Page 17

164 13 0
                                    

Natutulog lang siya dahil free time naman nila ngayon para magmeeting sa darating na Buwan Ng Wika. Maganda na sana ang ending ng panaginip niya ng biglang...

"Mikaaa!!"

Bigla siyang nagising nang may sumigaw malapit sa tenga niya.

Bumungad naman agad sa kanya si Brent na nakangisi lang sa kanya nang tumunghay siya mula sa pagkakasubsob sa desk ng armchair niya.

"Brent! Ano ba?"

"Patulog-tulog ka na lang eh"

Umupo ito sa tabi niya, hindi sa katabing upuan niya kung 'di sa tabi niya mismo.

"Ano ba kasing kailangan mo?"

Tanong niya dito habang inaayos ang buhok niya na nagulo sa kanyang pagtulog.

"Wala lang, mangungulit lang sana"

"Massage mo na lang kamay ko, dali!"

Sabi niya saka iniaro dito ang kanang kamay niya at nakangiti naman itong minasahe siya.

"Antok ka pa ba? Gusto mong gisingin kita?"

"Sige nga"

Sagot niya at ngumisi naman ito sa kanya. Napa-aray na lang siya nang mahigpit nitong pisilin ang palad niya.

Parang nabali ata lahat ng buto niya sa kamay niya at bigla siyang nakaramdam ng panghihina dahil sa ginawa ni Brent. Ang loko-loko naman ay tawang-tawa lang sa kanya ngayon.

"Effective ba?"

"Gago ka talaga! Ang sakit kaya non"

"At least, gising na gising ka na ngayon, 'diba?"

Natatawa pang sabi nito at ginamit naman niya ang kaliwang kamay niya para tampalin ito sa braso.

"Nakakainis ka talaga!"

"Inis ka na n'yan? Ang cute mo naman mainis"

Nakangiting sabi nito saka ginulo ang buhok niya at palihim naman siyang napangiti.

"Hindi mo ako madadaan sa gan'yan kaya umayos ka"

Sabi niya at kunwaring hindi kinikilig dahil baka asarin siya nito lalo kapag nalaman nito na kinikilig siya. Bumuntong hininga naman ito saka nailing-iling.

"Akala ko ay kikiligin ka na eh. Ang hirap mo namang pakiligin"

Naku! Kung alam mo lang! Kahit wala kang gawain ay kikiligin at kikiligin pa rin ako sa'yo!

"Talaga!"

Kinulit na lang siya nito nang biglang magsalita si Vanes sa unahan ng klase nila.

"Guys, lumabas muna tayong lahat para makapag-practice tayo ng speech choir natin sa english. Tara sa basketball court tutal ay malawak naman doon"

Sabi ni Vanes saka nagsimula nang lumabas ang mga kaklase niya dala-dala ang kanya-kanyang kopya ng mga ito. Siya naman ay hinahanap niya ang sariling kopya niya.

"Mika, ang tagal mo naman!"

Reklamo ni Brent na akala niya ay nakaalis na sa loob ng classroom kanina pa ngunit hindi pa pala.

"Sino ba kasing may sabi sa'yo na intayin mo ako?"

"Ako na nga itong nagkusang loob eh tapos magrereklamo ka pa?"

Tila nagtatampong sabi nito at nakangiti naman niya itong hinarap nang mahanap na niya ang kopya niya.

"Sige, salamat at inantay mo ako"

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon