15-Amnesia

1.4K 37 5
                                    

Sa hospital, nalapatan ng paunang lunas si Abby. Hindi ko maalis ang titig sa kanyang mukha. Para pa rin siyang Barbie doll pero dalaga ng Barbie. Inayos ko ang kumot niya.

Kumislot siya at nagmulat ng mga mata. "Who are you?"

Ang excitement ko na naramdaman ay napalitan ng pagtataka. "Baby, I'm your Kuya Nial. Don't you remember me?" Hinawakan ko ang baba niya pero nagulat ako sa ginawa niya.

Tinabig niya ang kamay ko. "Don't touch me!" Takot ang nakikita ko sa mukha niya.

Akmang babangon siya sa kama at pinigilan ko ang kamay niya ngunit lalo siyang nagpumiglas. "No! Stay away from me." Ang takot sa mukha niya ay may kasama ng mga luha. Nag-alala ako sa inasal niya.

"Baby relax. This is me. Kuya Nial." Pilit pa rin siyang nagpumiglas. Pinindot ko ang emergency button para tumawag ng nurse.

Kalmado na siya. Nakatulog uli. Hawak ko ang palad niya at hinalikan ko ang likod. Ang tagal ko siyang hinanap at ngayong natagpuan ko na siya ay hindi na niya ako kilala. Inipit ko sa kanyang taynga ang nakalugay na buhok.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at mga labi.

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan malaman ko ang dahilan. At kailangan ko siyang bantayan at alagaan.

Mula ngayon hindi na ako papayag na mawala siya sa paningin ko. "I love you baby. I love you so much." Buong pagmamahal na hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang noo.

Pinagmamasdan ko ang natutulog na si Abby. Nasa leeg pa din nito ang bigay kong titanium necklace na may initials ko. Hinawi ko uli ang nakalugay niyang buhok sa mukha. Saka ko lang napagmasdan ang kanyang noo. Parang peklat ng isang kahihilom lang na sugat. Sinipat sipat ko pa ito at hindi ako maaring magkamali.

Iniluwa ng pinto ang nagmamadaling si Mommy at nasa likod si Daddy. "Abby. Oh my God." Umiyak na si Mommy at dali daling hinawakan niya ang kamay ni Abby.

"Thank God, nakabalik ka sa amin." Masuyo ni Mommy na hinaplos ang kamay ni Abby. Anak ang turing nila ni Daddy dito.

"Kailangan natin itong ipaalam kay Officer Intal." Mahinang sabi ni Daddy sa akin. "May kutob akong may nangyaring hindi maganda."

Pareho kami ng iniisip ni Daddy.Lihim akong nagdarasal na sana malampasan ni Abby kung anuman ang pinagdadaanan niya at sana paggising nito ay makilala na ako.

"Sino kayo?" Gising na si Abby. Nagtataka ang mga tingin niya kay Mommy.

Masuyong ginagap ni Mommy ang kamay nito. "Abby, anak, hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Mommy Alex."

Ngunit nanatiling nagtataka ang mga titig nito sa aking ina. "Mommy Alex?" At pagkatapos dumako kay Daddy.

"Ako si Daddy Nico. Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting pakilala ni Daddy sa sarili. Lumapit si Daddy kay Abby. "Abby, kami ni Mommy Alex ang nag-alaga sa'yo."

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon