KINAUMAGAHAN nagising si Maria Ila at mabilis na bumangon at pinalibot ang paningin sa buong apartment.Gosh! Akala ko totoo na iyon kagabi. Salamat naman at isang panaginip lang. Walang Junbert! kaya puso pwede ka nang kumalma. Aniya sa isipan saka nag unat at akmang tatayo ng may makita siyang isang papel na nakalagay katabing unan na hinigaan niya.
"What the hell!" Bulalas niya nang makita ang nakatuping papel sa katabing unan. "Anu naman ang isang to?" Kunot noong tanung niya sa isipan saka bumuga ng hangin at Kinuha ang papel saka binasa ang nakasulat.
Babalik agad ako, Gwaps. — Junbert A.
Napanganga siya sa nabasang papel at bumaba ang paningin niya sa kanyang katawan at nanlaki ang mga mata niya sa kadahilanang wala siyang saplot ni isa.
"Fuck! So we did it again? Na hindi kami lasing pareho?" Naguguluhang tanung niya sa isipan saka napasapo sa ulo. "Gosh! Maria Ila hindi na tama ang ginawa mo. Bakit mo hinayaan ang hinayupak na yon para angkin ka ulit?" Dagdag pang sabi niya sa sarili saka bumuntong hininga.
Hindi pwede to! Dios ko lord! Bakit ito nangyayari ngayun sa akin? Bakit? Aniya sa isipan saka napahilamos sa kanyang mukha at pinakalma ang sarili.
Mabilis siyang bumangon sa kama at tumungo sa kanyang closet kung nasaan ang kanyang mga damit.
"Wala nang oras pa Mag isip, Maria Ila. Dapat ay umalis ka na ngayun din sa apartment na to." Aniya sa kamyang sarili. "You need to move an apartment. Para hindi ka mahanap ng mokong na yun." Dagdag pang sabi niya sa sarili.
Kailangan ko nang umalis dito. Bago pa ako mabalikan ng mokong na Junbert na iyon. Aniya sa kanyang isipan saka nagmadaling pumunta sa closet niya. Pero bago pa man siya makakuha ng damit ay may nakita siyang isang sticky notes na nakatapik sa closet niya.
Kinuha niya ang papel at binasa ang sulat.
Wag kang magtangkang umalis sa apartment mo, Gwaps. Dahil mahahanap at mahahanap pa rin kita kahit saan. Miss Maria Ila Abong Abendan. — Junbert A.
"Fuck you, Junbert. Bakit? Bakit mo ako ginugulo ha?" Aniya saka namalisbis ang luha sa mga mata niya.
Dios ko? Bakit alam ng mokong na yon ang ginagamit ko lang ay ang apelyido ni Mama? Aniya sa kanyang isipan saka hindi na malaman ang gagawin niya. Mahahanap niya pa rin ako nito kahit sa kay Ella ako pumunta dahil panigurado ako ay napaimbestigahan niya na ako! Huhuhu... Bwesit ka talaga Junbert sa buhay ko! Dagdag pang sabi niya sa isipan.
Sa walang magawa ay umupo siya sa isang maliit na mesa at nakakita naman ng isa pang note na nakatapik at binasa niya iyon.
Mabuti naman at nakinig ka sa akin, Gwaps. Wag kang mag alaala dahil hindi kita isusumbong sa Mama at Papa mo. Ngayun, kainin mo ang breakfast na nasa ref mo. Have a good day, Gwaps. Susunduin pala kita mamaya sa Mystic Flower Shop ahh. Take Care dahil pakakasalan pa kita. — Junbert A.
Dios ko! Pati ba naman ang pinagtatrabahuan kong shop ay alam ng lalaking yon? Tinik ka talaga kahit kailan, Junbert. Aniya sa isipan saka kinuha ang pagkaing nasa ref at kinain na iyon saka pumasok sa trabaho. "Haist! Wala na, wala na akong takas kailanman sa mokong na yun. Huhuhu..." Dagdag pang sabi niya sa isipan saka kumain na at pumasok sa flower shop.
Nang makarating sa Flower Shop, laman pa rin ng isip ni Maria Ila ay ang binatang si Junbert.
"Good Morning, Ella." Bati ni Maria Ila kay Ella na siyang kasama niya sa trabaho na wala sa sarili.
"Magandang Umaga rin sayo, Maria Ila." Anito sa kanya saka napansin naman nito ang lukot niyang mukha. "Bakit lukot yang mukha mo, Friend? Wala namang bagyo ah o ipo ipo bakit ganyan ang mukha mo?" Dagdag pang sabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romansa(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...