KATATAPOS lang ng Kasal ng kaibigan ni Junbert na si Salvador sa babaeng si Excel. At walang kaalam alam siya na nandiyan lang sa paligid ang babaeng nagpabaliw sa kanya ng tatlong taon."I'm happy for you, Pre. At last hindi mo na rin siya habol habolin pa dahil nakatali na siya sayo." Aniya habang nakangiti at Tinatapik tapik ang balikat ng kaibigang si Salvador
"Salamat pre." Anito ni Salvador sa kanya.
"Happy for you too,Pre. Happy Honeymoon nalang." Nakakalokong ngumiti si JanLouie.
"Happy Honeymoon sa inyu pre." Nakangiting sabi ni Jeffmark,
"Cheers to the newly weds Man!" Anito naman ni Genesis.
Itinaas niya ang kanyang kamay para kuhanin ang atensyon ng waiter. AGad naman itong lumapit sa kanya. Napatingin siya sa hawak nitong tray na may isang basong Wine.
"Kunin ko na to ha." Sabi niya sa waiter. "At pwede bang kuhanan mo ako ng isang bote ng Alak? Kasi parang hindi to—" itinaas niya ang kamay na may hawak niya na may isang basong alak. "—kasya sa akin gusto ko yung todo pag naka inum." Dagdag pang sabi niya sa waiter.
Napatingin ang waiter sa isang baso ng Alak na hawak niya. "Sir ang hawak niyo pong alak ay pinagmamay ari ng dalaga yon. Ibibigay ko na dapat ang alak na yan sa kanya nang kunin niyo po ang attensyon ko. Pasensya na po talaga sir. Bibigyan nalang ulit kita nang alak." Pagpapaumanhing sabi ng Waiter sa kanya saka itinuro ang kinaroroonan ng dalaga.
"Tumaas ang kilay niya. Siya ba yun?" Tanung niya sa waiter saka napakunot ang noo niya habang tinuturo ang kinaroroonan ng dalaga.
"Opo sir." May itinuro ito sa likod niya. "Siya po ang dalagang nagmamay ari ng alak nayan." Dagdag pang sabi ng waiter sa kanya.
Magkasalubong ang noo ni Junbert nang tiningnan ang babaeng tinuro ng waiter. Parang apoy na umiinit ang kanyang buong kalamnan nang makita nang dalawa niyang mata ang babaeng itinuturo ng waiter.
"Tandang tanda ko pa ang napakaitim at mahahabang buhok mo, Gwaps." Sambit niya sa hangin saka ngumiti habang nakatingin sa dalaga. Napatanga naman ang dalaga nang mapansin siyang nakatingin siya rito.
Paanu ka naman nakin kakalimutan Babae, ang mukha mo ang nagmumulto sa aking pagtulog gabi-gabi. Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa dalagang si Maria Ila.
Hindi alam ni Junbert kung ilang minuto na siya nakatingin sa dalaga na walang ka alam alam na nakatingin siya. Hanggang magtitigan silang dalawa, Parang sa movie na ang buong paligid na tumigil, parang na slow motion at tanging silang dalawa lang ang nagkatitigan.
"Maria Ila...?" bulong niya sa pangalan nito sa hangin.
Ang babaeng paulit ulit na bumabangungut sa akin matapos ang nangyari sa amin sa nakalipas na tatlong taon. Sa wakas nakita na rin kita ulit, Maria Ila. Aniya sa kanyang isipan.
MAG-ISANG tumutongga ng alak si Maria ila sa Hall kung saan ngayun ginaganap ang kasal ng kaibigan niyang si Excel na wala namang alam na nandiyan lang siya dahil nga tumakas siya.
Kung ako man ikakasal hindi lang sing saya kagaya ngayun nina Excel at Salvador masayang masaya ako dahil sarili kong kasal iyon at kung ikasal man ako gusto ko sa mahal ko at syempre sa mahal ako yun masasabi kong May forever. Pagkakausap niya sa kanyang sarili habang nakaupo sa isang sulok. Pero bakit para may something sa kanila dalawa na?? Anu yun? Pakitang tao na masaya silang dalawa? Hmmp.. Something is under the table! Besh Excel? Aniya pa sa sarili saka huminga ng marahan saka tinuon nalang ang pansin sa pagkain. Sana lang walang makakilala sa akin dito! Andito pa naman ang pamilya ni Excel. Maliban sa bestfriend kong sina Mae, Yen at Marianne. Haist thank you dahil wala sila dito ngayun. At thank you sa Salamin na pinaghiram ni Ella Para hindi ako mahalata. Pero hindi naman siguro kasi marami namang tao parang hindi na ata ito isang simplemg party parang subra naman ata to! Aniya sa sarili saka pinalibot ang paningin sa buong hall kung saan nagaganap ngayun ang reception at saka nahagip ng mata niya ang binatang si Junbert na nakatingin sa kanya na may hawak na alak.
Sabi na nga ba eh!! Andito rin ang mokong na to!! Haist! Patay na! Aniya sa kanyang isipan.
Nang makita niya ang binata nagmamadali siyang pumunta sa exit ng Reception hall.
Makaalis na nga dito baka kung makita pa ako ng mga Childhood friend ko Haist!! Naku naman! Wag kang susunod sa aking mokong ka! Wag! Wag! Aniya sa kanyang isipan.
"HINDING-hindi ka makakatakas sa paningin ko, Gwaps. Hahanapin pa rin kita kahit saan ka man magpunta." Aniya ni Junbert habang naglalakat papuntang exit at sinundan ang dalaga.
Hindi sa oras na to, Maria Ila. Hindi-hindi na kita papaalis ngayung nakita na kita. Hinding-hindi ka na makakatakas sa mga bisig ko, Babe. Kung kina kailangang gamitin ko ang katawan ko para maakit kita ay gagawin ko. Aniya sa kanyang isipan.
ANG mga titig ng binata ay tagus hanggang sa kaluluwa ng dalaga na may hinahanap na mga sagot sa tanung nito. Kahit gustuhin mang umiwas ng tingin ni Maria Ila, hindi niya magawa. Parang may magnet ang mga tingin nito at nahihipnotismo siya. Sa pagkakabigla tumayo ang sarili niyang katawan at pagkatapos ay malalaki ang hakbang niya patungo sa Exit ng Reception Area.
Shit! Bakit pa naman kasi umattend ako sa kasal na ito! At bakit hindi ko nakita ang binata sa simbahan kanina? Bakit pa kasi ako pumayag sa ginang na umattend dito sa kasal ng anak niya yan tuloy parang timang ako na nagmamadali kala mo naiihi na. Aniya sa kanyang isipan.
"Argh! Bwesit na Araw oh!" Bulyaw niya sa kanyang sarili.
Nakahinga ng maluwag si Maria Ila ng tuluyang makalabas ng Reception Area. Akmang tatakbo na siya patungo sa kalsada kung saan may nakaparadang taxi ng may pumigil sa braso niya. Isang kisapmata niya lang ay nahila siya ng binatang si Junbert sa pinakamalapit sa dingding ng Reception Hall at nakatitig sa kanya ang mala hazel brown na mata ng binata na may hinahanap na Sagot sa mga Tanung sa kaibuturan ng puso niya.
"At saan ka na naman pupunta ha?" Tanung nito sa mahina pero baritong boses. Ang sexy at baritong boses ng binata ay nagpapanindig balahibo sa kanya.
Napa lunok siya ng maramdamang parang may kumiliti sa parteng iyon ng katawan niya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila. Pariho nang gabing iyong pinagsaluhan nila sa kwarto ng binata na pariho silang walang malay sa ginagawa dahil nga lasing sila pariho. Kung anung naramdaman niya nung gabing iyon ay iyon din ang nararamdaman niya ngayung sandali.
"Saan ka pupunta?" Mahina pero matigas ang boses ni nito. "Alam mo ba kung anung nangyari sa taong iniwan mo ng umalis ka?" Dagdag pang sabi nito sa kanya.
Nanliliit siya sa uri ng pagkatitig niyo sa kanya. Parang hindi siya makahinga sa mga titig ng mga mata nito.
"Ah.. ahmm, ah naka— " Hindi magkapag-isip na sabi niya sa binata habang nakatingin lang ang binata sa sasabihin niya.
Ang mga mata nitong mala hazel brown ay nakatitig lang sa mga mata ng dalaga. "Saan ka ngayun nakatira?" Tanung nito sa kanya.
Napalunok siya ng maamoy ang mabangong hininga nito. Halos manginig ang mga tuhod niya.
"P-paki m-mo naman?" Nauutal na sabi niya sa binata.
"May paki ako sayo, Gwaps." Anito sa kanya na madilim ang expresyon ng mukha. "Kung ako sayo sasabihin ko kung saan ako nakatira. Kasi baka umataki na naman ang ka demonyuhan ko at bigla kong tatawagan ang mga magulang mo na halos mabaliw sa kakahanap sayo. Hindi mo naman siguro gusto yun diba? Nagtago ka nga ng tatlong taon para hindi mahanap. Saklap yun pag nagkataon." Dagdag pang sabi nito sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko.
"B-bakit ba gusto mong makita kung nasaan ako nakatira?" Naninerbyos na tanung niya sa ritoo. At ngumiti lang ang binata nang nakakaloko. "Wag mo nga akong matawag na Gwaps! Bwesit ka!"
God! Anu na naman ba ang kailangan nitong mokong na to? Nakalayo na nga ako at hindi na nagpakita sa kanya pero bakit sa wedding pa nina Excel at Salvdaor niya ako nakita! Grrr! Life really suck. Aniya sa kanya isipan saka bumuntong hininga at tiningnan sa mga mata ang binata.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #1
Romance(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA ILA ABENDAN, a simple young lady who caught his attention from their childhood days up until now the...