MAG-IISANG linggo na si Maria Ila sa Hospital mula nung bumalik siya sa probinsya at lugar na kinalakihan niya kung saan nagsimula siyang mamulat, Mangarap At higit sa lahat ang Maglayas sa bahay nila mula sa paghihigpit ng kanyang Ama, Ngayung Okay na ang lahat At Hindi na nga makikialam ang kanyang ama sa mga desisyon niya sa sarili pero isa pa ang problema niya kung Kamusta na ang lalaking pinakamamahal niya."Anak, Gumising ka na. Umuwi muna tayo sa bahay. Andito naman ang katulong natin para nagbabantay sa Mama mo." Sabi ng Ama niya sa kanya
"Pero Pa, Ngayun lang po kasi kami nagkita ni Mama eh." Sagot niya sa Ama na may pag alala na tumingin sa ina na nasa hospital bed.
"Oo nga anak, pero kailangan mo rin magpahinga dahil nga wala ka pang maayos na tulog mula nung dumating ka dito sa Hospital, Sige na umuwi muna tayo. Baka ikaw naman ang nagkasakit niyan eh." Pangangaral ng Ama niya sa kanya na may pag alala ang boses.
"Okay po, Pa." Sagot niya sa Ama saka inayos ang mga dadalhin sa bahay.
Kinaumagahan araw ng Linggo. Nasa kama parin siya nakahiga At kakagising niya lang. Napaisip siya sa binata. Gusto na niyang bumalik sa Manila para balikan ang binata. Miss na Miss na niya ang binata. Kahit nagalit siya rito dahil inilihim nito sa kanya ang kalagayan ng ina niya, hinahanap-hanap pa rin niya ito. Gusto na niya itong mayakap At mahalikan At maramdaman ang mainit nitong katawan pero wala siyang magawa para ma sunod ang kagustuhan niya. Dahil sa nangyari sa kanyang Ina niya. Hindi niya kayang iwan ang kanyang ina sa kalagayan nito ngayun.
Naaawa na rin siya sa kanyang ama na panay ang alaga sa ina nito nang wala siya sa kanilang tabi. Kaya naman bumabawi siya sa mga ito.
Oo hinihigpitan siya ng kanyang Ama sa mga lalaking napapalapit sa kanya kahit nasa bahay lang siya nito. Inakala niya na mangyayari nanaman ang nangyari makalipas ang tatlong taon yun ay ang arrange marriage sa binata pero hindi iyon ang inakala niya, naiintindihan na siya nito ng kanyang Ama.
At nagpapasalamat siya para rito pero isa lang ang natatandaan niya na maghihigpit ito sa mga lalaking magtangkang manligaw sa kanya.
Minsan gusto niyang balikan ang binata pero sa tuwing naaalala niya na nasa Hospital pa rin ang ina niya At masaya ito na bumalik na siya, nagdadalawang isip siya sa gagawing iyon.
Siguro nga ito ang kabayaran sa limang taon na pinag-alala niya ang kanyang mga magulang. Ito na yata ang karma niya.
Matapos mag-isip na kung anu anu tungkol sa nangyari sa buhay niya. Naisipan niyang bumangon na at mag-ayos ng sarili.
"Miss Ila? Gising na po ba kayo? Pinapatawag na ho kayo ng ama niyo, mag-agahan na daw kayo." Sabi ng katulong na si Engred sa kanya na may ngiti sa mga labi.
"Sige, Engred mag-a ayos lang ako." Sagot niya sa katulong na si Engred at malapit na rin kanyang loob ang katulong.
Matapos mag-ayos ay lumabas na siya ng pinto ay naabutan niya ang mayordoma ng bahay na si Manang Gloria.
"Ayos ka lang ba, Miss Ila?" Anang boses ni Manang Gloria.
Binalingan niya ang nagsalita.
"Magiging maayos lang po ako kung makakauwi na dito si Mama. At mabalikan ko na ang naiwan ko sa Manila." Aniya sa mayordomang si Manang Gloria saka ngumiti nang marahan.Binigyan siya ng isang ngiti ni Manang Gloria. "Magiging maayos rin ang lahat Miss Ila." Anito ng mayordoma kay Mia at ngumiti.
Tipid siyang ngumiti. "Alam ko po yun Manang. Babalik rin sa dati ang sigla ni Mama ngayung umuwi na po ako. Hindi ko hahayaang mangyari ito ulit sa kanya." Aniya sa mayordoma nila.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang butihing mayordoma. "Pasasaan ba At magiging maayos din ang lahat."
Mapakla siyang napatawa. "Kailan kaya magiging maayos ang lahat?" Tanung niya sa hangin at ngumiti sa mayordoma.
"Makikita mo rin, Miss Ila." Makahulugan nitong wika ng mayordoma at nginitian siya. "Magiging maayos rin ang lahat." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka hinagod ang likod niya.
Akmang sasagutin niya ito ng maramdamang umikot ang paningin niya. Mabilis na sinapo niya ang ulo At isinandal ang ulo sa pintuan.
"Ayos ka lang ba, Miss Ila?" Nag-aalalang tanong ni Manang Gloria sa kanya saka inalalayan siya nito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang pagkahilo na nararamdaman. "A-Ayos Lang po ako, Manang. Medyo nahilo lang." Sagot niya kay Manang Gloria at hinawakan ang noo.
"Palagi nalang ho kayong nahihilo. Noong isang araw rin po, nahilo kayo At nagsuka. Pati rin ho kahapon at ngayun Umaga. Baka may sakit kayo, Miss Ila." Anito ng Mayordoma na si Manang Gloria sa kanya na nag alala sa kanyang kalagayan.
"Ayos lang ho ako, Manang." Sagot niya kay Manang Gloria.
Nang mawala ang pagkahilo, nagpaalam siya kay Manang Gloria na magpapahinga siya. "Sabihin niyo po kay Papa na mamaya nalang po ako kakain. At sabihin niyo rin po sa kanya na wag siyang mag-alala ipapahinga ko lang po ito. Bumalik siya sa kanyang silid at nahiga sa kama." Aniya sa mayordoma at bumalik na sa silid nito.
Nitong mga nakaraang araw, nasusuka ako At kapag Umaga naman nahihilo ako. Anu ba ang nangyayari sa akin? Pagkausap niya sa kanyang sarili at inalala ang mga nangyari sa kanya.
Wala sa sariling napatingin siya sa kalendaryo. At sa pag-iisip niya, napagtanto niya ang nangyari sa kanya noong isang araw At ngayun.
"Oh shit!" Sambit niya saka Nanlaki ang mga mata niya at sinapo ang sinapupunan niya.
Hindi pwedeng mangyari to. Imposibling mangyari yon, Pero hindi! Possible yon! Never na gumamit ng proteksyon si Junbert Kapag nagtatalik kami. Aniya sa isipan saka hindi makapaniwala sa mga naisip.
Umupo siya sa kilid ng kama at tumitig sa kalendaryo. Lampas isang buwan na mula ng huling dalaw niya.
Posible kaya na buntis ako at si Junbert ang ama ng dinadala ko? Tanung niya sa kanyang sarili at nanlaki ang mga mata sa mga naisip.
"Hindi pwede to! Panu ko to sasabihin sa kanila ni Mama At Papa." Sabi niya sa sarili. "Hindi pa naman maayos ang lagay ni Mama, ngayun dagdag pa ito. Haist." Aniya saka bumuntong hininga at sinapo ang sinapupunan.
Ngayung nagbalik na siya sa bahay nila. Siguradong panibagong gulo na naman ito sa kanilang dalawa ng binata.
"Anung pwede kong gawin para maSabi ko ng maayos sa kanila ni Papa?" Aniya sa sarili. "Protektadong protektado pa naman si Papa sa akin pagdating sa mga lalaki. Anung sasabihin ko kung magtanung kung sino ang ama? Baka kung anu pa ang gawin niya kay Junbert. Baka saktan niya ito at ipapakasal sa akin tapos hindi man lang pala ako mahal ng mokong na yon. Hindi ko gustong matali sa isang kasal na hindi ako mahal o hindi ko mahal ito." Dagdag pang sabi niya sa sarili at inalala ang binata.
Lord, Tulungan niyo ako please!! Anung gagawin ko! Huhuhu... Aniya sa isipan saka hindi mawari kakatibok mg mabilis ang puso niya.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...