"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"
Tanong sa kanya ni Clara dahil kanina pa ito nandito sa school.
Sports fest ngayon ng grade 9 at 10 kaya naman medyo kakaunti lang ang tao sa buong school lalo na at sabado ngayon kaya walang klase.
"Nako! Napaaga ka lang, wala pa ngang gaanong tao eh"
Natatawang sabi niya dahil totoo naman. Sobrang tahimik nga ng buong campus kahit na 7:40 am na.
"Pero saan ka nga galing?"
"Bumili lang ako ng lunch ko para mamaya kasi 'diba, hindi naman tayo palalabasin"
"Eh ano 'yan?"
Turo nito sa isa pang supot na hawak niya at nginitian naman niya ito bago sinagot.
"Gatorade"
"Lalaro ka nga pala"
"Para sa'kin at para kay Brent"
Mahina naman itong natawa saka napailing-iling.
"Hay nako! Brent na naman!"
"Teka, nasaan si Zyrina?"
"Maaasahan mo ba naman 'yon na dumating ng maaga? 'Diba, hindi naman"
Natawa na lang sila pareho saka dumiretso na sa classroom nila. Kakaunti pa lang din ang dumadating na mga kaklase nila.
"Mika, laro tayo ng uno card!"
"Sige!"
Inilagay niya sa upuan niya ang mga dala niya saka kinuha ang toblerone na ibinigay ni Brent sa kanya.
Kinuha rin niya ang hot chocolate drink na binili niya kanina dahil nakalimutan niya ang magbreakfast sa bahay.
Nagpunta na siya sa pwesto ni Clara at nandoon din sina Nicka, Ace, at Beth para maglaro.
"Mika, pwedeng pahingi?"
Tanong sa kanya ni Beth na ang tinutukoy ay ang toblerone na kinakain niya habang naglalaro sila.
"Special to eh wait, bibigyan na lang kita ng iba"
Sabi niya saka kinuha sa bulsa ng p.e uniform na suot niya ang isang bar ng dairy milk.
"Thank you pero bakit special 'yan?"
"Secret!"
Natawa na lang ito saka sila patuloy na naglaro hanggang sa dumating si Brent kasama sina Drick at Alex.
"Pasali kami!"
Sabi ni Brent at sakto namang patapos na ang round nila kaya naman inantay na lang ng mga itong matapos sila bago sumali sa next round. Umupo sa tabi niya si Brent at binati siya nito ng 'good morning.'
"Good morning din. Anong oras ng laro mo?"
"First game kami ngayong umaga"
Sagot nito at tumango-tango naman siya saka nagsimula na silang maglaro.
"Beth, 'wag mong ibaba 'yong plus four mo, please?"
"Pahingi muna ng toblerone"
"Ayoko nga!"
Natatawang sabi niya at napailing-iling naman ito.
"Ang damot naman, pa-special-special ka pang nalalaman d'yan eh chocolate lang din naman 'yan"
Sabi nito at narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Brent saka bumulong sa kanya.
"Special pala ha?"
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Dla nastolatkówOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"