CHAPTER 38:

233 15 0
                                    


KINAUMAGAHAN ay pumunta si Maria Ila sa Guest room para tingnan ang kalagayan ng binata. Nasalan kasi ito ng malay kahapon nang makababa mula sa bubung na inaayos nito ang malala pa ay nabasa pa ng ulan kaya nagkasakit ito.

Nang makapasok siya sa Room kung saan nila dinala ang bianta. Mataman niyang tinitigan ang binata.

Ang amo ng mukha niya. Ang Gwapo talaga ng lalaking ito kapag natutulog hindi mo aakalain na isang napakakulit na tao. Parati pa akong sinu surprisa. Wala na akong mahihiling pa sa lalaking ito kundi manatili siyang sweet At ang pAgiging makulit na nga rin. Aniya sa isipan habang nakaupo sa upuan malapit sa kama.

LumApit siya sa bintana para tingnan ang panahon, maganda na nga ito di kagaya ng kahapon na ang dilim. Ang aliwalas na ng kalangitan kaya naman binuksan niya ng kaunti ang kurtina ng bintana. Bumalik siya sa pagkakaupo matapos niyang buksan ang kurtina  ng kwarto.

"Ikaw naman kasi eh, Bakit napakakulit mo parin kahit kailan. Bakit mo pa kasi pinatulan si Papa At ang lakas pa ng loob mo na kaya mo yon, ya tuloy ang nangyari sayo." Aniya sa habang nakatingin sa binata. "Kahit kailan talaga hindi ka nawawalan ng surprisa pagdating sa akin. Mas inuuna mo pa talaga ako kaysa sayong sarili kaya nain-love ako sayo eh. Sige matulog ka muna riyan." Aniya habang himas himas ang buhok ng Binata. Aalis na sana siya ng hawakan nito ang kamAy niya kaya napatingin siya sa binata.

"Anong Sabi mo?" Tanung ng binata sa kanya saka ngumiti ng nakakaloko.

"H-Ha?!! A-Ahmmm, S-Sabi ko M-matulog ka muna." Nauutal na sabi niya rito saka iniwas ang tingin sa binata.

"Hindi eh, meron ka pang sinabi. Yun huli mong sinabi mo. Ano nga ulit yun?" Tanung ulit nito sa kanya saka ngumisi.

"H-Huh??... Ahh... Ehh... w-wala w-wala yun sige alis na ako." Natatarantang sagot niya sa binata.

Habang hawak hawak parin ng binata ang kamay niya. Parang Kidlat ito na Tumayo at yumakap sa kanya sabay halik sa mga labi nito. "Wag ka munang umalis Binibiro kalang eh." Sabi nito sa kanya saka ngumiti ng malapad.

"Ikaw talaga, Pogs. Kahit kailan mapakakulit mo. Sandali, Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanung niya sa binata.

"Okay naman. Nahilo Lang ako kahapon Pero okay naman na medyo masakit nalang ang ulo ko." Sagot nito sa kanya.

"Kaya nga eh! Nag-alala kaya ako sayo kahapon kala ko kung anu na ang nangyari sayo. Kaya naman dali dali ka namin binuhat ni Islaw papasok dito sa loob ng bahay saka malakas pa ang ulan kahapon. Epekto siguro yan ng lagnat mo kagabi." Sabi niya sa binata.

"Salamat, Maria Ila! Sa pag-alala mo sa akin at Pag-alaga mo kagabi sa akin, alam mo namang gagawin ko ang lahat para lang sayo." Sabi nito sa kamya habang nakatingin sa mata niya.

"Wala yun, Pogs. At bakit mo kasi naisipang gawin pa ang lahat ng pinapagawa ni Papa sayo iyan tuloy ang inabot mo." Aniya sa binata saka ngumiti.

"Salamat pa din. Para naman yun sayo, Nga pala hindi ba nagalit si Tito na andito ka sa room kasama ko? Diba Sabi niya Wag tayong mag-usap hanggang hindi pa tapos ang kundisyon niya." Sabi nito sa kanya na may Bahid ng pangamba.

"Anu kaba okay na yun! Wag mo nang isipin si Papa." Sabi niya. "Hindi ko akalain na gAgawin mo talaga ang mga sinabi ni Papa sayo."

"Sabik na kasi akong mayakap ka At maramdaman ang init ng katawan mo, kaya ginawa ko yun at Siyempre sa future. Malakas kaya to!" Sabi nito sa kanya sabay flex ng biceps nito at ngumiti at napangiti naman siya rito.

Para sa Future! Hindi ko gets, Pogs. Ipaintindi mo please. Aniya sa isipan saka nagkunwaring galit.

"Chi! Hindi ka man lang nagsabi na masama ang pakiramdam mo kahapon ginawa mo parin yan tuloy ang inabut mo. Mabuti nang naging maayos ang kalagayan mo ngayun." Aniya sa binata saka iniwas ang tingin.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon