PROLOGUE

3.4K 91 6
                                    

Rush Hour na naman. Nagpasikot sikot na ng daan ang driver kong si Kuya Peping pero mukhang hindi kami makakaabot sa meeting ko.

Tinawagan ko ang aking Secretary para ire-schedule ang meeting ko ng hapon. Pupunta na lang muna akong project site at least outside metro manila ito. "Kuya, sa project site na tayo tumuloy." Utos ko sa aking driver.

Hindi ko makalimutan ang panaginip ko kay Abby. Baka kung napaano na siya. Hindi mawala ang pag-aalala ko. Mula ng kunin siya ng kanyang ina sa amin ay hindi ko na siya nakita o nakausap man lang. Not in service na ang cellphone number ni Abby. Ang number na iniwan ng kanyang ina ay di namin makontak. Wala rin sila sa address sa USA na iniwan ng kanyang ina.

Nagulat ako sa biglang pagpreno ni Kuya Peping. "Kuya bakit?"

"May tumawid na babae Boss." Nag-aalalang sabi ng driver ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya. "Nabundol ninyo?" Dinukwang ko ang unahan ng kotse at nakita ko ang nakabulagta.

"Hindi ko siya nahagip. Mukhang hinimatay." Sagot ng aking driver at halos sabay kaming lumabas ng kotse.

Dali dali kong nilapitan ang nakabulagta, itinihaya ko ito at pinulsuhan. "Miss, Miss." Tawag ko dito. Umungol ito at dumako ang mata ko sa mukha niya. Sumikdo ang aking dibdib ng titigan ko ang hapis nitong mukha. "Oh my God. Abby?"

Takot at tuwa ang namayani sa akin. "Abby gising." Ngunit ungol lang ang sagot niya. "Kuya Peping, tulungan mo ako. Dalhin natin sa hospital si Abby."

Nagulat din ang driver ko. "Por dios por santo. Si Abby nga. Ano bang nangyari sa batang ere?"

Pinagtulungan naming buhatin si Abby sa kotse. "Sa pinakamalapit na hospital tayo kuya."

Sobra ang pag-aalala ko. Inihilig ko siya sa aking balikat at tinapik tapik ang pisngi. "Abby, baby, this is kuya. Wake up please." This time wala na akong ungol na narinig.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig ito at walang lakas. Lalo akong nataranta. "Kuya, bilisan natin. Baka kung napaano na siya."

***
Sa hospital, nalapatan ng paunang lunas si Abby. Hindi ko maalis ang titig sa kanyang mukha. Para pa rin siyang Barbie doll pero dalaga ng Barbie. Inayos ko ang kumot niya. Kumislot siya at nagmulat ng mata. "Who are you?"

Ang excitement ko na naramdaman ay napalitan ng pagtataka. "Baby, I'm your Kuya Nial. Don't you remember me?" Nakangiti ako at hinawakan ko pa ang baba niya pero nagulat ako sa ginawa niya. Tinabig niya ang kamay ko.

"Don't touch me!" Takot ang nakikita ko sa mukha niya.

Akmang babangon siya sa kama at pinigilan ko ang kamay niya ngunit lalo siyang nagpumiglas. "No! Stay away from me!" Ang takot sa mukha niya ay may kasama ng mga luha.

Nag-alala ako sa inasal niya. "Baby, relax. This is me. Kuya Nial." Pilit pa rin siyang nagpumiglas, pinindot ko ang emergency button para tumawag ng nurse.

Kalmado na siya pagkatapos ng ilang minuto at nakatulog uli. Hawak ko ang palad niya at hinalikan ko ang likod. Ang tagal ko siyang hinanap at ngayong natagpuan ko na siya bakit hindi niya na ako kilala? Inipit ko sa kanyang taynga ang nakalugay na buhok, hinaplos ko ang kanyang pisngi at mga labi. ' I missed your face and your smile?'

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan malaman ko ang dahilan? At kailangan ko siyang bantayan at alagaan. Mula ngayon hindi na ako papayag na mawala siya sa paningin ko. "I love you baby. I love you so much." Buong pagmamahal na hinaplos at hinalikan ko ang kanyang pisngi.

****

Hello readers :)

If you liked my story, feel free to tap the star and if you found some flaws, please notify me through comments.

Thanks.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon