misa ni Father Fernan, doon ako naliwagan. Kailangan kong tanggapin ang lahat, patawarin ang sarili para makapagpatawad sa iba" Dagdag nya pa, hinawakan nya ang nakaposas na kamay ng binata sa ibabaw ng lamesa. "Salamat, naging parte ka ng buhay ko" Isang totoong ngiti ang ibigay nya kay Carlo.
"Ang drama naman natin!" Natatawang sabi ni Carlo.
"Ikaw, magpakabait ka dito ah" Bilin nya dito.
"Mabait naman ako dito. Kagaya mo noong una ang hirap sa loob. Tapos isang pastor ang kumausap sakin, tinulungan nya akong mapalapit sa Diyos. Inaayos ko na ang buhay ko. Kunting panahon makakalaya na ko" Nakangiting kwento nito sa kanya. "Masaya akong naging parte ng buhay mo Melisa Manalastas" Sinserong sabi nito sa kanya.
Nagkangitian ang dalawa. Totoong kasiyahan ang nararamdaman nila para isa't isa.
'Tama nga sila, mas magaan sa pakiramdam kapag marunong kang magpatawad'
Magaan ang pakiramdam ni Lisa pagtapos nilang mag-usap ni Carlo. Pakiramdam nya malaya na sya. Malaya na sya sa nakaraang kumukulong sa kanya.
Ang dalagitang si Lisa ay nadala ng makamundong bagay. Nagpadalos-dalos sya, naging mapusok. Kaya naging kapahamakan ang maging resulta nito sa kanya.
Ngayon sya na si Sister Melisa, handang tanggapin ang mga pagkakamali ng nakaraan. Tinatahak na nya ngayon ang tamang daan kasabay sa paglilingkod sa Maykapal.
▁ ▂ ▄ ▅ ▆ ▇ █ ᴛʜᴇ ᴇɴᴅ █ ▇ ▆ ▅ ▄ ▂ ▁
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!