"Mika, okay na kayo ni insan, 'diba?"
Tanong sa kanya ni Zyrina habang kumakain sila ng sandwich dahil recess time naman nila ngayon.
Puro activities pa rin sila ngayon sa klase dahil next week pa naman talaga magsisimula ang pagpapakilala ng mga subject teachers nila sa kanila.
"Okay naman, bakit?"
"Nag-uusap na ba kayo ulit?"
Tanong pa nito at umiling naman siya dahil hindi pa talaga sila muling nag-uusap ni Brent na katulad ng dati.
"Hindi pa eh"
"Dapat ay nag-uusap na kayo kasi hindi naman pwedeng buong school year ay gan'yan kayo"
Sabi nito at tumango-tango na lang siya hanggang sa dumating na si Clara na kabibili lang ng sariling pagkain nito.
"Ang dami naman n'yan"
Natatawang sabi niya nang ilapag nito lahat ang mga biniling pagkain nito. Sobrang dami ng binili nito kaya naman pala natagal ito bago makabalik sa table nila.
"Hindi kasi ako nagbreakfast kanina eh"
"Clara!"
Saway naman ni Zyrina kay Clara at natawa na lang siya. Matapos ang recess time nila ay bumalik na silang muli sa loob ng classroom nila.
"Fidelity, lumabas muna kayo at dalhin niyo ang inyong mga bags"
Sabi ni Ma'am Jhe sa kanila at doon pa lang ay alam na niya agad ang mangyayari.
Magkakaroon na sila ngayon ng seating arrangement para sa first quarter.
Sana lang ay kakilala niya ang magiging seatmate niya para hindi na siya mahirapan na pakisamahan ito.
Ayos lang sa kanya kung babae pero kung lalake man ay sana mabait dahil wala talaga siyang makakausap kapag nagkataon.
Lumabas na silang lahat sa classroom nagpunta sila sa corridor. Alphabetically order sila na tinawag ni Ma'am.
Unang tinawag ni Ma'am ang pangalan ng mga lalake nilang kaklase para pumasok sa loob at umupo sa assigned seats ng mga ito.
Nakita niyang sa dulo malapit sa may pintuan napapunta si Brent. Dahil na rin sa apelyido nito na letter 'B' kaya naman nasa first column ito.
Matapos ang sa mga lalake ay sila namang mga babae ang sunod na tinawag ni Ma'am Jhe.
Nang tawagin na ang pangalan niya ay agad siyang pumasok sa loob ng classroom saka umupo sa itinuro na upuan ni Ma'am Jhe.
Maayos naman ang pwesto ng upuan niya dahil nasa gitnang bahagi iyon ngunit nakakalungkot lang dahil ang katabi niya na lalake ay hindi niya gaanong kakilala.
Nakikita lang niya ito palagi noon ngunit hindi naman sila naging magkaklase nito kaya hindi rin sila close.
Tahimik lang tuloy siya sa tabi nito ngunit mukhang ang mga nakapalibot sa kanya ay kakilala na nito dahil kinakausap nito ang mga iyon.
"Mark, kausapin mo naman 'yang katabi mo"
Sabi ng lalakeng nasa likod niya sa katabi niya. So Mark pala ang pangalan ng katabi niya.
"Hindi ko nga kilala"
"Kaya nga kausapin mo, magpakilala ka"
Natatawa pang sabi muli ng kausap ng katabi niya ngunit umiling na lang ito.
Nilibang na lang niya ang sarili sa paglinga-linga sa buong classroom saka napatingin siya kina Zyrina at Clara na malapit lang ang pwesto sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
JugendliteraturOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"