Page 30

155 9 4
                                    

"Nagmeeting kaming mga kasama sa campaign kahapon at inutusan siya ni Ma'am Rie na kuhanin 'yong mga issue ng school paper last year para ibigay na example sa kanya kaya nandoon siya sa library"

Pagkukwento sa kanya ni Nicka dahil kinamusta niya dito si Brent. Tutal ito lang naman ang nakakausap ni Brent nitong mga nagdaang araw.

"Masaya ba siya?"

"Sobra! Excited na excited na daw siya pero kinakabahan din. Natatawa nga ako sa kanya"

"Kaya naman niya 'yon"

Nakangiting sabi niya at tumango-tango naman ito.

"Mika, sorry pero sinabi ko kay Brent 'yong tungkol sa naging usapan niyo ni Ma'am Rie. Hindi pwedeng hindi niya malaman ang tungkol sa ganoong bagay"

Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito.

"A-anong sabi niya?"

"Hindi siya makapaniwalang ginawa mo 'yon para sa kanya. Sabi pa nga niya ay sobrang swerte niya daw sa'yo pero naguiguilty daw siya. Tapos nag-hi daw siya sa'yo kahapon pero hindi mo naman siya pinansin kaya umalis na lang siya"

"Pinansin ko kaya siya! Nginitian ko pa nga pero hindi lang ako nakapag-hello kasi nilamon na ako ng kilig"

Natatawang sabi niya na ikinatawa rin naman nito.

"Kaya naman pala pero sana ay magkaayos na kayo ha? Matagal-tagal na rin simula noong huli ko kayong nakitang magkasama. Namimiss ko 'yong kulitan niyo"

"Sana nga kasi miss ko na siya pero alam mo ba? Nagtry ako once na kausapin siya pero itinaboy niya lang ako"

Malungkot na sabi niya at naalala na naman niya ang ginawa niyang pag-approach kay Brent na nauwi lang sa wala.

Flashback............

Kanina pa siya pauli-uli sa loob ng classroom nila dahil inaantay niya na dumating si Zyrina.

Lunch time ngayon ngunit maaga naman silang natapos nina Maymay sa pagkain kaya bumalik agad sila sa classroom. Kakaunti pa lang ang tao ngayon dito dahil maaga pa.

Busy din ang iba sa pagsasagot ng iniwan sa kanilang activity sa math subject.

Tapos na naman siyang nagsagot doon kaya wala na siyang ibang magawa. Napatingin naman siya kay Brent na nakaupo lang sa upuan nito at walang ginagawa.

Nakita niyang nakalapag sa table ng armchair nito ang activity nito sa math. Marahil ay nahihirapan itong sagutan iyon ngunit maaari naman niya itong tulungan, kung sana lang ay okay sila ngayon.

Napaisip din siya na baka ito na ang tamang pagkakataon na kausapin niya ito at makipag-ayos siya.

Wala naman itong ginagawa at mukhang good mood naman ito. Inipon niya ang lakas ng loob saka dahan-dahang naglakad palapit dito.

Nang makalapit siya ay napalingon naman ito sa kanya. Nginitian niya ito saka nag-hi dito kahit na punong-puno ng kaba ang puso niya ngayong mga oras na ito.

Bahala na!

"Hi!"

"Bumalik ka na sa upuan mo"

Malamig na sabi nito saka itinutok na lang ang atensyon sa sinasagutang activity.

Napawi naman ang ngiti niya at napaltan iyon ng lungkot. Ngayon na nga lang siya nagfirst move sa isang tao tapos ganito pa. Tila dinudurog ang puso niya sa sobrang sakit.

Hinding-hindi na ako magfifirst move sa'yo ulit! Tandaan mo 'yan!

.................End of Flashback

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon