CHAPTER 20:

269 32 0
                                    


MALALIM ang iniisip ni Junbert patungkol sa pinag usapan nila ng dalagana kung hindi maganda ang pagtrato niya rito ay palalayain at pakakawalan niya ito.

Hindi ko alam gwaps kung bakit ako pumayag sa sinabi mong pakakawalan ka. Pero gagawin ko ang lahat para hindi tayo humantong sa ganoong sitwasyon. Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Hindi kita kaya pang pakawalan sa pangalawang pagkakataong ito, Maria Ila. Alam mo namang mahal na mahal kita mula noon hanggang sa ngayun. Dagdag pang pag iisip niya hanggang sa may pumukaw sa kanyang pag iisip.

"Hoy, Pogs!" Sigaw nito na pumukaw sa pag-iisip niya.

Napakurap-kurap siya at napatitig sa mukha ng dalafa na ilang dangkal nalang ang layo sa mukha niya. Hindi niya namalayang umahon pala ito at ngayun ay nakaharap sa kanya.

"Oh, Gwaps." Aniya rito saka tumikhim. "Kanina ka pa ba riyan?" Maang na tanung niya sa dalaga saka ngumiti siya. "Anung tawag mo sakin, Pogs? Bakit?"

"Oo, Pogs ang tawag ko sayo.Pogs short for Pogi. Hindi lang dapat ikaw may endearment sakin dapat ako rin." Aniya sa kanya saka napadako ang tingin sa lawa. "Kanina pa kita kinakausap pero parang wala naman akong kausap eh." Umupo iti sa tabi niya at tumingin sa sa gawi niya. "Anu ba ang iniisip mo riyan at subrang lalim naman ata hindi ko maabot eh." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka ngumiti nang malapad.

"Marami, Mga bagay na importante para sa buhay ko." Sagot niya rito saka tumingin sa maaliwalas na tubig ng lawa.

Sinilip nito ang mukha niya at pinakatitigan. "Maari mo bang sabihin sa akin ang maraming bagay na bumabagabag sa isipan ng lalaking kumidnap sa akin?" Anito sa kanya saka ngumiti ng malapad sa binata.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at humarap sa dalaga. "Bakit gusto mong malaman?"

"Kasi parang may bahid ng kalungkutan ang mga mata mo. Gusto ko lang malaman kung ang kalungkutan na nakita ko sa mga mata mo kanina ay Yan ba'y may kinalaman sa iniisip mo kanina." Anito sa kanya saka pinakatitigan ang binata.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Kung malungkot ako, anung gagawin mo para pasayahin ako?" Nakangiting tanung niya sa dalaga na parang may iniisip.

Nakita niya na natigilan ang dalag sa tanung niya. Kapagkuwan ay sumagot ang dalaga.

"Oo na't childhood friend tayo pero Hindi naman kita ganoon kakilala ngayung lumaki na tayo dahil nga hindi na kita nakita nung simulang nadito ka sa manila nag College para malaman kong anung gagawin ko. Wala akong alam sa'yo maliban sa napakakulit mong manyak at walang preno ang bibig mo." Anito sa kanya ng dalaga. "Oo na at alam ko ang ugali mo noong kabataan palang natin noon pero hindi ko na alam kung ang kakilala kong kaibigan ay siya pa rin ba." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka tumingin sa buwan.

Natawa siya sa huling sinabi nito pagkatapos ay sumeryoso. "Gusto mo ba talagang malaman si Junbert Liam 2.0 sa likod ng napakakulit na ugali, manyak at walang prenong bibig?" Tanung niya rito. At Parang nakasungkit siya ng bituin ng ngumiti at tumango ang dalaga.

"Oo. Gusto kung malaman kung anu ba ang mga ginaabalahan, mga gusto at paniniwala ng aking kidnapper." Sagot nito sa kanya.

Napatawa siya nang mahina sa sinabi nito. "Oo? Talaga bang gusto mo malaman?"

"Hmm-mm." Sabi nito habang napatango. "Oo nga." Idinipa nito ang kamay at napangiwi ng tumama ang isang kamay nito sa pisngi niya. "Sorry. Gusto ko lang malaman kung anu ba talaga ang iniisip mo. At gusto kung malaman ang dahilan ng malungkot mung mga mata."

Napailing-iling siya at tumitig sa mga mata nito. "Okay." Aniya at nagsimulang magkwento ng buhay niya. "Alam mo naman ang buhay ko noong mga kabataan palang tayo, Maria Ila. Hindi kami gaanong mayaman kaya elementary palang ay nagsumikap na ako para makapag aral man lang hanggang sa mag highschool ako naging working student at nagsumikap pa para lang makakuha ng scholarship. At nagtagumpay nga ako roon, Gwaps.
Natapos ako ang college at isa na ako Ganap na Engineer at bonus pa ay nakapasa ako sa board. Oo nakatapos ako ng pag aaral pero hindi pa don nagtatapos ang lahat marami pa pala akong haharaping challenges pagkatapos ng pag aaral pero kinaya ko kaya nakuha ko ang gusto ko mula sa sasakyan, mga damit, bahay saka lupa at ngayun ang kompanya tinatag ko para sa pamilya ko at maraming nagkakandarapang mga babae sa akin." Kwento niya sa dalaga saka Mapakla siyang tumawa. "Pero may isang tao paring hinahanap ang puso't isipan ko. Hindi parin kompleto kahit na nasa akin na ang lahat. Nung mag College ako doon sa University of the Philippines or UP. Yeah! Hindi lang ako Gwapo, may Utak rin ako. Doon nakilala ko ang mga kaibigan at mga naging business partners ko ngayun." Mahina siyang napatawa ng maalala ang nangyari. "Alam mo bang tama ang sinabi nila na ang tunay na laban ng buhay ay makikita mo sa labas  ng paaralan. Kaya mas marami pa akong challenges na hinarap hanggang sa nakilala ang mga gawa ko at naging sikat akong engineer hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin matapos ang hirap sa buhay ko kaya ngayun naitatag at naging kilala ang kompanyang itinayo ko ang "Build in Company", na siyang tinatag ko." Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa lawa. "Kakabit ng pamamayagpag ng pangalang Engr. Junbert Liam Alob ay ang kababaehan na halos sambahin ang nilalakaran ko. Maraming nakakandarapang babae ang gusto akong ma meet at matikman man lang, Gwaps. Pero alam mo ba kung anung ginawa ko sa lahat ng yun hindi ko hinarap ang sinu mang babae dahil sa may hinahanap na ibang tao ang puso ko. At sa ngayun, ang gusto ko lamang mangyari sa buhay ko ay Mapabuti ang buhay ng pamilya ko at ng special na tao sa buhay ko na nagpapabuhay sa hayop sa dibdib ko at yun ay ang puso ko."

"Alam ko namang matalino ka at gusto mong abutin ang lahat ng pangarap mo. Naramdaman ko yun noong High school pa tayo, Junbert. Kaya nga nabigyan ka ng opportunities na makatanggap ng isang scholarship sa manila eh." Nakangiti sabi nito sa kanya.
"Iba't ibang challenges ba naman ang hinarap ng buhay mo eh dapat lang na maging maganda ang ginalabasan ng buhay mo. Kaya ipagpasalamat mo iyung mga challenges na kinaharap mo sa maykapal dahil kung hindi dahil don hindi ngayun nakatayo ang Build in Company saka hindi makilala ang sikat na engineer ng bansa, di ba?" Sabi nito sa kanya. "Proud ako sayo. Yun ang nakakabilib sa ugali mo ngayun. Handa mong gawin ang lahat para lang makuha ang gusto mo, kaya mo nga ako kinidnap di ba?" Anito nito sa kanya saka tumawa sa sinabi at napatawa na rin siya rito.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

Ang sweet ng endearment niyo ahhh! Sana all nalang talaga POGS at GWAPS.

Nga pala mga KA SIMPLE, Wag niyong kalimutan na, Vote every chapters of this story. Hope you do my Favor. Thank you A lot! :)

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon