BUSY sa paglalagay ng band aid si Maria Ila sa mga sugat sa kamay ng binata nang tumunog ang cellphone nito. Nagkatinginan silang dalawa ng binata sa cellphone na nasa ibabaw ng lamesa."Sagutin mo na." Sabi nito sa kanya. "Ako nalang ang maglalagay ng band aid sa kamay ko." Dagdag pang sabi nito sa kanya habang siya ay nakatanga sa cellphone.
Sinunod naman niya agad ang sinabi ng binata. Hindi pa man siya nakapagsalita ng sagutin ang tawag ng biglang may nagsalita sa kabilang linya.
It's a Woman's Voice. Costumer niya ba to o isa sa mga babae niyang pinaiyak? Hmmp. Aniya sa kanyang isipan saka tumingin sa binata na abala sa paglagay ng band aid saka umiling iling. Bakit tumataas ang dugo ko sa lalaking to kung may nakapaligid sa kanyang ibang babae? Haist! Hindi ko na rin minsan maintindihan ang sarili ko. Bwesit! Nang dahil sayo Pogs nabaliw ang utak ko! Dagdag pang sabi niya sa kanyang isipan.
"Junbert? Si Jian to! Bakit di mo man lang ako kinuntak, nasaan kaba ngayun. Andito na ako ngayun sa Manila. I really Miss you Mr. Junbert Alob. Kaya nga gusto kitang makita ngayun, Sana magkita tayo?" Anito ng babaeng nagpakilala na si Jian sa kabilang linya habang nasa tainga niya ang cellphone ng binata. "May importante sana akong sasabihin sayo. Sana macontact mo agad ako? bago ako babalik sa Singapore. Pwede ba yun?" Dagdag pang sabi ng babaeng si Jian sa kabilang linya.
Napatitig siya sa binata na abala parin sa paglalagay ng band aid sa kamay. Wala itong pakialam sa paligid. Nararamdaman niyang parang kumirot ang puso niya at nakaramdam siya ng sakit sa narinig.
Jian? Iyon ba ang kasintahan nito? O isang babaeng nagpaloko sa mokong na to? Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa binata. Wala akong pakialam kung sinong babae ang hinarot ng mokong na lalaking to. Dagdag pang sabi niya sa kanyang isipan. Sana nagkakamali lang ako Junbert. Dahil sa isipan ko unti unti ka nang nakapasok sa puso ko. Sana lang nagkakamali ako na GF mo itong babaeng nagsalita.
Inilapag niya ang cellphone nito sa harapan nito. "May naghahanap sayo isang babae. Jian daw ang pangalan, tawagan mo dahil may importanteng bagay daw siya na sasabihin sayu." Aniya sa binata saka umalis siya at iniwan ang binata sa teress.
Pumunta siya sa kanyang silid at napag-isipang hindi na kakausapin ang binata kahit kailanman. "Letse! Ang gagong yun, Sabi nang masasaktan ka lang e! Bwesit!" Aniya sa sarili habang pinapahirap ang luhang kumawala.
Huminga siya nang malalim at pinakalma ang puso na nasaktan sa mga narinig kanina lamang. Ang sakit na naramdaman niya ngayun ang makakatulong sa kanya na kalimutan nalang ang binatang si Junbert Alob. Dapat nang patayin ang nararamdaman niya sa binata bago pa man masaktan siya ng todo.
NAGTAKA si Junbert sa ginawa ng dalagang si Maria Ila at di alam ang dahilan kung bakit biglang umalis at pumunta sa sariling kwarto nito pagkatapos nitong nilagay ang cellphone sa lamesa sa harapan niya.
Shit! Bakit ba nagkataon pang napatawag si Jian ngayun, anu ba ang pag-uusapan pa namin? Tapos na kami anu pa ba ang kailangan niya. Pagkausap niya sa sarili.
Kinuha niya ang Cellphone niya at may tinawagan. "Pre bakit mo binigay ang number ko kay Jian? Anu pa ang pag uusapan namin eh tapos na kami. Bakit niya pa ako hinahanap?" Sunod sunod na tanung niya kay JanLouie.
"Easy kalang Pre! Humingi lang siya ng number sayu para kausapin ka tungkol sa nangyari nung After graduation niyo, ok? At malay ko kung anu ang sasabihin niya, ikaw nalang magtanung at chaka nakamove on na siguro yun pre kasi nung pumunta siya sa bahay may kasama siyang lalaki. Sige na baka naabala pa kita bye! Siya nalang tanungin mo!" Anito ni JanLouie sa kanya sa kabilang linya.
"Haist! Bakit ngayun pa ha? Eh ang ganda na ng araw ko eh!" Aniya saka napahilamus ng mukha.
Huminga siya ng malalim at tinungo ang ang kwarto ng dalaga. Pagdating doon, naka lock ang pinto at kahit anung katok ang gawin niya ay hindi siya binubuksan ng dalaga.
"Maria Ila, buksan mo naman ang pinto, Please?" Pagmamakaawang sabi niya rito saka Kumatok siya ulit. "Please naman Gwaps, buksan mo na ang pinto." Dagdag pang sabi niya sa dalaga.
Pero kahit anong pilit niya na buksan nito ang pinto ay hindi nito binuksan.
Napabuntong hininga nalang siya ang bumalik sa Teress para kumalma. Masyadong matigas ang ulo niya para pagbuksan ako. Anu ba ang gagawin ko para buksan niya ang lintik na pinto na yun! Argh! Aniya sa isipan patungkol sa dalaga saka napangiti. Bwesit bakit pa kasi tumawag ang babaeng yun, pero okay na yun dahil Hindi naman siya magkukulong sa kwarto kung hindi siya nagseselos kay Jian. Dapat ako maging masaya. Pero hindi rin mawala sa isip ko na baka nag aassume lang ako at masyadong feelingero at umaasa na sana nga may nararamdaman siya sa akin. Dagdag pang pag iisip niya saka ngumiti nang nakakaloko.
Napabuntong hininga nalang siya sa nangyayari ngayun at dinaial ang number ni Razel. Alam niya na ang bestfriend niyang ito ay may alam kung panu suyuin ang dalaga dahil matinik na ito sa mga chicks pero nawala nang makilala ang babaeng si Yen.
"Hello, Pre. Kamusta?" Ani ni Razel nang sagutin ang tawag sa kabilang linya.
Nagdadalawang isip siya kung magtatanung ba siya o hindi dahil baka asarin siya nito nang bestfriend niya at pagtawanan sa itatanong. Hanggang sa napagdesisyunang magtanung nalang sa kaibigan niya kisa naman wala siyang gawin para maayos ang nangyari.
"Pre, Kapag galit ang babae sayo, anung gagawin mo?" Tanong niya kay Razel.
Biglang nagsilent ang kabilang linya. At tiningnan niya ang cellphone kung naputul ba ang tawag pero hindi naman. Kaya ibinalik niya ang cellphone sa tainga niya.
"Sipat? Nandiyan ka pa?" Pukaw niya kay Razel.
"Ahh, Oo naman." Ani ni Razel na nag aalangan. "Na shock lang ako, pre. Bakit ka pala napatawag? Teka, hulaan ko tungkol nanaman to kay Maria Ila, no? Nasaan pala kayu?" Dagdag pang sabi ni Razel.
Huminga siya nang maluwag. "Mali ba magtanung?"
"Hindi naman, Pre." Natatawang sumagot si Razel. "Nagulat lang kasi ako. Sandali lang, Anu ba ang kasalanan mo sa kanya?" Dagdag pang sabi ni Razel saka humahagikhik sa tuwa.
"Nagseselos yata siya pre?" Nag-aalangan Sabi niya sa kay Razel.
"Yata?" Tumawa mang malakas si Razel. "Kailan pa hindi naging sigurado si Junbert Liam Alob kay Maria Ila?" Dagdag pang sabi ni Razel sa kamya.
Nagpakawala sita ng isang malalim na buntong hininga. "Pre, kung pagtatawanan mo lang din naman ako. Paalam na."
Akmang papatayin na niya ang tawag ng tumigil sa pagkatawa si Razel at nagsalita. "Sandali lang, Alob. Pinagtatawanan lang naman kita, wala namang masama roon. Anyway, kung kailangan mo ng expert advice galing sakin, the happy boyfriend Razel Sipat. Ang sa akin lang pre, haranahin mo siya."
"Haranahin siya?" Nanlaki ang mata na tanung niya. "Nagpapatawa ka ba, Sipat? Pre naman, nasa twenty first century na tayo. Hindi na uso ang harana." Dagdag pa niya.
"Junbert, kahit kailan ay hindi nawala sa uso ang harana. Ang mga tao ang nawala sa uso. Ang paghaharana sa isang tao na gusto mo ay pagpapalambut at pag aakit sa puso ng taong napakaspecial sayo. Parang hinihili mo ang puso niya para hindi na magalit sa'yo." Paglilitaniya ni Razel sa kanya.
"Nakakakilig ka pre, Nilalanggam na ako!" Aniya saka umiiling-iling at napatawa naman ang sa kabilang linya.
"You're so freaking Welcome. Ang mga sinabi ko ay makakatulong sayo, Alob. Pwede mong makuha ang advice ko at Mapapatawad ka niya or pabayaan mo siya at habang buhay kang kagalitan ng babaeng mahal mo." Ani ni Razel sa kanya.
Anu bang gagawin ko, Susundin ko ba ang payo ni Razel o Hindi! Aniya sa isipan saka napakamot sa ulo.
"ANU BA ANG GAGAWIN KO!" Ani niya sa sarili saka bumuntong hininga at pumunta sa sariling kwarto.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romansa(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...