Pagpasok ko pa lang sa gate ng school, panay na ang tingin at lingon ng mga students sakin. Anong meron at may dumi bako sa mukha? May problema ba sila sakin? May nagawa ba akong masama sakanila para titigan nila ako na parang hindi ako nag-aaral ng mabuti. Biglang may tumabi saakin sa paglalakad.
"Ikaw nanaman, alam mo nakakahalata na ako sayo.."
"Teka, ano bang nahahalata mo, sasabayan lang naman kita ah."
"Crush mo ba ako?." Tanong ko sakanya. "Sumagot ka!."
Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako. "Alam mo, nakakainis yang titig mong yan kasi parang may sinasabe yang titig mo sakin pero hindi ko lang mabasa kasi hindi ko kaya mabasa!."
"Chill ka nga lang... bakit issue na ba agad na tabihan kita habang naglalakad ka?."
"Layuan mo nga ako!."
Mabilis akong naglakad, napatigil ako nang mapadaan ako sa canteen, pumasok ako at bumili ng apple tsaka mamon, it's my favorite. Tumabi nanaman siya saakin,
"Sinasabe ko na nga ba eh. Crush moko----."
(0____0) - ako
"Ay sorry, mali.. sorry.. sorry.." Yun na lamang ang nasabi ko kasi hindi pala siya, isa lang na normal na estudyante na bibili din ng pagkain. Naglakad ako palabas at hinanap ko siya, wala siya sa wakas.
Hindi ko maalala kung saan ang klase ko, may umakbay saakin mula sa likod.
"Hi sis."
"Kuya? Saan nga ba room ko?." Tanong ko at nginitian niya'ko.
"Room 11, abm.."
"Salamat kuya."
"Ano pang itatanong mo." Sabi ni kuya at nag-isip ako ng tatanungin ko sakanya.
"Sino yun... lalakeng nasa hospital kahapon? Ano ulit pangalan niya? Tran? Tral? Ano?."
"Hahahahahahah! It's Tanfelix Prince Agustin and short for TAN, bakit mo natanong?.."
"Wala lang, parang interesado saakin.." Sabi ko at natawa ulit siya.
"Hahaha! Sis, magingat ka hah mamaya mahulog ka, wag kang mag-alala sasaluhin ka naman niya, pumasok ka na sa room at baka malate ka na."
"Sige kuya.."
Pumasok ako sa room 11, parang kulungan ng mga manok na pula ang gulo-gulo tapos parang wala lang sakanila na pumasok ako, hinanap ko ang seat ko, malapit pala ako sa may bintana, okay na din para tutunganga nalang ako buong klase, tinatamad ako mag-aral pero sisiguraduhin kong hindi ako babagsak.
"Miss Delo, how are you?."
"I'm fine ma'am, bakit niyo po naitanong.."
"You were not around for 2 months right? Marami kang namissed na lessons at namissed mo ang first mid-term exam mo, pumunta ka sa principal's office mamaya, okay?."
Tumango lang ako at nagsimula na ang klase, math pala first subject namin, ghad. Natulog nalang ako tapos pagkatapos ng klase sabog akong lumabas ng room namin.
"Whoah! Anong nangyari at sabog ka."
"Ikaw nanaman? Inabangan mo ba ako?." Inis kong sabi sakanya at ngumiti siya at tumango. "Anong kailangan mo at nandito ka?."
"Pinapatawag ka ng kuya mo sa canteen, recess na eh, alam mo? Katropa ko kaya kuya mo."
"Alam mo, wala akong pakealam sa mga sinasabi mo.." Sabi ko at naglakad patungo sa canteen, naupo ako sa tabi ni kuya tapos naupo sa kaliwa ko itong lalakeng ito. "Psh." Yun na lang ang reaksyon ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Letting Go (Book One)
Short Story[COMPLETED] DATE STARTED AND ENDED: JUNE 16,2019 - JANUARY 5,2020 ~•~ Title pa lang patama na, title pa lang mapapaisip ka kung ano bang ibig sabihin sayo ng salitang Letting Go. For me, it was my hardest part but at the same time the better thing t...