"Mika..."
Napalunok siya dahil hindi niya alam kung anong mayroon dito ngayon. Patuloy lang sa pagplay ang malungkot at mabagal na kanta ng Riverflows.
"Brent, akala ko ba ay tutula ka? Sige ka, uuwi na ako"
Sinusubukan niyang baguhin ang mood na nakapaligid sa kanila ngunit hindi nakakatulong ang kanta na nakikisabay pa.
Lumapit ito sa kanya at napaatras naman siya. Ganoon lang ang ginagawa niya hanggang sa tumama na ang likod niya sa pader.
Dead end...
Itinukod nito ang dalawang palad sa magkabilang tabi niya kaya naman nakorner siya nito. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito ngayon.
"B-brent..."
"Nakatingin ako sa inyo ni Drick kanina, hindi mo ata napansin. Ang saya-saya mo habang kausap siya..."
Sabi nito at napakunot naman ang noo niya. Hindi niya alam kung ano at kung bakit nito sinasabi iyon sa kanya.
"A-ano bang mayroon?"
"Mas masaya ka ba 'pag kausap mo si Drick?"
Tanong nito sa kanya habang halo-halong emosyon na ngayon ang nakikita niya sa mga mata nito.
"Huh? Bakit ba?"
"Alam ko namang mas mabait si Drick kaysa sa'kin. Alam ko ding mas maayos ang turing niya sa'yo kung tutuusin. Palagi kitang inaaway at ang sama-sama ng ugali ko sa'yo habang si Drick ay sobrang bait at sobrang gentleman pagdating sa'yo pero mas gusto mo ba 'yong ganoon? Mas gusto mo ba si Drick?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Tila napalitan si Brent dahil ibang-iba na naman ito ngayon.
"Brent, kung prank ito ay hindi ito nakakatuwa"
Pagbabanta niya ngunit patuloy lang si Brent sa pagsasalita.
"Bakit ba ang manhid mo, Mika? Bakit hindi mo ako maramdaman? Akala ko ay matalino kang tao pero bakit hindi mo man lang maisip na kaya ibang-iba ang turing ko sa'yo kumpara sa iba ay dahil sobrang espesyal mo para sa'kin? Sa lahat ng tao, Mika, ikaw ang pinaka-espesyal para sa'kin. Alam mo bang natat*nga ako kapag malapit ka?"
"Oo, para kang t*nga ngayon kaya itigil mo na ito, Brent. Uuwi na ako—"
"Gusto kita, Mika!"
Napatigil siya sa sinabi nito at ganoon din ang pag-ikot ng mundo niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o ano.
Mapagbirong tao si Brent ngunit ngayon ay iba ang sinasabi ng mga mata nito. Parang totoo ngunit aasa ba siya?
Gulong-gulo siya ngayon at nang mas ilapit pa ni Brent ang mukha nito sa kanya ay napapikit na lang siya. Hindi niya na alam ang susunod na mangyayari hanggang sa narinig na lang niya itong tumatawa.
Napamulat siya ng mga mata at nakita niya si Brent na nakaupo na sa sahig at hawak ang tiyan habang akala mo ay mamamatay na sa katatawa. Nakaramdam naman siya ng inis saka ito sinipa sa binti.
"Nakakainis ka!"
Inis na sabi niya dito habang pinagsisisipa pa rin ito.
"N-nakakatawa 'yong itsura mo kanina!"
Panay pa rin ang tawa nito at naiinis na talaga siya. Umasa pa naman siya sa sinabi nito kanina.
Akala niya ay may gusto na talaga ito sa kanya pero pinaasa lang pala niya ang sarili niya. Dapat talaga ay hindi siya naniwala dito.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"