Chapter Thirteen: near the danger

34 2 1
                                    

Panibagong araw nanaman ang gumising ng kaluluwa ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, mabangong amoy na chicken curry ang bumungad saakin. Umagang umaga pa at nakapagluto na si Tan. Pagkatapos namin kumain, dumeretso kami sa elevator at may nakasabay kami na lalakeng nakasuot ng face mask sa bibig at nakahood ng black. Hinila ni Tan ang pulso ko at inilipat niya'ko sa kaliwa niya kung saan malapit ako sa mirror, inilayo niya lang ako sa lalake.

Pinakiramdaman ko ang paligid at saktong nagbukas ang elevator, lumabas na kaming dalawa at sumunod ang lalake pero bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad dumating sila kuya at sinalubong kami.

"What's up with that guy, so creepy." Sabi ni Kuya at sinundan ng tingin ang paalis na lalake.

"Parang may balak mabuti nakalabas agad kami ng elevator ni Ashley."

"Oo nga. Tara na, may oras pa tayo bago mag-time, san niyo gusto pumuntang dalawa?."

"Kahit saan sa school basta safe." Sabi ni Tan at nginitian ko siya.

Pinunta kami ni Kuya sa theater room, sakto may nagoorganisado ng theater play, sa gitna kami naupo, nasa gitna pa nila akong dalawa.

"Okay guys! Let's practice!."

Sigaw ng direktor at nagsipuntahan na sila sa kanyakanya nilang pwesto. Nagsimula ang play sa isang babaeng naglalakad na mukhang prinsesa at nagkabanggaan sila ng isang prinsepe. Binati nila ang isa't isa at s aunang araw pa lang ng pagkikita ng dalawa ay nangako ang lalake sa babae na babalikan niya siya dahil may mahalagang gagawin ang lalake sa kanyang pinanggalingan. Iniwan niya ang babae sa pinakamataas na bundok para hindi ito mapuntahan ng kahit sinong masamang nilalang. Kumidlat na at bumagyo pero hindi pa din nagpakita ang lalake sakanya hanggang sa may diwatang nagpakita sa panaginip ng babae, sabi ng diwata na makikita niya ang prinsepe sa isang kaharian na puno ng prinsepe pero huwag siya'ng malilinlang ng iba dahil sabik ang lahat sa pagpatay at pagbulong ng mga masasama.

Nagising ang prinsesa sa kanyang panaginip at nagulat siya dahil sa lamig ng gabi. Nagdesisyon siya'ng umalis sa pinakamataas na bundok kung saan dapat siya babalikan ng prinsepe, sa pag-alis ng prinsesa ay doon na nakabalik ang prinsepe. Nagalit ang prinsepe at pagdating sa kanyang kaharian, nalaman niya'ng may sakit ang kanyang Ina kaya nalungkot naman siya. Kinabukasan, pinuntahan niya ang mataas na bundok pero wala pa din ang prinsesa, hinintay niya ng prinsesa ng sampong taon, ngayoy matanda na ang prinsepe at hindi niya na kaya maghintay ay ginawa niya'ng bato ang sarili niya sa pinakamataas na bundok upang iparanas niya kung gaano ba kasakit ang maghintay lang sa wala.

*CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP**CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP* *CLAP*

Pumalakpak ang lahat sa istoryang tinampok nila. Napangiti ako sa ending.

"Bakit ka nakangiti jan? Ang pangit ng ending bitin!."

"Kase hindi naman lahat happy ending, may iba sad ending pero yung istorya na ginawa nila ay nag-iwan lang ng aral." Sabi ko.

"Oo nga naman Tan, tama naman siya." Sabi in Kuya. "Tara na at baka malate pa tayo."

Hinatid na ako ni Tan at Kuya sa classroom ko at umalis na sila. Ako lang at sampong classmates ko lang ang naririto, 20 kase kami, half of the class ang wala. Ilang saglit pa, dumating na si Steph at tumabi siya saakin.

Letting Go (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon