KUMUNOT ang noo ni Maria Ila ng magising siya isang umaga at wala sa kanya tabi ang binatang si Junbert.Saan naman kaya nagpunta ang mokong nayun? kay aga aga pa kung saan na napunta. Siguro kausap lang nito ang secretarya niya sa office nila. Aniya sa kanyang isipan. Pero hindi pa siya nagising na wala ito sa tabi niya.
At Oo, natutulog na silang dalawa sa iisang kwarto. Natutulog sa iisang higaan at nag eenjoy silang dalawa sa ginagawang kamilagrohan hanggang magsawa sila. Inunat niya ang braso at nag iisip kung saan napunta ang binata sa ganito kaagang araw, bumangon siya at inayos ang higaan chaka ang sarili. Bago paman siya makalabas ng kwarto may nakita siyang envelope sa lamesa nito, natigilan siya at napakunot ang noo kung anu ang laman nito. Habang nag-iisip sa kung anu ang nakasulat ay kinuha niya ito, binuksan at binasa ang sulat kamay at naamoy niya ang bango ng papel.
Good Morning, Maria Ila. I hope you had a very nice sleep. Chaka pala, may surpresa ako sayo ngayun. Pero una sa lahat kumain ka muna nang agahan mo. Niluto ko yan. Huwag kang magreklamo sa lasa, yun lang ang kaya ng cooking skills ko ha! Pagpasensyahan mo na.
— Junbert Liam A.Parang sira ulong nakangiti siya ng mag-isa habang naglalakad patungo sa kusina. Nang makarating siya roon, nasa lamesa na ang agahan niya na sigurado siyang tinorture na naman ito ng binata. Habang kumakain siya ng kanyang agahan na parang hindi alam ang lasa ng agahan niyang hinanda ng binatang si Junbert sa kanya— may nakita siyang envelope na may numerong 2 pariho sa envelope na nakita niya sa mesa sa kwarto nilang dalawa na may numerong 1. Kinuha niya iyon at binasa na naman ang nakasulat sa scented paper.
Sana nag enjoy ka sa agahan mo, Gwaps. Pinaghirapan ko yang lutuin alam mo ba yun. Wag kang mag alala dahil wala yang gayuma o anu man ha!
— Junbert Liam A.Pagkatapos niyang mag agahan, pumunta siya sa Water dispenser para iinum siya ng tubig, nang mawala ang masamang lasa ng kinaing agahang hinanda ni Junbert sa kanya ng may makita na naman siyang pangatlong Envelope. Binuksan niya ito at binasa.
Gwaps, kung nakita mo ito means uhaw na uhaw ka na sa Halik ko. Mwah. Chaka pala ready kana? Para sa hunting surprise ko na gagawin mo? Kung Oo, then Pupunta ka sa Sala may naghihintay sayu dung isang Gift kunin mo at suotin ito.
— Junbert Liam A.Mabilis naman siyang sumunod sa inutos ng binata na nakasaad sa papel. Nang makarating siya sa Sala, kaagad niya nakita ang blue Gift box at binuksan niya ito at nakita ang isang Necklace na laman ng blue Gift Box na tinutukoy ng binata. Gold ang kulay ng necklace at FOREVER ang nakalagay na pendant dito. Ang simple lang nito pero ang ganda tingnan. Nang suotin niya iyon. Bumagay ang Necklace sa morena niyang balat.
Katabi ng Gift box ay ang pang apat na envelope na nakita niya na galing sa binata. Binuksan niya ito at binasa kung anung sinasaad sa scented paper.
Ilagay mo sa leeg mo ang Necklace. Lumakad ka papuntang swing. May makikita kang papel na nakalambitin sa swing dun mo makikita ang susunod na clue para sa surprise ko. Happy Hunting, Maria Ila.
— Junbert Liam A.Napailing-iling na nagtungo siya sa Swing. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya ang pinagsasabi ng binatang to' pero enjoy na enjoy naman siya sa ginagawa at excited sa kung anung malalamang surprisa ng binata sa kanya.
Nang nakita ang nakalambitin na papel at tinatangay ng hangin, mabilis na tumakbo siya papalapit doon at kinuha ang pang limang envelope at isa na namang Blue Gift box ang nasa upuan ng swing. Una niyang binuksan ang envelope at binasa ang sulat dito.
Gwaps, pumunta ka ngayun sa gubat. Nakikita mo ang dalawang makatabing puno ng Acacia na malapit sa lawa? Magsimula ka diyan sundan mo lang ang trail para hindi ka maligaw. Magtiwala ka sakin di kita ipapahamak at dahan dahan lang ha baka kung maka apak ka ng isang ahas diyan, hahah. Joke lang. Walang ahas sa gubat na to dahil ginawan ko na yan ng paraan para di ka makakita nang kung anung makakahamak sayo. Chaka pala bago mo gawin ang sinabi ko ay buksan mo ang isang blue Gift box at dalhin mo ang UnPuzzle Frame at ilagay mo ang mga word na makikita mo sa box hanggang sa makapunta ka sa surprise ko sayo. — Junbert Liam A.
Binuksan niya ang Blue Gift box at may nakita siya isang UnPuzzle Frame at isang Crafted na Word. Ang ganda ng pagkagawa nito. So cute. At ang salitang ito ay PARTY. May nakita siyang isang salita sa likod ng box at binasa niya "WILL"
Hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin non. Kinuha niya ang word na PARTY at Nilagay niya ang word sa Frame. At pumunta siya sa sa dalawang puno ng Acacia. Pagdating doon, may nakita na naman siyang envelope at kulay Blue na gift box, ang envelope ang nakasabit sa isang puno ng acacia at ang blue gift box naman ay sa isa pang puno ng acacia.
Salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Maria Ila. Sundan mo ang trail at kung makita mo ang Falls ay hanapin mo ang isang bote. At chaka pala buksan mo ang blue Gift Box.
— Junbert Liam A.Binuksan niya ang Blue Gift Box at kinikilig siyang napangiti ng makita ang isa nanamang Word. Dagdag na naman sa UnPuzzle Frame. At ang salitang ito ay MANILA. Doon silang dalawa nagkita muli. Iyon ba ang ibig sabihin ng salita na ito?
A remembrance?
Napangiti siya sa salitang hinawakan bago niya ito nilagay sa UnPuzzled Frame. At may nakita na naman siyang salita sa likod ng box. At ang nakasulat dito ay "YOU".
WILL and YOU. Hindi niya mapigilan ang excitement na nararamdaman. Gusto niya nang malaman kung anu ang susunod.
Lakad-takbo ng ginawa niya para makarating sa isang Falls na nakasaad sa mensahe ng binata. Nang makarating doon, mahina siyang napatawa at kaagad na hinanap ang bote.
Nang makita niya ang bote ay binuksan niya agad ito.
Kung nabasa mo ito means nakarating ka ng safe sa falls, Ngayun Na kikita mo yang mga steps pataas sa gilid ng Falls? Isa yang trail. Wag ka mag-alala dahil di yan papuntang Heaven papunta yan sa Surprise ko. Oh chaka pala. Buksan mo ang Kulay blue na Gift box. Enjoy.
— Junbert Liam A.Binuksan niya ang Blue Gift Box at naka lagay dun ay isang word na "KIDNAP". Napangiti siya ng makita ang salitang iyon. Really Memorable? At sa likod ng box ay may nakasulat na "BE".
WILL, YOU and BE. Anung Susunod?
Pagkatapos niyang ilagay ang word sa Frame, tinungo niya ang Steps na tinutukoy nito. Nang makarating na siya sa dulo ng steps at malampasan ang Falls ay may nakitang siyang nakakalat na kulay puting Petals sa lupa. Pero hindi lang yun basta nagkalat, ang white petals na yun ang trail patungo sa isang Malaking Blue Gift Box.
Mabilis siyang naglakad papunta sa Box at walang pag aalangan na binuksan iyon. At may nakita siyang isang letter at Red Gift Box sa loob.
Wow. Nakarating ka rito? Isipin mo nalang na nag-i-exercise ka. Pero di na kailangan ang sexy mo na eh. Baka kung may lalaking makakita sayo eh magustuhan ka pa. No way! Akin kalang! Okay— ang layu ko na sa topic. Anyway ito na ang last Letter. Sana nagustuhan mo ang surprise ko sayo. Di pa yan ha! Sundan mo ang nagkalat na petals at makikita mo ang surprise ko talaga sayo. Buksan mo ang Red Gift Box. Please. Thank you.
— Junbert Liam A.Nakakita siya ng isang Crafted na Salita sa loob ng box at it shaped to a word "JAMIA". At may nakasulat na "MY" sa likod ng cover ng box.
Pagkatapos malagay niya ang Crafted word na JAMIA sa Frame ay sinundan niya ang nakakalat na Petals sa lupa at nakakita siya ng isang Mesa at Upuan na nakaharap sa napakagandang tanawin na para bang viewing deck itong lugar. At may basket na puno ng junk food, Champagne at prutas sa ibabaw ng mesa.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romantik(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...