Maaga akong nagising. Kumain nako at nag-gym sa bahay tapos naligo at nag-ayos ng sarili ko. Napatingin ako sa phone ko dahil may nagtext na unknown number.
"May magbabalik, maghanda ka."
Binasa ko ang text neto. Si Ashley naman ang magbabalik, nakaramdam ako ng kaba at nagbeep ulit ang phone ko.
"Maghanda ka Tan, nasa paligid mo lang kami."
Tinext ko si Ravi at Jervin na magkita kami sa coffee shop nila Janice at dalhin nila ang laptop nila. Pagdating ko sa cafee ay naupo ako sa harapan nila. Binigay ko ang phone ko at nagtaka ang dalawa.
"Track the number that recently texted me.." Sabi ko at tumangotango si Ravi at siya ang nanguna sa pagkulikot ng kanyang laptop.
"According to my phone tracker... nasa liblib itong lugar. Ayan printed na sa tablet ni Jervin ang location kaya hindi mo na kailangang magtaka, hindi ka kukunin ng alien Tan hahahaha!."
"Salamat. libre ko na din kayo."
"Ayun oh! Salamat boi!." Sabi ni Jervin at nakipag-apir sakin.
Nag-order ako sa counter, tamangtama si Janice ang nagtratrabaho ngayun.
"Three iced americano please." Sabi ko at ginawa na ni Janice ang orders ko.
Naupo ako at hiniram ko ang laptop ni Jervin na ikinataka niya.
"Paano kung ito ang magiging daan para magising mga kampon ni Lance? Jervin, pwede mong alamin kung ilan tao sa location na natracked mo."
Kinalikot nanaman ni Jervin ang kanyang laptop. Si Ravi naman naka-focus na nakatingin sa kanyang laptop.
"It's too far away from here. Saan mo ba narecieve yang text na yan?." Sabi ni Jervin.
"Ahh.. sa bahay, bakit?."
"I know how! Tara sa bahay nila Tan, maybe may specific location kung saan pwede ulit magsend yang unknown number ng text sayo." Sabi ni Ravi.
"May point si Ravi, tara sainyo."
Kinuha ko ang order sa counter at umalis na kami. May kotse na pala si Ravi at sumakay na kami. Pagdating sa bahay, sa living room nila pwinesto ang gamit nila.
Nag-beep ang phone ko at doon na nagkalikot ang dalawa sa kanilang laptop.
"Tan.. handa ka na ba? Sa pagtatapos ng buhay mo?.."
Natracked ni Ravi sa wakas kung ilan ang population sa location ng number.
"There are about 50 people in the tracked location Tan. Sure akong sila Lance ito, tangina nila! May bago nanaman silang pakulo." Napamura na si Jervin.
Hindi ko napigilan na lukutin ang kamao ko sa galit, idadamay nanaman nila si Ashley for sure. Ayaw kong madamay ulit siya, kung pwede kong isugal ang buhay ko para sakanya ay gagawin ko para maprotektahan ko siya. Ginawa nila Jervin at Ravi ang makakaya nila para magawan ng paraan kung papaano makikita ang location na iyun.
They found 10 CCTV sa location at pinalitan nila ng password ang computer softwares and hardwares sa lokasyon. Ngayun, installed na lahat ang CCTV monitors sa laptop nila Jervin at Ravi, nahacked nila ang systems ng location.
"Wow! I didn't know you both can do that.."
"Boi, madami kaming nalalaman kaya nga TVL ang strand naman eh, hay naku ka!." Sabi ni Ravi at uminom sa iced americano.
"Anong meron at nagtipontipon kayo---."
Dad arrived early. Ravi and Jervin closed their laptops bago pa man makalapit samin si Dad. Naupo ako sa sofa at binuksan ko ang television. Kunware natural. "Ang aga mo naman Dad. We were doing some errands."
BINABASA MO ANG
Letting Go (Book One)
Cerita Pendek[COMPLETED] DATE STARTED AND ENDED: JUNE 16,2019 - JANUARY 5,2020 ~•~ Title pa lang patama na, title pa lang mapapaisip ka kung ano bang ibig sabihin sayo ng salitang Letting Go. For me, it was my hardest part but at the same time the better thing t...