TUMAYO si Junbert at lumapit sa dalagang si Maria Ila. Pagkatapos ay ipinalibot ang isang braso sa beywang nito at iginiya niya ito patayo At hinapit niya ito papalapit sa katawan niya."Huwag mo nalang isipin ang sinabi ko." Aniya saka matamang tinitigan niya ang dalaga na parang aya niya mawala ito sa kanyang paningin. "Sumayaw nalang tayo!" Dagdag pang sabi niya saka ngumiti ng marahan.
"Walang namang—" Anito sa kanya ngunit agad na naputol dahil sa ingay ng music Kaya nang makatayo sila, Isang sweet na music ang narinig nila.
Iginiya niya ito patungo sa gitna at sumayaw sa saliw ng musika. Hindi ka na kailanman nakin pakakawalan, Gwaps. Lahat gagawin ko para lang mapasaakin ka. Aniya sa kanyang isipan saka isinayaw ang dalaga.
"Gwaps, alam mo bang hindi ako marunung Sumayaw." Pag amin niya na ikinangiti nito habang siya'y napatitig pa rin sa dalaga.
"Talaga? Tapos ang lakas mo pang isayaw ako. Hindi ka man pala marunong." Biro nito at ikinangiti niya rin.
"Hindi ako nahihiyang sabihin sayo na hindi ako Magaling sa mga bagay bagay. Iyon ako eh. Kasama ang mga kahinaan sa bumubuo ng pagkatao ko. Noon nahihiya akong sabihin sayo dahil baka pagtawanan mo ako sa gwapo ko ba naman to. Pero ngayon, okay lang. Alam ko naman kasi na hindi mo ako huhusgahan at pagtatawanan dahil lang doon. Ang tanging magagawa ko lang ay hasain ang sarili ko sa mga bagay na mahina ako. Hindi ko alam kung paano magluto, pero matututo ako para sayo. Hindi ko alam kung paano sumayaw pero para sayo maghihire ako ng pinaka Magaling na dance instructor sa buong mundo para lang matutong sumayaw. Alam mo naman siguro na boses palaka ako, pero para sayo maghihire ako ng pinaka Magaling na singer sa buong mundo para turuan ako kumanta para maharana kita nang hindi ako Matatakot abutin ang mataas na nota. Gagawin ko ang lahat ng bagay na yon. Para maging bagay ako sayo."
Habang nakikinig ito sa mga pinagsasabi niya. Parang sasabog na ang puso niya dahil sa bilis ng tibok nito.
"Junbert Liam Alob, hindi ako perpekto para gawin mo ang mga bagay na iyon para maging bagay tayo. May mga kahinaan rin ako. Hindi ako perpekto. Wala naman sigurong taong perpekto diba." Anito sa kanya na nagpalapad ng ngiti niya.
"Pero sa mga mata ko." Aniya sa dalaga saka hinaplos niya ang pisngi nito. "You are perfect, Maria Ila."
Tumigil ito sa pagsasayaw. "Hindi ako tanga, Junbert. Nababasa ko ang mga sinasabi mo. Alam ko na may gusto kang sabihin sa akin at alam ko yun. Or nag assume lang ako na alam ko yun. Pero pwede bang sabihin mo na sa akin ngayun? Gusto kong malaman kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga pinahihiwatig mo." Anito sa kanya saka sinalubong niya ang bawat titig nito.
Isang misteryusong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "That's good that you can read between the lines. Pero hindi ko sasabihin sayo ngayun. Hindi pa ito ang tamang panahon na sabihin ko sayo yon."
"Kailan ba ang tamang panahon?" Tanung nito sa kanya.
Itinuro niya ang kanyang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Malalaman nito kung kailan ang tamang panahon na yon."
Ngumiti ito sa kanya. "At kailan naman kaya 'yon?"
"Sa tamang panahon, Gwaps. Sa tamang panahon." Aniya saka ngumiti nang malapad.
Habang hindi pa man malalim ang gabi ay Niyaya niya ang dalaga na Ipagpatuloy ang Date nila sa kwarto.
"Maria Ila, kung ipagpatuloy kaya natin ang Date natin sa Kwarto." Aniya sa dalaga saka ngumisi at ikinagulat naman ito nito.
"Anu naman ang gagawin natin doon abir?" Tanung nito sa kanya at mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Basta! Halika na! Mas gaganda ang Date natin kung ang gagawin natin ay yung nakakabuhay ng mga laman." Aniya saka hinawakan ang kamay ng dalaga, tumakbo sila papunta sa loob ng Camp House At umakyat ng kwarto.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...