CHAPTER 37:

195 14 0
                                    


KINAUMAHAGAN, maagang dumating si Junbert sa pamamahay ng mga Abendan para maging tagapagsilbi siya.

"Sir! Ako na ang gagawa niyan." Sabi ng hardenero ng Bahay.

"Magpahinga ka muna, pre. Ako na ang gagawa nakatingin kasi si Mr. Abendan. Ako na ang gagawin nito dahil ito to sa akin ng Ama ni Maria Ila. Gagawin ko to sa anak niya na soon to be Mrs. Alob ko." Sabay lahad ng kamay niya. "Junbert Liam Alob pala, Pre. At ikaw si?" Dagdag pang sabi ni mya sa hardenero ng mga Abendan.

"Hala ikaw diba ang Sikat na engineer sa buong pilipinas." Sabi ng hardenero. "Islaw na lang po, Sir." Dagdag pamg sabi nito sa kanya saka ngumiti.

"Oo, Ako ngayun." Aniya m kay Islaw saka ngumiti. "Islaw, Wag mo na lang akong tawaging Sir, Okay na ako sa Junbert." Dagdag pang sabi niya kay Islaw.

"Nakakahiya naman po Sir kung Junbert yung itawag ko sa inyu." Anito ni Islaw sa kanya saka ngumiti at napakamot sa ulo. "Saka Mahal na mahal niyo po talaga si Miss Ila no? kaya niyo ginagawa ito?" Dagdag pang sabi ni Islaw sa kanya.

"Oo. Sige na ako na ang gagawa nito." Sabi niya At Hinubad niya ang damit niya para hindi mabasa ng tubig sa poso at nag-umpisa nang kinuha ng tubig sa poso. "Baka may gagawin ka pa yun nalang muna ang atupagin mo para mabawasan naman gawain mo." Aniya kay Islaw saka ngumiti.

"Sige po, Sir Junbert." Anito sa kanya ni Islaw saka umalis na. "Baka gusto niyo po ng tulong sabihin niyo lang po sakin, Sir." Dagdag pang sabi ni Islaw Sa kanya.

WALANG nagawa si Maria Ila kundi titigan lang ang pinakamamahal niyang lalaki na naghihirap sa mga pinagawa ng ama nito.

"Ang Gago talaga hindi mapigilan yan tuloy, paghirapan mo yan. Pero damn it! Ang Hot niyang tingnan sa ginagawang pag-igib ng tubig sa poso. Sh*t! Makalaglag panty talaga ang alindog ng mokong na to kahit kailan." Aniya sa sarili habang nakatanaw mula sa veranda ng kanyang kwarto.

Nang makatapos mag-igib ng tubig ay agad nito binuhat ang dalawang balde at lumakad na bitibit ang dalawanh balde papunta sa mga halaman At diniligan ito.

Pati na pagdidilig ay nakahubad parin, Pogs? Baka hindi makahinga ang mga bulaklak sa katawan mong yan ay este ako pala. Aniya sa kanyang isipan patungkol sa binata.

"Bilisan mo ang pagdidilig niyan, Junbert. Wag mo masyadong ramihan baka mamatay yan. Sige ka, Ikaw ang patatanimin ko niyan." Sabi ng ama niya sa binata.

MAKALIPAS ang dalawang araw, naging routine na nga ni Junbert ang mga ginawa sa bahay ng mga Abendan, Tatlong araw na pagsisibli ang ginawang kundisyon ng Ama ng salaga para sa makuha ang masarap na Oo ng ama nito. Mag-igib, Magdilig, maglinis ng swimming pool at kung minsan nag-a ayos ng sira sa bahay ng dalaga. Para na siyang mawawalan ng Malay habang ginagawa ang mga pinagawa ng ama nito. Pero para sa mahal niyang babae ay gagawin niya.

"Mr. Alob magpahinga ka muna Baka ako ang kidnapin At patayin ng ama mo pagnagkasakit ka." Sabi ng ama nito na nakatingin parin sa mga ginagawa niya. "Bumalik ka nalang dito bukas At Balikan ang ginagawa mo magpahinga ka muna saglit."

Kinabukasan, Huling araw ng Kundisyon pinagawa ng Ama ng dalaga para sa kanya. Tirik ang araw na ginawa ng binata ang mga gawain.

"Mr. Alob, mabuti ang aga mo ngayun. Naging maayos naman ang ginagawa mo makalipas ang tatlong araw. Ngayun ay isang bagay nalang ang gawin mo para sa akin dahil nakita ko naman ang tibay at determinasyon mo para makuha ang Oo ko at naramdaman ko ang bawat hugot ng lakas mo para sa anak kong si Maria Ila." Anito ng ama nito sa kamya. "Ayusin mo ang nasirang bubong sa garahe mag ingat ka at gawin mo ng maayos pagkatapos nung gawin pwede kanang magpahinga at bumalik ka nalang bukas para makukuha mo na ang Sagot sa ginawa kong kundisyon sayo." Dagdag pang sabi ng Ama nito sa kanya saka iniwan na siya. "Nga pala magkita nalang tayo bukas after Lunch."

Habang ginagawa niya ang Pag-ayos ng bubung ay nakaalalay sa kanya ang hardenero na naging malapit na kaibigan niya na rin.

"Sir, mag-ingat po kayo. Baka malaglag kayo diyan." Sabi ni Islaw ang hardenero.

"Okay, Pre. Malapit ko nang matapos itong ginagawa ko." Sagot niya kay Islaw.

Habang nag-aayos ng sira. Tumingin siya sa kalangitan. Sa wakas bukas makukuha ko na ang Oo ng ama mo, Gwaps. Malapit na tayong magkasama muli. Aniya habang ngumingiti. Nakita niyang makulimlim ang kalangitan saka bumalik ang tingin niya sa ginagawang pag-aayos ng bubong.

Nang Malakas At malamig na hangin ang umihip sa buong paligid At Muntikan na siyang malaglag. "Nag iba ata ang panahon ahh." Sambit niya habang nag-aayos ng bubong.

"Sir, Ayos lang po kayu?" Nag-aalalang tanung ni Islaw sa kanya

BIGLANG lumabas ng bahay si Maria Ila nang narinig niya ang boses ni Islaw na sumisigaw.

"Dios ko, Junbert! Anu bang ginagawa mo riyan?" Nag-alalang tanung niya sa binata.

"Nag-a ayos ng sira ng bubong malapit na rin ito." Sagot nito sa kanya saka ngumiti ng malapad.

"Naku naman Bilisan mo Baka umulan na ng malakas oh! Baka ka magkasakit niyan." Aniya sa binata. "Saka nakuha mo pa talagang ngumiti sa sitwasyon na yan ha." Dagdag pang sabi niya rito habang nakatingala sa ginagawa ng binata.

Haist, Pogs! Kahit kailan talaga Hindi ka nawawalan ng surprisang mokong ka. Yan tuloy hindi ko magawang hindi pagnasaan ang katawan mo. Aniya sa isipan patungkol sa binata na pinagnanasahan ang katawan. Bakit ba kasi ang ganda ng hubog ng katawan mo. Sino ba naman kasi ang hindi maakit sa Katawan mo kung naka topless ka lang at Tanging black jeans lang ang suot mo at tagaktak pa ang pawis mo, ang Hot mo na tingnang mokong ka! Gusto ko na tuloy maramdaman ang init ng katawan mong mokong ka!

Nang matapos nito ang pag-aayos ng bubong agad na itong bumaba papunta sa hagdan nang biglang mahimatay matapos makababa sa bubung.

"Hoy, Junbert!" Aniya sa bianta Habang tinatapik tapik ang mukha nito.

"Sir? Sir!" Anito ni Islaw habang siya ay nag alala sa sitwasyon ng binata.

"Islaw Tulungan mo ako, Dalhin natin siya sa loob ng bahay." Sabi niya kay Islaw na bakas ang pag-alala at takot na nadarama sa binata.

"Sige po, Ma'am!" Sagot ni Islaw sa kanya. Habang akay akay nila ang binata na walang malay, Bakas pa rin ang Pag-alala niya sa binata.

"Masama po kasi kanina ang pakiramdam ni Sir, Miss Ila. hindi niya lang sinabi sa ama niyo dahil baka hindi niya daw makuha ang Oo na sinabi nito sa kanya." Pagtatapat na sabi ni Islaw sa kanya nang makahiga ito sa sofa.

Nako naman ang mokong na to! Kahit kailan binibigyan niya talaga ako ng sakit sa ulo, ang kulit! Sabi niya sa sarili habang nakatingin sa binatang walang malay.

"Anu? Eh bakit hindi mo sinabi sa akin? Yan tuloy ang nangyari sa Gagong to." Aniya kay Islaw at bakas parin ang Pag-alala sa binata habang sapo sapo ang Ulo nito. "Sige na Islaw ako na ang bahala sa kanya. Salamat sa tulong mo makakaalis ka na." Dagdag pang sabi niya kay Islaw saka naman dumating ang Ina niya at nag-alala sa nangyari.

"Sige po, Ma'am!" Ani ni Islaw sa kanya. "Alis na ako."

"Nako! Anung nangyari sa kanya anak." Sabi ng Ina nita habang nakatingin sa walang malay na binata.

"Ito ma! Bigla nalang nawalan ng malay pagkatapos niyang bumaba ng bubung tapos nabasa pa ng ulan, Tirik pa naman kaninang Umaga ang araw nitong hapon lang nag iba ang panahon. Tapos masama pa raw ang pakiramdam nito Sabi ni Islaw sa akin." Aniya sa kanyang Ina saka tumingin sa binata.

"Sige doon muna siya sa Guest Room! Ikaw muna ang bahala sa kanya anak, tutal nurse ka naman." Anito ng Ina niy saka inihanda na ang Guest room para sa binata. Ang ama mo talaga kahit kailan, Maria Ila. Napakatigas rin ng ulo. Sabi ng pabayaan na kayo eh. Yan tuloy ang nangyari kanya."

Sana naman Gumaling ka nang mokong ka. Hindi ko alam ang gagawin komg nawawala ka sa tabi ko. May sasabihin pa ako sayo tungkol sa pagbubuntis ko. Paano na kami ng anak mo nito? Bwesit ka! Bumangon ka riyan. Aniya sa isip Habang nakatingin sa binata na walang malay.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

Hello mga KA SIMPLE, its your kuya Jeboy. Alila ngayun si Pareng Junbert sa pamamahay nila Maria Ila Hahaha. Pre kaya mo yan. Kita kits tayo muli sa Friday sa next update ko. 😁

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon