MAAGANG nagising si Junbert at tinitingnan niya ngayun ang babaeng mahal niya na si Maria Ila na mahimbing na natutulog sa kama, Oo magkasama na silang natutulog sa iisang kwarto. Mula ng ayain niya ito maligo sa Lawa ay nagkamabutihan na silang dalawa. Minsan na lang din sila mag away at syempre sa kwarto na niya natutulog ang dalaga. Hindi niya hahayaang mawala ulit ang dalaga sa kanyang paningin, ngayung inamin na niya sa sarili na mahal na niya ang dalaga.Oo mahal niya ang dalagang si Maria Ila Abendan At sana lang pariho silang ma notice ang pagmamahal na iyon sa isa't isa.
Pero kahit naman papanu sa ginawa niya sa dalaga nang magsama sila sa iisang lugar ay May nararamdaman na pagtingin sa kanya ito. At yun ang pakiramdam niya. Yun nga lang hindi niya alam kung gaanu ka lalim ang nararamdaman nito sa kanya.
Sinu nga namang babae ang kayang eh surrender ang kanyang buong tiwala na lalaking napaka Kulit At ubod ng Hangin para lang magkamabutihan sila Kung wala namang nararamdaman ito sa kanya diba. Kahit pa siguro childhood friend silang dalawa. Naniniwala siya na kahit papanu ay May nararamdaman sa kanya ang dalaga at iyon ang pinanghahawakan niya ngayun.
Matapos mag muni muni sa kama at mag isip sa kung anu ang nararamdaman niya sa dalaga ay nag unat siya at lumabas ng kwarto para tawagan ang kanyang Secretary. Ang Aga pa para tawagan niya ito pero kailangan niya para sa planu niyang ito.
"Anu yun Boss?" Pormal na sabi ng secretary niya matapos sagutin nito
"Magandang Umaga, Alex." Masayang bati niya sa kanyang Secretary.
"Magandang Umaga rin Boss, Ang saya niyo po ata ngayun Boss ahh." Kumento nito.
"Oo nga eh!" Napatawa siya sa inasal niya.
"Nga pala Alex, Gusto kung ipadala mo dito ang helicopter ko sa Camp House. Uuwi na ako sa Manila." Aniya sa kanyang secretary sa kabilang linya.
"Okay po Boss! Eh yung nga appointment niyo po na ikinansel niyo, eh a unhold ko na po—" Anito nito sa kanya ngunit agad niyang pinutol ang ibang saaabihin.
"No, Hindi muna. Just hold my Appointments. Babalik ako ng Manila pero hindi pa ako papasok ng trabaho. May kailangan pa akong gawin para sa Buhay ko Alex. Dadalaw nalang ako sa Office kung urgent ang kailangan." Aniya sa Secretary.
"Okay Po Boss! Copy that!" Anito nito sa kanya.
"Good!" Pinatay niya ang tawag at bumalik sa kwarto para tingnan ang dalaga kung gising na ito.
Naabutan niya ang dalaga na gising na at nakabusangot ang mukha. Ngitian niya ito ng magtama ang kanilang mga mata. "Magandang Umaga! Gwaps."
"Good morning din sayo! Junbert aka My kidnapper!" Ngiting sumagot ito ay nag unat. "Bakit
ang aga mo naman nagising? At sino yung kausap mo sa telepono kanina?" Tanung nito sa kanya."Oy! Ikaw ha Stalker kana pala ngayun." Aniya sa dalaga saka ngumiti nang malapad.
"Ha.ha.ha Feeling ka rin anu na eh stustalk kita! Ang hangin mo, ang aga aga pa eh!" Singhal nito sa kanya.
Nakangiting Sumagot siya rito. "Si Alex ang kausap ko kanina."
Kada oras na may kausap siya o May tumatawag sa kanya. Palagi siyang tinatanung ni Maria Ila kung sino ba ang kausap niya sa telepono. Nagdududa pa rin ba siya sakin o anu? Aniya sa kanyang isipan saka ngumiti sa dalaga. Oo nakapasok na nga ako sa puso mo, Gwaps. Pero hindi pa rin pala buo ang tiwala mo sakin. Kung ganun Kailangan kong kunin ang buo mong tiwala nang sa gayun ay hindi naka magtaka pa.
"Ahh okay!" Umalis ito sa kama at pumunta ng banyo para maligo.
"Okay sige! Punta lang ako ng Kusina para magluto ng agahan nating dalawa." Aniya sa dalaga saka ngumiti.
Habang nasa kusina siya at abala sa paghain ng agahan nilang dalawa, gumawa siya ng tsa a, tatlong toasted bread at pancake para sa dalaga.
Hanbang abala siya sa kusina. Pumasok naman sa kusina ang dalaga at chakto namang magtama ang kanilang mga mata dahil nga kanina pa niya ito hinihintay.
Iba talaga ang alindog ng babaeng ito nakakabighani ang ganda. Kahit walang make up ang ganda. Ang magandang mukha, bilogang mga mata at napakinis na kutis. Akin ka lang talaga Maria Ila at walang ibang makakakuha sayo kundi ako. Aniya sa kanyang isipan saka ngumiti habang papalapit ito sa kanya.
"Mukhang maayos mong naluto iyan ahh!" Bungad ng dalaga sa kanya.
"Oo naman, ikaw naman kaya ang nagturo sa akin nito diba?! Galing mo namang magturo eh." Sagot niya sa dalaga sabay kindat niya dito. "Kaya ginalingan ko rin ang pagluluto." Dagdag pang sabi niya saka kumindat sa dalaga.
Napangiti ito sa sinagot niya. "Ikaw talagang lalaki kahit kailan bolero ka parin." Anito sa kanya at Pinanggigilan ang pisngi niya. "Thank you, Junbert."
"Awww! Naman makakataba naman ng puso ang sinabi mong yan. Parang iyoko nang mahiwalay sayo niyan eh." Aniya saka ngumisi. "Nga palang May surprise ako sayo." Aniya saka hinalikan niya ang dalaga sa noo nito.
"Talaga? Anu na naman yun! Hindi ka talaga nawawalan ng Surpresa sakin ah." Anito sa kanya na parang excited na para sa sorpresa niya.
"Mamaya na! Kumain muna tayo. La lamig na yung pagkain kakahintay sayo oh!" Aniya saka ngumiti nang lapad.
Nang matapos silang mag agahan ay tamang tama naman ang pagdating ng Helicopter niya na pinadala ng secretarya nito.
Nagtakang Nagtanung ang dalaga sa kanya. "Anu yon?" Tanung nito saka kumunot ang noo nito sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim at nagsalita. Ito na to! Babalik na tayo sa realidad kung saan kita mas susurprisahin ng panghabang buhay Gwaps.
"Helicopter ko yan, Maria Ila! Aalis na tayo dito sa Camp House. Babalik na tayong Manila." Sabi niya At hinihintay ang reaksyon ng dalaga.
Malungkot na nag wika ang dalaga sa kanya. "Oh Sige, iha handa ko lang ang mga gamit ko!" Anito sa kanya at kita ang pagkadismaya sa surprisa niya.
Nagdadalawang isip siya kung susundin niya ba ang planu niya o hindi. Mali ba ang naging desisyon ko? Mali ba na dahlin ko siya sa Manila para ipakilala sa mga magulang ko? Ang gusto lang naman niya ang mapasaya ang dalaga araw araw. At sa desisyon at planu niya ay sana makita niya ang mga ngiti at saya ng dalaga.
Ilang minuto habang nakasakay na sila sa Helicopter ay pareho silang walang imik dalawa pabalik ng Manila.
Tumingin sa gawi niya ang dalaga.Nag alala siya na baka mali ang desisyon niya na bumalik sa Manila.
"Okay kalang ba, Junbert?" Tanung nito sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at pinisil niya ito.
"Anung problema mo?" Sabi nito sa kanya habang nilalapit ang bibig sa tainga nito.
Napangiti lang ang binata at kinuha ang braso nito at nag drawing.
Unang nag drawing siya ng J LOVE M.
Pero napakunot ang nuo nito sa ginawang drawing niya sa braso nito dahilan para mapabusangot ang mukha niya. Sunod naman na drawing ito ng Question Mark saka napatingin sa kanya. Napangiti lang ang Binata at kinuha niya ang kamay at hinawakan niya ito.Nang makarating silang Manila sa Company mismo ng binata ang "Build in Company." Mula roon sumakay sila ng Black matte na Motor niya at pumunta sa bahay ng magulang niya sa Manila.
Nang nasa Tapat na sila ng Mansion ay na alala niya ang nagawa niyang katangahan sa bahay ng binata nong nasa probinsya pa nila ito. Heto na to! Ipakilala na kita sa nga magulang ko, Maria Ila. Hindi na kita kayang mawala pa sa buhay ko at sana makiayon si Tadhana sa ating dalawa.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...