PAGKABABA ni Junbert sa motor tumungo siya sa Room kung nasaan ang ama niya. Umiiyak ang kanyang ina katabi ng hospital bed ng kanyang ama."Ma." Tawag niya para mapansin nito. "Tama na po ang kakaiyak niyo." Alok niya sa ina at niyakap ito. "Nandito na ako. Magiging okay rin si Papa. Malakas siya diba."
Habang papuntang Hospital siya, sobrang pag aalala ang nararamdaman niya.
Hindi ko matatanggap kung may mangyayaring masama sayo, Pa. Pero Hindi, malakas ka, Pa. Alam ko yun. Malakas na malakas. Walang may mangyayaring masama sayo, Paps. Aniya sa isipan saka matamang tinitigan ang ama na mahimbing pang natutulog sa hospital bed.
Tumango-tango ang ina niya saka pinahiran ang sarili nitong mga luha. "Alam ko yun anak. Naawa lang ako sa ama mo. Yang Papa mo kasi, hindi nakikinig e. Sinabi ng bawal ang sobrang pagkain ng kanin at matatabang pagkain pero sige parin ng sige." Mangiyak-ngiyak na nagsasalita ang ina niya at Niyakap siya nito. "Salamat sa pagdating mo anak. Alam kung busy ka sa trabaho mo pati na rin sa babae mo."
Napalagay siya kamay sa noo niya sa sinabi ng ina. "Busy? Kanino niyo po nalaman na babae ang pinagkakaabalahan ko?"
Tumingin ang ina niya sa kanya. "Sinabi sakin ni JanLouie. May importante ka raw na ginawa at parating may kinaabalahan sa office ba yun."
Napatango-tango siya. "Ahh. May sinabi pa ba siyang iba?"
Mapapatay talaga kita JanLouie kapag sinabi mo pa ang tungkol kay Maria Ila. Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hiningang inalala ang kaibigang si JanLouie.
"Wala na. Yun lang, Anak." Anito ng Mama niya.
Thanks God. Akala ko naman kong pinagsasabi na ang tungkol kay Gwaps. Bwesit ka talaga, JanLouie kahit kailan. Ang tabil ng dila mong mokong ka. Aniya sa isipan saka umupo sa bakanteng upuan.
"Magpahinga na po kayo, Ma. Ako muna ang magbabantay kay Papa." Sabi niya sa Ina saka hinaplos ang noo ng Ama.
Ngumiti ang ina niya. "Salamat, anak. Salamat para sa lahat." Anito sa kanya saka niyakap siya nito.
"Walang anu man yun, Ma. Magulang ko po kayo. Kaya gagawin ko ang alam para mapabuti ang buhay nito." Anoya saka mahigpit na niyakap ang Ina.
Nahiga ang ina niya sa sofa doon at nagpahinga. Habang nagbabantay sa ama, tumunog ang Cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, napangiti siya.
Oh! Its my man! Razel Sipat! Bakit naman kaya ito napatawag? Anu kaya ang mayroon? Aniya sa isipan saka ngumiti at sinagot ang tawag.
"Hello, Pre." Sabi niya sa kabilang linya. "Kamusta Ang lovelife?" Dagdag pang sabi niya sa kabilang linya
"Okay lang naman, building a foundation to make mine." Nakangiting sabi nito sa kanya sa kabilang linya.
Napatawa siya sa sinabi nito. "Bakit ka napatawag Pre?" Tanung niya sa kaibigan.
"Bukas ang birthday ko. Invited ka. Huwag kalimutan ang regalo. No gift, no entry." Anito nito sa kanya.
Napatawa siya sa sinabi nito. "Naku! Bad timing pre may importante akong gawin eh, sorry next-time na lang?"
"Oh ganun ba? Oh sige. Ingat ka nalang, Pre." Sagot nito sa kanya.
"Okay! Nasa Ospital kasi si Papa kaya inaalagaan ko." Aniya saka tiningnan ang ama. "Sorry talaga! Pre." Dagdag pang sabi niya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...