CHAPTER 29:

239 22 0
                                    


NAPAKASIMPLE lang ng Bahay ng binata, Oo malaki ito, pero simpleng Simple lang ito tingnan pang pamilya na talaga. Habang tinitingnan ni Maria Ila ang buong paligid ng Bahay ng binatang si Junbert. Naalala niya tuloy ang bahay nila sa probinsya na ganito din ka Simple dahil sila lang namang tatlo ang nasa loob nito at kung minsan ay wala naman ang kanyang ama dahil nga May mga business meeting itong pinupuntahan sa kung saan mang panig ng pilipinas.

Pero kaakibat ng Simple mamumuhay niya sa bahay nila ay ang masyadong strikto ang kanyang ama sa kanya. Gusto ng kanyang ama ay mapasakamay siya ng isang napakabuting lalaki kaya ganun nalang ang pagkastrikto ng ama niya. Kaya siya nasasakal sa ginagawa ng ama niya, wala namang oras ang kanyang ina sa kanyang kung minsan dahil sa mga tinutulongang orphanage nito sa kanilang lugar.

Sa nagdaang limang taon. Hindi niya kinaya ng malaman niyang ipapakasal siya ng Ama niya kay Junbert. Noon, Hindi pa niya gaanu ka kilala ang binata at Oo naging Childhood friend sila pero di naman sila masyadong close nito at parati nalang siya nitong kinukulit hanggang magsawa ito sa kakakulit sa kanya at kung magagalit na talaga siya sa binata. Hindi pa ang binata ang nagmamay ari ng kanyang puso noon. Kaya Tumakas siya at pumunta sa Manila nang hindi alam ni isa sa kanyang magulang saka ng binata.

Pero noon pa iyon, ngayun, kasama niya ang binatang pakakasalan niya dapat tatlong taon na ang nakaraan. Ang pinagkaiba lang ay hindi niya ito tatakbuhan muli dahil nga napalapit na ang loob niya rito at sa totoo ugaling ipinakita ng binata sa kanya.

Si Junbert Liam Alob ay nagmamay ari na ngayun ng kanyang puso, katawan At isip. Hindi niya alam kung panu nangyari iyon. Basta nagising lang siya na mahal niya na ito. Gusto niyang eh deny ang katutuhanan na mahal niya ang binata pero hindi niya magawa. Kahit anung deny ang gawin niya, ang kanyang puso ay tumitibok sa binatang kasama niya ngayun.

Hindi lang siya kinukulit ng binata para pumayag siya at kidnapin siya , kundi kinidnap niya ang puso nito para mapaamu ito at nang wala na ibang hahanapin kundi ang Binata lang at wala nang iba. Gusto niyang labanan ang nararamdaman iyon pero Kahit anung pigil ang gawin niya. Tumitibok at hinahanap parin ng puso niya ang binata. At kung tumitingin siya sa mala Hazel brown na mata ng binata ay nakikita niya ang kanyang hinaharap At natatakot siya rito. Pero nangingibabaw parin ang pagmamahal niya sa binata kaysa sa takot. Noon gusto niya ng kalayaan pero ngayun gusto niya ng kalayaan kasama ang Binata at gusto niya nasa tabi lang siya nito.

Gusto niyang isigaw sa buong mundo na mahal niya ang Binata. Gusto niyang malaman ng buong mundo na pag-aari niya ang binata.

Pero hindi niya magagawa lahat ng yun.

Una hindi niya alam kung na notice ba nila pareho na mahal nila ang isa't isa. At kung pareho sila ng nararamdaman. Duwag na kung duwag pero mas mabuti nang Hindi niya alam ang nararamdaman nito kaysa naman I-reject siya nito ng harapan. Pangalawa, Hindi niya pagmamay-ari ang binata. Wala siyang karapatan dito. At ang sakit isipin iyon.

"Tatayo ka nalang ba riyan?" Pukaw ng boses nito sa pag-iisip niya habang nakakunot ang noo.

Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. Hinarap niya ang binata. "Anung sabi mo?" Tanung niya sa binata.

Napakunot ang noo nito. "Okay kalang? Kanina pa ako salita ng salita, hindi ka naman pala nakikinig." Anito sa kanya na may pagtatampo sa boses nito.

Binigyan niya ng apologetic look ang binata. "Pasensya kana. May iniisip lang ako. Anu ba ang sinasabi mo kanina?" Aniya sa binata habang nangungusap ang mga mata.

"Wala." Anito sa kanya at isinara ang pinto ng bahay. "Wala yon." Dagdag pang sabi nito saka Tumingin sa Bag na hinahawakan niya. "Ako na. Ilalagay ko sa kwarto natin."

Napataas siya ng kilay pagkatapos kinuha nito ang Bag sa kanya. At nakita iyon ng Binata.

"Ayaw mo ba akong makasama sa iisang kwarto?" Tanung ng binata sa kanya saka iniwas nito ang tingin sa kanya. "Magsabi ka lang, Hindi naman kita pipilitin eh." Dagdag pang sabi nito at Halata sa mukha nito pinipigiLang pagtatampo sa kanya.

"Okay lang naman sa akin na magkasama ka sa iisang kwarto." Aniya sa binata saka tipid na ngumiti.

Nagulat lang siya na gusto parin siyang makasama nito sa iisang kwarto. Makakaasa ba ako na hindi ka magbabago, Pogs? Gusto mo pa rin ba ako makasama? Sana nga. Aniya sa kanyang isipan patungkol sa binata.

"Tara na. Ipapakita ko sayo ang kwarto natin." Anito sa kanya saka inilahad ang kamay nito sa kanya.

Nang Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, Lumapit sa kanya ang binata at sinapo ang mukha niya at matiim na tumitig sa mga mata niya.

"May problema ba, Maria Ila?" Tanung nito sa kanya saka hinahaplos ang pisngi niya. "Mula ng umalis tayo sa Camp House, parang wala ka sa mood. Andito ka nga kasama ko pero parang wala naman ang isip mo. Ayaw mo ba akong makasama? Ako ba yan? I'm sorry Maria Ila. Pero hindi kita hahayaan umalis sa tabi ko." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka kumunot ang noong nakatingin sa kanya.

Matapang na sinalubong niya ang titig ng Binata. "Hindi naman iyon. Hindi ikaw. Kasi... natatakot lang ako, Junbert." Pag aming sabi niya sa binata. "Natatakot ako na baka ayaw mo na akong makasama kaya napagdesisyunan mong umalis na sa Camp House. Baka yun ang gusto mong sabihin sa akin na ayaw mo na sa Akin—" Dagdag pang sabi niya sa binata saka pinutol naman agad nito.

"Shhh! Anu ka ba, Maria Ila." Putol nito sa iba pang sasabihin niya.

Nilakasan niya ang loob niya. "Gusto mo pa ba ako, Junbert? Gusto mo pa ba—" Aniya niya pa sa binata saka napatanga naman siya sa ginawa ng binata.

"Shhh! Maria Ila." Anito ng binata sa kanya At hinalikan ang noo niya. "Hinding hindi ako magsasawang gustuhin ka, Maria Ila. Hanggang sa pumuti ang buhok ko. Hinding hindi ako magsasawang gustuhin ka pa. Kung anu man ang nangyari sa atin sa Camp House ay parang panaginip At hanggang ngayun." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka ngumiti. "Nananaginip parin ako. Na ang babaeng napaka Sungit at parati kong kinukulit ay Napaamu ko at kasama ko ngayun. Ang babaeng katulad mo ay isang panaginip At Hindi ko na gustong gumising pa, Mia. Kung sinu mang lalaki ang gusto akong gisingin. Papatayin ko talaga."

Napangiti siya sa huling sinabi ng binata. "Promise yan? Hinding hindi ka magsasawang gustuhin ako?" Aniya sa binata na may pagtatanung ang mukha.

Itinaas nito ang dalawang kamay na parang susuko sa isang pulis. "Pangako yan, hinding hindi mangyayari iyon." Sagot naman nito sa kanya.

Para sa kanya ay napanatag na siya sa mga sinabi nito. Kahit wala pa silang relasyon ng binata, sapat na sa kanya ang pangako na binitawan nito para kahit papaano ay mapanatag ang puso niya na natatakot na baka iwan nito sa bandang huli.

"Okay." Nakangiting sambit niya at hinawakan ang kamay ng Binata. "Ituro mo na sa akin ang kwarto natin. Nang makapagpahinga na tayo." Dagdag pang sabi niya sa binata saka ngumiti ng marahan.

Ngumiti ng nakakaloko ang binata, sa mga sinabi niya. "Ang kwarto natin." Ulit nito na may malapad na ngiti sa mga labi. "Gusto ko yang sinabi mo." Sabay kagat ng pang ibabang labi habang nakatingin sa dalaga.

"Tara na!" Alok nito sa kanya. Habang nasa beywang niya ang kamay nito.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon