Chapter Twelve: swimming pool cpr

38 3 0
                                    


Maaga akong nagising sa sikat ng araw, magaling na agad ang sugat na natamo ko kay Aleyna kahapon. Mga baliw talaga yung mga babaeng yun, hindi titigil hanggat sa hindi nila nakukuha gusto nila. Naligo ako at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto, hindi ko inasahan ang bubungad sa harapan ko. It's Tan, may dalang sunflowers na tatlo.

"Sunflowers. Symbol of my adoration, loyalty, long life."

Napangiti ako sa sunflower. Pinasok ko sa kwarto at nilagay ko sa vase malapit sa aking kama. Sabay kaming naglakad at nakisabay naman samin si Kuya.

"Ahem, ano meron? Aga ah bakit daming langgam?." Pa-epal ni kuya at nginitian kaming dalawa. "Magsabe ka nga sakin Tan... balak mo bang ligawan kapatid ko?."

"Sisimulan ko na ngayung araw, pwede ba?." Nakangiting tanong ni Tan at tinignan ko si Kuya.

"Ikaw.. wag mo lang siyang sasaktan Tan. Alagaan mo ang kapatid ko." Tinignan naman ako ni Kuya at kinindatan niya ako. "Mauna na ako, maaga klase ko. Ihatid mo yan hah!."

"Yes par." Sagot ni Tan.

Naglakad na kami. Pagdating sa campus, di namin inasahan ang makakasalamuha namin sa daan, si Lance na nakapamulsa at masamang nakatingin kay Tan ngayon, we three stopped walking at deretso lang tingin ko samantalang nagtinginan silang dalawa.

"Ang liit talaga ng mundo nating dalawa Tan, matuto kang lumugar. Ilayo mo sa paligid ko ang mukha mo at baka mapino kita, naiintindihan mo?."

Hindi umimik si Tan at naglakad na si Lance paalis. Nagtama ang tingin namin ni Lance at agad naman akong nag-iwas ng mata dahil kinabahan ako sa kanyang titig na pwede nang makapatay ng tao dahil sa galit.

"Ashley, no matter what happen sa tabi lang kita ah. Wag kang lalayo at lagi kang magmatyag dahil maaari na tayong papalapit sa laban."

"Anong laban yun?."

"Yung nakatakdang laban na plinaplano ni Lance laban saakin, laban na pwede mong ikapahamak kaya lagi kang tumabi sakin. Pangakong lagi kitang pro-protektahan prinsesa."

Napangiti ako sa bandang pagtawag niya sakin ng prinsesa. It's a call that's so special to me. Pumasok na ako sa aking klase matapos akong ihatid ni Tan. Steph helped me during our class kase hindi ako maka-focus dahil iniisip ko si Tan, pff. Dapat i-balance ko ang pag-ibig tsaka aral.

"Good Morning Class."

We all greeted the our teacher. P.E Class, nagpalit kami ng aming P.e uniforms, jogging pants na black at may white stripes sa gilid ang itsura. Nakaline kami at pumunta sa covered court, volleyball ang laro.

"For today, volleyball ang laro! For today also, gusto kong makita ang pagiging team leader niyo sa inyong mga sariling grupo. Sports don't only mean plays and activities but I will observe each and everyone's participations..."

"Thank you! Yes!." Sigaw ng isa.

"YUhu! Tama ka jan teacher!."

"But wait, I'll assign leaders for each team. First, it is girls versus girls and boys versus boys. Second, I'll choose Anna as the team leader in girls and Yushu as the team leader in boys. Any considerations.."

"Ma'am?." Tumayo ang isang babae. "Si Ashley nalang po team leader namin."

Tinignan ko si Anna na hindi masaya sa sinabi ng babae at ang sama ng tingin sakin ni Anna. Tinignan ako ni ma'am at nakatingin sakin ang lahat.

"Miss Ashley? Gusto mong pumalit? It seems boto ka ng mga kaklase mong babae.."

Napatayo si Anna at tinaas ang kamay as a sign na may gustong sabihin. "I'll be the girl's team leader, accept the fact na matangkad ako at ako ang tatayo sa gitna. Kung may complain kayo sakin, sabihin niyo lang at puntahan niyo ako at kausapin niyo ako."

Letting Go (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon