Huminto ang pag-ikot ng mundo niya nang lumabas na mula sa pinto ng mini gym ang lalakeng makakapartner niya.
Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ngunit isa lang ang alam niya...sobrang magiging perfect ang JS Prom niya.
"Brent..."
Mahinang sabi niya sa sarili habang ito ay nakangiting naglalakad papalapit sa kanya. Patuloy sa pagtambol ang puso niya habang papalapit ito.
"Surprise? 'Di ko ineexpect na ikaw ang makakapartner ko, sayang"
Naiiling-iling na sabi nito na parang nalulungkot dahil siya ang tinapatan nito kaya naman tinampal niya ito sa braso.
"Nakakainis ka talaga!"
"Joke lang naman"
Natatawang sabi nito at nang matapos ang pagpapartner sa kanila ay muling nagsalita ang subject teacher nila sa unahan.
"So 'yan ang magiging partner niyo para sa reporting natin sa arts"
Bigla namang bumagsak ang balikat niya dahil sa narinig. Akala naman niya ay ito na ang official partners nila para sa JS prom.
Umugong naman ang bulungan sa buong mini gym dahil ni isang beses ay hindi pa nagpareport ang teacher nila ng tungkol sa arts.
"Syempre, biro lang! 'Yan na ang magiging partners niyo para sa JS Prom. Walang magrereklamo dahil wala ng mababago d'yan"
Final na sabi ng teacher nila at nakaramdam talaga siya ng todo-todong kasiyahan sa puso niya.
Sinabi din ng teacher nila na ngayon na din sisimulan ang practice kaya naman humarap siya kay Brent na nakangisi lang sa kanya.
"Natupad na ba ang pangarap mo?"
"Ha? Anong sinasabi mo d'yan?"
"Balita ko, pangarap mo akong makapartner"
Nakangising sabi nito at napailing-iling na lang siya saka lihim na napangiti.
Oo! Natupad na!
"Double turn!"
Sabi ng teacher nila kaya naman umikot silang mga babae ng dalawang beses.
Medyo nakaramdam siya ng hilo dahil doon at naramdaman naman niya ang paghigpit ng hawak ni Brent sa bewang niya.
"Mali 'yon, mahihilo kayo"
"Kaya nga pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang sumunod na lang"
Ipinagpatuloy na nila ang practice at dumako na naman sila sa part na kailanga nilang magdouble turn na mga babae.
"Uy! 'Di ko kaya..."
Kinakabahang sabi niya kay Brent dahil baka bumagsak siya sa sahig ng mini gym kapag natapos siyang mag-double turn.
"Huwag kang mag-alala, hahawakan kita"
Napangiti naman siya sa sinabi nito kaya hindi na siya natakot na umikot kahit ilang beses pa dahil alam niyang may Brent na hindi siya hahayang bumagsak.
Patagal ng patagal ay mas lalong humihirap ang mga steps ng sayaw na pinapractice nila.
Napapansin din niyang unti-unti ng nawawala si Brent sa mood dahil doon. Sana lang ay hindi siya nito mapagbuntunan ngayon.
"Eye contact!"
Sigaw ng teacher nila habang nagsasayaw sila at hindi naman siya mapakali kung saan titingin.
"Tingin ka lang sa mata ko"
"Sige..."
Habang nagsasayaw ay nakatingin lang sila sa mga mata ng isa't isa. Tila nawala lahat ng tao sa loob ng mini gym.at nagslow motion ang paggalaw nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Novela JuvenilOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"