Page 18

189 14 2
                                    

Celebration na ng Buwan ng Wika nila ngayon at na-eexcite na siya para sa mga mangyayari mamaya.

Sasayaw kasi siya mamaya ng Pandango sa Ilaw kasama ang ilan niyang mga kabatch.

Sumali siya sa sayaw dahil nabalitaan niya na mataas ang ibibigay na grades sa filipino subject sa isang estudyante kung magkakaroon ito ng anumang klase ng participation ngayong Buwan ng Wika celebration.

Ang pandango sa ilaw na lang ang sinalihan niya dahil ito na lang ang nangangailangan pa ng mga estudyante na sasali. Kinakabahan na nga siya ngayon dahil baka mabasag ang baso na nakapatong sa ulo niya mamaya.

"Mika! Kinakabahan talaga ako mamaya"

Sabi sa kanya ni Annie habang nandito sila ngayon sa mini tindahan ng Fidelity at nakatambay sila.

Kasama niya itong nagpractice ng sayaw para ngayon. Si Sir Vie ang nagturo sa kanila at mamaya ay makakasama nila ito sa pagsasayaw.

Walo silang mga babae na sasayaw at may kasama silang dalawa pang lalake at isa na nga doon ay si Sir Vie.

Tuwing weekends ay nagkakaroon sila ng practice at talagang hindi lilipas ang isang practice nang walang nakakabasag ng baso sa kanila.

Ang sayaw nila ay may baso na nakalagay sa ulo at may dalawa pang baso silang hawak sa magkabilang kamay.

Kung ang natural na pandango sa ilaw ay may kandila sa loob ng baso, ang kanila ay tubig ang nakalagay kaya naman kapag nabasag ang baso nila sa ulo. Basag na nga, basa pa sila ng tubig.

"Kinakabahan din ako para mamaya, Annie. Baka kasi makabasag ako eh nakakahiya 'yon tapos ang dami pang manonood"

"Nakailang dasal na nga ako ng rosary kagabi sa bahay tapos kanina, habang papasok ako dito sa school"

Natatawang sabi ni Annie na ikinatawa rin naman niya.

"Grabe naman ata 'yon"

"Kailangan eh"

Natawa na lang silang muli at maya-maya ay nagpaalam muna siya na pupunta sa classroom niya.

Kukuhanin niya doon ang wallet niya sa loob ng bag niya at pagkatapos ay hahanapin niya sina Zyrina at Clara.

Nang makarating siya sa loob ng classroom ay nakita niya doon si Brent na nakikipaglaro ng uno cards kina Drick, Alex, Mel at Vien.

"Mika! Gusto mong sumali?"

Tanong sa kanya ni Brent at umiling naman siya.

"Ayoko, kayo na lang"

Kinuha na niya ang wallet niya sa loob ng bag niya saka akmang aalis na nang magsalita ulit ito.

"Sandali lang!"

Napalingon siya dito at lumapit naman ito sa kanya.

"Bakit?"

"Tara sa labas, ilibre mo ako!"

"Ayoko nga! D'yan ka magpalibre sa mga kasama mo"

Sabi niya saka itinuro ang apat nitong mga kasama na ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mga kuripot 'yang mga 'yan!"

"Kuripot? Kanina ka pa nga palibre ng palibre"

Natatawang sabi ni Alex at natawa naman siya saka ginulo ang buhok ni Brent.

"Nakakarami ka na pala eh, uso namang gastusin ang sariling pera 'no?"

"Pabirthday mo na sa'kin, Mika"

Sabi nito at kunot noo naman niya itong tiningnan.

Kunwari ay hindi niya alam na birthday na nito bukas ngunit alam na alam niya iyon. Noong isang linggo pa nga siya nag-iisip ng ireregalo dito.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon