CHAPTER 25:

270 24 0
                                    

MisterSIMPLE_19:
Nga pala mga KA SIMPLE, Wag niyong kalimutan na, Vote every chapters of this story. Hope you do my Favor. Thank you A lot! :)
———

MASAYANG umuwi sina Junbert at Maria Ila matapos silang mamangka at makakita ang magandang tanawin sa kagubatan. Hindi rin mawari ang saya ni Junbert dahil nga nakita niyang masaya ang babaeng mahal niya at mananati kasama siya sa Camp house.

Pasado alas 6 na ng gabi sila nakauwi sa Camp House. "Maligo kana muna Gwaps, May Dinner date pa tayo diba? May gagawin lang ako para sa Date natin." Aniya sa dalaga sabay kindat dito.

"Oh Sige, Hintayin mo ako dito sa ibaba magbibihis pa ako para maging mabango naman ako parang ang bantot ko na kasi eh." Sabi nito sa kanya na ikinangiti niya naman.

"Okay Sige. Take your time. May aayusin lang din ako." Aniya sa dalaga sa umalis para ihanda ang mga gamit para sa dinner date nilang dalawa.

Pagkatapos makausap ang dalaga ay tinawagan niya ang kanyang Secretary para sa pinabiling kailangan sa Dinner date nila isa na ang Bulaklak at kandila. Para sa Romantikong Dinner Date nilang dalawa.

"Hello, Alex?" Sabi niya sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag.

"Sir, malapit na po ako. Dala ko na rin po ang pinabili niyong White rose at ang mga kakailanganin niyo sa Date niyo po." Anito sa kanya saka napatango tango naman siya.

"Okay sige. Hintayin kita dito aayusin ko pa ang Mesa dito sa Labas ng Camp House. Bilisan mo ha, bago pa si Maria Ila makababa mula sa kwarto dahil kapag nagkataon, sisisantihin kitang kumag ka. Bilisan mo." Aniya na hindi na makapaghintay para sa dinner date nilang dalawa ng dalaga.

"Oho Sir Junbert. Mga ilang minuto lang po andiyan na ako." Anito sa kanya saka binaba niya naman ang tawag at inayos ang misa.

Hinanda niya na ang mesang kakainan nilang dalawa ng binata, may nakalagay nang puting tela na cover sa mesa at dalawang Upuan na magkaharap. Hanggang nakarating si Alex sa Camp house.

"Sir, Andito na po ang Bulaklak." Anito sa kanya ni Alex na siyang Secretary niya nang makarating sa Camp house.

"Okay sige. Pakitulungan naman ako alex oh. Ikalat mo ang mga petals na to sa hagdan papunta dito sa table aayusin ko lang ang mesa para sa Dinner date." Aniya sa secretary niya na ikinangiti naman nito. "Wag mo akong ngitian ng ganyan, Alex. Gawin mo na ang pinagawa ko sayo. Para matapos na ito at maging maganda na ang lahat." Dagdag pang sabi niya saka ibinigay ang mga petals.

Nakaset na ang lahat para sa dinner date nilang dalawa, Set na ang table may Bouquet of flowers na white rose, dalawang Kandila na naka ilaw na, at red wine. All set na para sa gagawing Dinner Date nila pati Pagkain naka handa na rin. At hindi magpapahuli ang buong paligid na nakailaw rin. Kita na napakaromantic ng buong paligid para sa kanilang Date.

TAPOS nang mag ayos si Maria Ila, Nakasuot lang siya Floral Dress at binunghay niya lang ang napakaitim na buhok niyang napakaganda. Sinuklay lang niya iyon at siyempre, Naglagay rin siya ng make up pero light lang.

Pagkalabas niya ng kwarto. Napangiti siya ng makakita ng isang tangkay ng bulaklak na White rose malapit sa hagdan at makapatong iyon sa isang scented paper na may sulat kamay ng Binata.

Maria Ila, Nauna na ako sayo sa labas ng Camp House. Pagkalabas mo ng Camp. Makikita mo agad ang Table for Two. I hope you enjoy this night.
— Your Food Torturer, Junbert Liam A.

Inaamoy niya ang rosas habang naglalakad pa baba ng Hagdan. May may nakita siyang nagkalat na petals ng White roses sa hagdan papunta sa labas ng Camp.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon