CHAPTER 19:

273 30 0
                                    


NANG matapos silang dalawa maghapunan, kaagad na nag aya si Maria Ila na maligo. Excited na siyang magtampisaw at maligo sa isang lawa dahil bago ito sa kanya, ang maligo sa isang lawa. Ang tagal na rin mula ng huli siyang lumangoy sa tubig kaya naman excited siya para dito.

Kinalkal niya ang mga gamit niya kung saan naroon ang mga damit niya. Dito lahat inilagay ng binata ang mga damit niya sa apartment ng kidnappin siya nito.

Wala siyang nakita pang ibang susuotin kung di ang two piece nadala ng binata na kumidnap sa kanya.

Bakit naman wala ni ibang susuotin dito two piece pa, gago talagang lalaki yun di man lang humanap ng iba. Kita na lahat ng katawan ko pwera nalang sa pang itaas at pang ilalim. Haist.. kung di lang talaga Childhood friend ang gagong yun mapipiktusan ko talaga. Aniya sa kanyang isipan patungkol sa binata.

Kaya naman wala ibang choice siya kundi ang suotin ang two piece na nadala nito at kinoveran niya ito ng roba. Pagkatapos nagtungo siya sa tulay na nakakunekta sa lawa kung saan naroon na ang binata at naghihintay sa kanya. Ang kanyang lalamunan ay natuyo nang makita ang binata na nakatopless kagaya nung nakita niya ito sa apartment niya pagkatapos ito bumisita sa kanya. Tanging ang swimming trunk lang ang suot nito ng tanging saplot sa katawan. Nakatayo ito sa tulay na nakakonekta sa Lawa na mala adonis ang katawan at kaya di niya magawang di makatingin sa alindog ng binatang kasama niya ngayun. Napakakisig, kita ang anim na pandesal.

Shit! Kape nga diyan. Mapapaaga ang pagkakape ko nito ahhh. Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa binata na parang naglalaway sa alindog ng binata. Iba talaga ang epekto nitong mokong na to sakin. Haist Dagdag pang sabi niya sa isipan habang matamang tinitigan ang binata. Hindi ka taka taka na ang puso ko ay palaging bumibilis ang tibok  kapag malapit ka.

Tinanggal niya ang roba na suot, nilagay sa bench malapit sa swing at naglakad palapit sa binata.

"Hey, kanina kapa dito?" Aniya ng makalapit sa binata na nakaharap sa lawa.

HUMARAP ang binatang si Junbert sa dalaga at pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang sa Paa pagkatapos ay sumipol siya sa alindog ng dalaga.

"Gwaps naman, Aakitin mo ba ako sa suot mo?" Aniya sa dalaga saka napangiti sa nasilayang katawan ng dalaga at napakagat labi siya dito.

Tumingin ito sa suot nitong two piece at namula ang pisngi nito sa sinabi niya. "H-hindi no, at chaka ako pa talaga ang aakit sayo? Sino ka naman para akitin ko ha? Abir? Hindi yun ang intensyon ko— gusto ko lang naman ma experience ang maligo sa isang lawa at—"

"Relax lang." Napangiti sabi niya sa dalaga. "Jinojoke time ka lang eh. Aniya sa dalaga At hinawakan niya ang nag iinit na pisngi nito. "By the way. Ang ganda mo lalo pag namumula yang mga pisngi mo eh." Dagdag pang sabi niya saka ngumiti nang malapad.

Gwaps, alam mo para kang drug, nakakaadik yang presisya mo eh. Haist yan tuloy hindi na mawari kakatibok ng mabilis itong puso ko na parang hindi na normal at parang mawawalan ako ng hininga habang tumititig yang katawan mong nakakapaglaway naman talaga. Aniya sa isipan habang pinasadasahan ng tingin ang dalaga.

"S-Salamat." Anito sa kanya na pinilit ng bibig na magsalita sa kanya.

Malapad ang ngiti niya sa inasal nito sa harapan niya at iginiya ang dalaga sa lawa. "Tara na, lumangoy na tayo."

"Tara." Sagot nito naeexcite.

Lumapit siya sa dalaga at walang sabi sabing binuhat niya— na para bang honeymoon nila itong dalawa. Napatili ito sa ginawa niya pero agad naman iyong napalitan ng malulutong na tawa ng maglakad siya patungo sa lawa at naramdaman na sumayad ang likod nito sa tubig.

"Ang lamiggggg!!" Tili nito at mas kumapit ito sa leeg niya at sinubukang takasan ang lamig ng tubig.

Nilapag niya ang dalaga sa tubig at mariing tinitigan at hinalikan sa labi

"Bakit mo na naman ako hinalikan? Hmmp?" Tanung nito sa kanya na nagtataka ang mukha.

"Wala, Gusto ko lang halikan ka. Masaya lang ako dahil bati na tayong dalawa." Nakangiting sabi niya sa dalaga.

"Ewan ko sayong mokong ka. Makalangoy na nga." Anito sa kanya ng dalaga na ikinatigil niya.

Hindi siya umangal sa halik ko sa kanya? Hmmp. Senyales para ipagpatuloy ko yon. Aniya saka ngumisi nang nakakaloko.

"Huwag kang masyadong lumayo ahh." Paalala niya sa dalaga habang ninanamnam ang lamig ng tubig.

Tumigil ito sa paglangoy at humarap siya aa kanya. "Hindi ka ba lalangoy?" Tanung nito sa kanya.

"Mamaya sa siguro." Sagot niya sa dalaga Saka ngumiti siya rito. "Lumangoy ka na. Nandoon lang ako sa tulay na nakakabit sa lawa." Sabi niya at itinuro ang tulay na kaninang tinatayuan nilang dalawa. Malapit lang naman iyon sa nilalangoyan ng dalaga.

"Okay." Sabi ng dalagang sa kanya at nagpatuloy ito ng paglangoy.

Lumangoy siya papuntang tulay. Nang makarating doon umupo siya dito habang nakalubog ang mga paa nito sa tubig at hinanap ng mga mata niya ang dalaga. Sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang dalaga na masayang lumalangoy sa tubig sa gabing napakatahimik at ng napakabilog na buwan. Mukhang masaya talaga ito at natutuwa siya na kahit sapilitan niya itong dinala rito sa Camp House niya ay nakangiti ito.

Ramdam na ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya nang makita ang dalaga na hindi na lumalangoy at nagwawave ng kanyang kamay sa direksyon niya. Napangiti at nag wave din siya pabalik sa dalaga. Hindi niya alam kung anung nangyayari sa kanya.

Nung mga kabataan palang nila ay kakaiba na talaga ang nararamdaman niya sa dalaga, ngayun hindi niya malaman laman kung anu ba ang kakaibang nararamdaman niya. At nang magkita muli sila sa kasal ng kaibigan niya ay nandon parin ang kakaibang nararamdaman niya para sa dalaga. Hindi niya alam kung anung gagawin sa emosyong nararamdaman niya.

Si Maria Ila ang nagpamulat sa natutulog niyang puso at tinuroan itong tumibok at mabuhay ang nararamdaman niya para rito. Maraming nagkakandarapang babae ang lumalapit sa kanya pero may hinahanap itong tao na magkukumpleto sa kanyang pagkatao at nararamdaman niya ito sa dalagang si Maria Ila.

Ang akala niya ay ang babaeng para sa Pagtatrabaho at pamilya. Akala niya rin ang babae ay para sa sex lamang. Pero ngayun habang iniisip niya ang dalaga, iniisip niya ang kanyang mundo ay napakagulong di niya alam kung anu ang nararamdaman niya sa dalaga at yun ay hindi niya nararamdaman sa ibang babae.

Natatakot siya sa isiping nasa mga kamay nito ang kaligayahan at kalungkutan niya. Natatakot siya na nakadepende sa dalaga ang kasiyahan niya. Natatakot siya na dumating ang araw na hindi na niya kayang pakawalan ito. Ngayun pa nga lang, nahihirapan na siyang pakawalan ito.

Gagawin ko lahat Gwaps para lang maging maganda ang kinalabasan nitong lahat nang to. Sana ay maging maganda nga. Aniya sa kanya isipan saka matamang tinitigan ang dalaga.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon