Chapter Nine: Tan's past life

18 2 0
                                    

Jervin Santiago above ❤️

~•~

Hindi ako makatulog sa sobrang lakas ng ulan. Tumayo ako at lumabas sa kwarto ni lalake ng dahandahan, tulog na kase sya sa sahig at baka matapakan ko. Nakaopen ang pintuan sa kabilang room kaya sumilip ako.

"Iha, come in."

Pumasok ako at napalunok ako at napalunok ang aking tingin sa buong kwarto. It's like an old room dahil sa displays, may old music reng pinapakinggan ang tatay ni lalake.

"This room was my wife's room. Dito ako nanatili kapag nakakaramdam ako ng lungkot. Did Tan told you about our family?."

"Just the history of his life po." I said.

"Sit down."

An old man like him told me to sit kaya naupo ako sa malambot na sofa.

"We're not like this, dito ko lang sila pinapatira. I mean we have our house that's so big like a mansion."

(+0_____0+) - ako

"Po? Eh bakit dito po kayo nakatira?."

"The house was burnt by his old friend, I believe his name is Lance."

Doon ko na nagets ang sinabe niya. Ang slow ko ren eh!

"You see, Tan is a hard working man. He cares for his sister and he cares for our future kaya pinayagan ko siya'ng magtrabaho sa murang edad niya noon. He met your kuya and that made me happy dahil nakakaranas siya ng masasarap na pagkain. Naging ganito ang buhay namin dahil nawala ang yaman ng pamilya sa pamamagitan ng pagsusugal ko noon. I'm lucky I have two children na inintindi ako at hindi nila ako tinalikuran sa kabila ng lahat. Iha, alam kong mabait ka at kaya mo ring magbago.... like Tan."

Napaisip ako at napayuko at tinignan ko ang tatay niya na uminom ulit sa kanyang wine glass.

"May gusto po sakin ang anak niyo..."

*splash*

Nabuga niya ang wine at agad na nagpunas. Hindi siya makapaniwala sa sinabe ko at parang may inisip na napakalalim dahil nagsalubong ang kilay niya na napatingin sa sahig.

"May nakilala siya'ng babae noon na napakasungit at tinuring niya itong kaibigan pero habang palaki siya ng palaki at hindi na nagpakita sakanya ang babae. He waited and waited hanggang sa narealize niya na wala nang saysay ang paghihintay niya."

Tumayo siya at may kinuha sa loob ng red box malapit sa painting na nakasabit sa pader.

"Ito..." He gave me a picture at inabot ko. "Yan ang babaeng kaibigan niya noon, maganda at matalino at sobrang liit niya. Nakikita ko kung papaano niya tratuhin ang batang babae na yan... his world changed when he met Lance at nawala na ng tuluyan ang babaeng yan sa isipan niya."

"Bakit niyo po ito kwinekwento saakin lahat?."

He look at me with happy eyes.

"Sobrang saya ko nang makilala ka ni Tan at sa simpleng pagpapatuloy mo sakanya sa loob ng mansion niyo ay napakahalaga."

"Naiintindihan ko na po kayo pero hanggang sa pagiging P.A po ang namamagitan saaming dalawa. I have no right to develop my feelings for him dahil tinuturing ko siya'ng lalakeng napakabait."

"That's good to here and I hope paghanga nga lang ang nararamdaman ng anak ko sayo Ashley... he can easily fall in love tulad noon sa batang babae na iyan, can you promise me na pagbalik niyo dito the same pa den ang turing niyo sa isa't isa?."

Tumangotango ako at nagcross sa heart.

"Promise." Sabi ko.

Tumayo siya at inipatong ang wine glass sa table.

Letting Go (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon