2-New sister

1.9K 54 4
                                    

Nasa office ako ni Mommy ngayon. Pag wala akong pasok ay dito ako tumatambay para I-assist si Mommy. Kahit mayroong secretary ay tinutulungan ko siya sa pagsagot ng mga electronic mails.

Kung minsan naman sa office ni Daddy ako tumatambay o kaya sa studio ng kanilang noon time show.

Pero mas madalas sa office ni Mommy dahil mas maraming oras na ginugugol ito sa office. Gusto kong matulungan siya at mabawasan ang mga ginagawa niya.

"Talaga Mommy. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mommy.

"Yes, true. Approved na ang pagiging foster parents namin kay AbbyPero hindi pa pwedeng I-adopt ng tuluyan si Abby kasi buhay pa ang mother niya. Kaya mananatili ang surname niyang Diamante.  May karapatan pa din ito sa anak niya at nangako daw ito na babalikan si Abby. But at least, makakasama na natin si Abby ng matagal. " Mahabang paliwanag ni Mommy.

"Yes! So kelan natin siya susunduin? " Hindi ko maitago ang excitement.

Tumingin si Mommy sa table calendar. "Maybe, next  weekend. "

Mas naging masaya ang bahay namin ng dumating si Abby. Playful at malambing ito kaya naging apple of the eyes siya namin. Dumating ang pasukan. Grade one na si Abby at sa school kung saan kami nag-aaral ay doon din siya mag-aaral. Grade nine ako at si Marra ay grade seven. Si MK naman ay grade five.

Excited si Abby sa pasukan. First day sa school ay nauna pa siyang nakabihis kaysa amin. Independent si Abby sa mga bagay na kaya niyang gawin. Marunong siyang paliguan ang sarili at magbihis at kumain mag-isa. 

Inihahatid ko muna si Abby sa kanyang classroom bago ako tumuloy sa high school building. Ako na rin ang tutor niya sa mga assignments at sa mga school projects.

"Kuya Nial. " Kumakatok si Abby sa kuwarto ko.

Pinagbuksan ko siya. "Yes baby. " May dala itong libro.

"Basahan mo ako ng fairy tale." Napatingin siya sa study table ko. "Ay may ginagawa ka pala."

"Mabilis lang ito. Don't worry babasahan kita after this. " Sabi ko at bumalik ako sa ginagawa ko.

Umakyat si Abby sa kama ko at nahiga. "Sige dito muna ako. " Hinayaan ko siya at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Okay baby, tapos na a- . Tulog na pala. " Napangiti ako, nakatulog si Abby sa paghihintay sa akin. 'Next time na lang baby.' Sabi ng isip ko at binuhat ko siya papuntang kuwarto niya. Inihiga ko siya sa kama at kinumutan at hinalikan sa noo. "Good night baby."

Tuloy pa rin ako sa pag-assist kay Mommy sa office but this time kasama ko na si Abby. Para lang wag makulit,  marami kaming dalang laruan at coloring books.

"Kuya, anong ginagawa mo? " Kumalong pa siya sa akin habang ako naman ay busy sa pag-sorting ng mga papers ni Mommy.

"Baby, Tinutulungan ko si Mommy." Inayos pa niya ang pagkakaupo niya sa hita ko.

"Talaga, ako rin. " At nakialam na sa ginagawa ko. 

"No Baby, ako na lang. Mag-drawing ka na lang. " Ibinigay ko uli ang coloring book na iniwan niya.

"Hindi, tutulong ako." Pangungulit niya. Kaya ang naayos ko na ay nagulo uli. Kung si Marra o si MK ang nangungulit sa akin ay nakasumbong agad ako kay Daddy o kay Mommy. Pero pag si Abby nagagawa kong habaan ang pasensiya ko. Siguro dahil siya ang pinakabunso sa lahat, pangangatwiran ng isip ko.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon