PITONG ARAW nang bad mood si Junbert matapos niyang makita ang isang papel sa mesa ng kwarto nila ng dalaga noong isang linggo. Alas otso na nang magising siya at wala siyang pakialam sa hitsura niya kahit parang basahan na siya at gulong gulo ang buong bahay niya.Wala siyang balak bumangon at pumunta sa opisina kahit pa sandamakmak nang papeles ang kailan niyang permahan At asikasuhin. Kaya pinadala nalang ni Alex ang papeles sa kanyang bahay nung isang araw.
Alam na alam ni Alex kung gaano siya ka bad mood dahil araw-araw niya itong nasisigawan sa telepono. Pati araw araw na pagUpdate nito sa kanya eh wala siyang pakialam kahit ang pagbati nito ng Good morning araw araw. Hindi niya pinapansin.
Wala naman Good sa morning ko. Haist! Nagpapasalamat talaga ako Alex dahil hindi pa siya nagre-resign kahit ganun na ang mga pinagagawa ko sa kanya. Aniya sa isipan habang nakahilata pa rin sa kama niya.
Nang makabangon na siya kaagad siyang pumunta sa kusina para maghanap ng makakain kahit pa gulong gulo na ang kanyang buhok At di man lang niya naisipang maligo At magbihis. Nang matapos makakain agad siya pumunta sa Sala ng bahay at nakita niya ang mga papeles na pinadala ng Secretary niya nung isang araw para permahan ang mga ito pero wala siyang napermahan ni isa sa mga papeles. Tinitigan lang niya yon hanggang sa mukha na ng dalaga ang nakikita niya.
Ang isip niya ay hindi iniwan ng babaeng mahal niya na nagngangalang Maria Ila. Palagi nalang itong laman ng isip niya. Umaga man O gabi, palagi itong nasa isip niya. Ang pinakamalala pa dun ay hindi man ito nagpaalam sa kanya ng personal. Hahayaan naman niya itong umuwi. Ihahatid pa niya ito. At nang tumawag siya sa bahay nito, palaging katulong ang sumasagot At ang palaging Sabi ay Busy ito. Bakit hindi man Lang siya bigyan ng oras kahit isang minuto lang. Wala ba talaga siyang halaga rito? Mali ba ang nakikita niyang kislap ng pagmamahal sa mga mata nito kapag nagkakasalubong ang mga titig nila? Guni guni niya lang ba ang mga yon?
Ni hindi man lang siya binigyan ng clue sa letter nito kung babalik ba ito o kung hindi na. Hindi lang puso niya ang dinurog nito kundi pati ang ego niya bilang isang lalaki. Umalis ito ng walang paalam. Dapat matuto itong bumalik ng Kusa. Kahit na ang puso niya ay gustong pumunta sa Probinsya para hanapin ang babaeng mahal niya, pinipigilan siya ng pagtatampo niya sa dalaga.
Hindi siya makapag isip kung anung gagawin sa araw araw na pagising niya dahil sa babaeng palaging nasa isip niya. Kasalanan nito kung bakit malapit na siyang mabaliw. Kaunti nalang, mawawala na sa tamang huwisyo ang utak niya.
"Umalis kayo sa pamamahay ko!" Galit na Sigaw niya ng marinig ang pag bukas ng pinto ng bahay At May narinig na yabag ng paa.
"May nasagap akong chismis." Unang nagsalita si Razel. "Gusto mong marinig?" Dagdag pang sabi ni Razel sa kanya.
Itong mga nakaraang araw, panay ang bisita ng mga kaibigan niya sa kanyang bahay. Wala naman ang mga itong ginagawa kundi ang inisin At asarin Siya.
Nagpakawala siya ng buntong hininga At tumingin sa kaibigang si Razel. "Anung kailangan niyo? Wala ako sa mood ngayun, Pre. Baka talagang masuntok ko kayo kapag nagalit ako sa kung anu man iyang chismis na dala niyo." Aniya sa mga kaibigan pero hindi man lang natinag ang mga to At naupo sa Harapan niya. At nginisihan siya.
"Gusto mo bang marinig ang chismis?" Excited ang boses na wika ni Mark stephen.
"Sigurado kami na magugustuhan mo To, Pre. At nga pala wag kang magalit sa presensiya namin." Ani ni JanLouie sa kanya. "Dapat nga magpa Salamat ka pa sa amin." Dagdag pang sabi ni JanLouie.
Tinapunan niya ng matalim na tingin isa isa ang mga kaibigan. "Umalis kayo sa harapan ko! Wala akong dapat na ipagpasalamat sa inyo." Sagot ni Junbert sa mga kaibigan.
"Of course, Mayroon." Wika ni Salvador na may bahid na ngiti ang boses.
"Kami lang naman ang mabuti mung kaibigan na palagi kang dinadalaw para alamin kung malapit ka nang mabaliw." Sabi ni Mark Stephen sa kanya. "Di ba mga, Pre?" Dagdag pang sabi ni Mark Steohen sa kanya saka ngumiti nang nakakaloko.
"May kilala akong doctor sa mental hospital, Pwede kitang ipareserve." Dugtong ni Jeffmark At binuntunan pa nito ng nakakainsultong tawa ang sinabi.
"Pero sa totoo lang, Ang Pag-ibig talaga nakakabaliw lalong-lalo na kapag wala ang taong mahal mo sa tabi mo at hindi ka mapakali para rito." Sabi ni Razel At tumawa. "Di ba, Pre?" Dagdag pang sabi ni Razel sa kanya.
"Nga pala Pre, parang wala ka sa katinuan mo. Para ka nang tanga pre. Bakit di mo maisipang Maligo man lang." Sabi naman ni Salvador saka ngumiti na nakakaloko.
Tiningnan niya isa isa ang mga kaibigan. Mga kaibigan ko ito pero sa pagkakataong ito. Gusto kong suntukin ang mga nakangisi nilang pagmumukha. Aniya sa kanyang isipan patungkol sa mga kaibigang nasa harap niya.
"Anu ba ang kailangan niyo?" Pahasik na Tanung niya kina Razel, Mark Stephen, Salvador at JanLouie.
Napangiti si Razel. "Ayon sa tsismis, Mukhang kutang Kuta na si Alex sa mga sigaw mo pre ahh."
"Hindi yun totoo!" Pagkakaila niya sa sinabi ni Razel.
"Ows!? So Bakit panay Lahad si Alex ng kanyang saloobin sa amin. Haist! Pre Wag kang ganyan. Pasalamat ka hindi pa siya magre-resign sa pinaggagawa mo sa kanya." Sabi ni JanLouie. Habang tango naman sina Razel, Salvador, Jeffmark at Mark Stephen sa mga sinabi ni JanLouie.
"Siya ba talaga ang umiirita sayo o yung kaalamang iniwan ka ni Maria Ila para sa pamilya niya? Pagkatapos ay hindi kana niya binalikan." Ani ni Jeffmark saka Nakakainsultong tumawa na mas lalong dumagdag sa iritasyon na nararamdaman niya.
Napatiim-bagang siya. "Umalis na kayong Apat. Wala ako sa mood." Aniya na pilit pinapahinahon ang boses. "Baka masapak ko talaga kayong Apat."
"Chill kalang, Pre. Bakit hindi mo siya puntahan sa Probinsya? Alam naman nating nasa hospital ang ina ni Mia diba? At kailangan siya nito." Sabi ni Salvador sa kanya.
"Wag mong pairalin yang ego mo pre, magpakalalaki ka at harapin mo si Mia. At sabihin mo sa kanya ng harap harapan na mahal mo siya o di kaya ligawan mo siya sa harap ng mga magulang niya." Dugtong naman ni Razel.
"Paanu ko naman gagawin yun? Abir? Eh panu kung eh reject niya ako at hindi niya pala ako mahal?" Sunod sunod na tanung niya sa mga kaibigan.
"Paanu mo malalaman kung hindi mo susubukan. Andito kana pre oh! Ang lapit mo na, pakakawalan mo pa ba? Alam kong alam mo na nahuhulog na sayo si Maria Ila. Nararamdaman mo naman siguro yun diba?" Sabi ni JanLouie sa kanya.
"Sige ka pre, baka maunAhan kapa ng iba, kung Ako sayo maligo kana At mag ayos ng sarili para sa babaeng mahal mo. At nang maging kaaya-aya ka naman tingnan At Para sayo naman to ang ginagawa namin pre." Dugtong pa ni Jeffmark.
"Andito kaming mga kaibigan mo para sayo pre, Suportado kami sayo. Anu pa ang halaga ng pagiging Childhood bestfriend natin kung hindi natin tutulungan ang isa't isa diba? Kaya makakaasa ka na andito lang kami." Anito ni Salvador sa kanya.
Oo nga naman tama nga naman ang sabi mo, Pre. Para ito sa kay, Maria Ila, sa babaeng mahal ko. Aniya sa kanyang isipan. Hindi ko kinidnap at pina-ibig si Gwapa para lang mapunta at ma kasal siya sa ibang lalaki. Akin ka lang Gwaps at ako lang ang pakakasalan mo. Ako lang!
"Okay-okay! Pupunta na ako sa Probinsya. Susubukan kong sabihin sa kay Mia ang nararamdaman kong ito. Bahala na si Batman nito! Basta't nasabi ko sa kanyang ang laman ng puso ko." Sabi niya sa mga kaibigan.
"Oh anu pa ang hinihintay natin! Tara na— Road to Forever na to para sa kaibigan nating Muntikan na maging baliw sa pagmamahal niya kay Mia." Sabi ni Razel saka tumawa ng malakas.
Maghintay ka lang aking mahal parating na ako para sabihin sayo na MAHAL NA MAHAL KITA. Aniya sa isipan.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...