Naalimpungatan siya mula sa pagkakatulog. Luminga-linga siya at nakita niyang medyo madilim pa ang paligid dahil hindi pa nakabukas ang mga kurtina ng kwarto ngunit alam niyang umaga na.
Napansin niya na may kaunting pawis sa noo niya kahit na bukas naman ang aircon ng kwarto at basa din ang pisngi niya dahil sa mga luha.
Hinilot niya ang sintido niya saka marahang pumikit. Inaalala ang kanyang napanaginipan ngayon-ngayon lang.
Was that really a dream? I really dreamt about my high school life? Why?
Nagmulat siyang muli ng mga mata at tiningnan ang oras sa orasan na nakalagay sa itaas ng pinto ng kwarto.
It's already 7a.m!!
"Magluluto pa ako!"
Tarantang sabi niya dahil hindi siya nagising agad kanina nang mag-alarm ang alarm clock niya ng 6:00 am. Masyado siyang nilamon ng panaginip niya.
Akmang aalis na siya sa kama nang bumukas ang pinto ng kwarto kaya napatingin siya doon.
"Rise and shine, Hon!"
Nakangiting bati sa kanya ng asawa niya habang papalapit sa kanya at may dala-dala itong tray kung saan may nakalagay na mga pagkain.
Agad niyang pinahid ang mga luha niya sa pisngi para hindi nito iyon mapansin.
"Good morning, Hon. Sorry, I woke up late"
"Don't worry, that's fine. Come on! Eat your breakfast in bed"
Inilapag nito sa harapan niya ang tray na hawak nito kaya naman napangiti siya.
"Wow! You really cooked! What's with you today?"
"I just feel like cooking for my lovely wife"
Napailing-iling naman siya saka mahinang natawa.
"Sorry, Hon. I know that you're busy-"
"No, I'm not. Not today, actually not for the whole week"
"Why?"
Kunot noong tanong niya dito at kumibit balikat naman ito.
"I don't know"
Natawa na lang siya saka inalis nito takip ng pagkain niya at bumungad sa kanya ang isang stack ng pancake na may strawberries at raspberries sa gilid. May nakasulat sa ibabaw ng pancake na 7.
Isip pa siya noong una kung bakit may nakasulat na 7 doon at agad na nanlaki naman ang mga mata niya nang mapagtanto kung anong ibig sabihin niyon.
"Happy seventh anniversary, Hon..."
Bulong nito sa tenga niya at niyakap siya ng mahigpit.
I nearly forgot!
"Hon, you're so sweet. Happy seventh anniversary, too"
"Magtatampo na sana ako kanina kasi mukha namang hindi mo natatandaan but that's fine, I know you're busy about work lately, we're both busy. But guess what, I canceled all my flights for the whole week and also I called your secretary to clear all of your schedules and meetings this week. I think we should spend more time together like before, right?"
"Thank you so much for being so understanding and for doing all of this"
Hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti ito sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.
"About earlier, when I entered here. I saw you wiped your tears. Why?"
"I-i dreamt about something..."
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"