Chapter Twenty Five: grandmother

14 3 0
                                    

Maaga kaming nakadating kila lola, I missed her by the way, sana nandito si kuya. We arrived the mansion of lola at nahulog ang mga panga naming lahat dahil sa laki ng mansion, mansion nga diba? May mansion bang maliit? Haha! Sinalubong kami ng isang yaya at kasama niya na mismo si lola sa kanyang likuran.

"HAAaaay Family!." Nakipagbeso-beso si lola samin at minukaan ang mga kaibigan ko at napatigil siya kay Tan. "Dalaga na ang apple ko! Sino ito?." Turo niya kay Tan.

(0____0)

Pasimpleng tumawa itong mga mokong na nasa likuran ko lang. So hanggang ngayun alam niya pa yung tawag niya sakin simula nung bata ako, hayst. Napairap na lang ako tapos binatukan ako ni lola kaya napahaplos ako sa leeg ko. Nakakahiya sakanila na marinig nila iyun, nagbow si Tan at nagmano kay lola.

"Good Morning po, ako po si Tan." Pagpapakilala niya.

"Ahhh.." Tumangotango si Lola at nagtinginan sila ni Dad. "Ikaw yung kwinekwento sakin ni balong, yung nanakit sa anak ko..." Nagkaroon ng katahimikan. "Joke lang naman! Tan, it's nice to meet you with my daughter." Ngumiti si Tan kay lola.

"Mother! Good Morning!." Bati ni dad sakanya at naghug sila. "Namiss ko po kayo!."

"Pwes hindi kita namiss, lagi ka kayang nandito kapag wala ka sainyo kaya nakakasawa ka din eh! Ikaw talaga." Sabi ni lola at napatingin na saakin. Hahaha! Minsan may pagkasavage si lola.

Pumasok kami sa loob at hila hila ng limang yaya ang bags namin tapos bigla na lang silang nawala, nakakainggit hahaha! Gusto ko din ng ganitong mansion sa future kapag may asawa na ako, napakaganda pa ng furnitures ni lola. May fountain pa sa living room kung saan muna kami nanatili. Nagserve ang yaya ng makakain, fries at iced ted.

"Dalaga ka na apple kaya wag ka nang mapili sa pagkain hah. Nung bata kasi siya laging apple gusto niya'n mula umaga haggang paggising niya sa sunod ng araw mabuti maswerte ka kasi an apple a day keeps the doctors away. Alam niyo ba? Tumakbo yang naka-panty lang dito sa living room nung 7 yearsold pa lang siya kasi tinakbuhan niya yung gamot niya pang fever."

"HAHAHAHH!." Tawang-tawa naman sila, napa facepalm na lang ako dahil sa hiya

"Lola, ang dami niyo'ng story ah!." Sarkastiko kong sabi.

"Mas madami pa pero pasalamat ka apple mabait ako ngayun at good mood ako." Lola said. "Saan kayo galing?." Tanong ni lola kay Dad.

"Mom, we came from the Carr Resort after we got here."

"This mansion will be apple's home in the future kaya pinalaki ko, alam na alam mo iyan anak. Apple? Pakilala mo sakin si Tan in private later but for now feel free to roam around the house, but first let me know your names."

"Ako po si Jervin.." Pakilala niya. "Magkasama po kami ni Ravi sa pagiging hacker ng computers, CCTV cameras at iba pa pong pwedeng ihack." Sabi niya.

"Wow! That's impressive, how about this cute lady?." Si Steph tinutukoy niya.

"She's my friend lola, si Stephanie Chan. Girlfriend ni kuya."

(0____0)

Nanlaki pa mata ni lola at mukhang namula si Steph. "I didn't know she picked the cutest lady out of all na nakapila sa harapan niya, anyways I like your boyfriend's taste and too bad wala siya dito at hindi ko siya maiinis." Lola said in a humorous manner at natawa nalang si Steph.

"Lola, si Tan nga pala. Manliligaw ko po." Sabi ko at tumaas ang isang kilay ni lola sakin.

"Kailan mo siya balak sagutin?."

"Ako na po bahala kung kailan niya'ko sasagutin." Tan said at napangiti si lola.

"Well done young man, you just earned my trust for now. Apple? Anong nagustuhan mo sakanya?." Kinantsawan kami nila Steph.

Letting Go (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon