3-Prospect

1.6K 45 4
                                    

After 8 years.

Graduating na ako ng Civil Engineering. Tapos na ang final exams kaya napilit ako ng dalawa kong kaibigan na sumama sa gimik nila.

"Anong gagawin natin sa Spa? " Nagtataka kong tanong ng magpark si Renz. Iniwan ko ang kotse ko sa condo ni Renz at kotse nito ang gamit namin.

"Bro, dito niya kasi nakita ang bago niyang prospect. Sagot naman ng kaibigan kong mukhang nerd na si Anthony dahil mahilig magsuot ng may large frame glasses kahit walang grado ang mata.

"Correction, love interest. " Sagot ng kaibigan kong astig astigan na si Renz habang nagtatanggal ng kanyang seatbelt. "Nial, pag nakita mo siya. Pang Miss U ang dating. " Kinikilig pa si Renz habang nagsasalita.

Lalabas na sana ako ng kotse ng bigla akong mapatigil. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Fuck. " Narinig kong lumabas sa bibig ni Renz.

"O-oh, life begins at forty. " Narinig kong komento ni Ton.
Hindi ako makapagsalita. Sinundan ko ng tingin ang lumabas ng spa. Si Daddy may kaakbay na babae na halos kasing- age ko lang. Nakaalis na ang kotse ni Daddy kasama ng babaeng iyon pero hindi pa rin ako makapagsalita. Nagngingitngit ang kalooban ko.

"Anak ng putakte. Sa dami ng makakaribal bakit Daddy mo pa? " Napatingin ako kay Renz. Galit itong nakasubsob ang ulo sa manibela, Kuyom ang palad na binabayo ang dashboard.

Pero hindi siya ang concern ko. Iniisip ko si Mommy, hindi ako papayag na saktan niya ang aking ina. "Bumalik na tayo Renz. Gusto ko mumang umuwi. " Parang barado ang lalamunan ko ng magsalita.

Nawalan na kami ng kibuan ng pabalik sa condo ni Renz. Ang tanging gusto kong gawin ay makipagtuos kay Daddy.

**

"Mommy. "Pilit kong pinasaya ang ngiti ko ng batiin ang aking ina.

"Nial anak. " Masaya si Mommy na niyakap ako at niyakap ko din siya ng mahigpit. Napakadakila ng aking ina na saktan lang ni Daddy at hindi ako papayag na agawin sa amin ang aming ama.

"Akala ko may lakad kayo ng mga kaibigan mo? Bakit parang malungkot ka?" Mataman akong tiningnan ni Mommy.

"Postponed po ang lakad namin. Tulungan ko na lang kayo dito. " Pinagtakpan ko ang aking pagkabalisa. Isinubsob ko ang aking sarili sa mga gagawin.

Mula ng mag-college ako ay binigyan na ako ni Mommy ng position sa office bilang kanyang Executive Assistant ng Portman Realty and Construction Enterprises. School, office, bahay, dito umikot ang buhay ko. Bihira akong gumimik at ngayon minsan lang akong napilit ng mga kaibigan ko na lumabas ngunit iba pa ang natuklasan ko. Siguro nga masyado na akong subsob sa pag-aaral at trabaho kaya hindi ko na nalalaman ang nangyayari sa paligid ko. Katulad ng pagtataksil ng aking ama.

Humigpit ang hawak ko sa ballpen, napasulyap ako kay Mommy, busy ito sa mga paper works sa table niya. Mula ng magkaisip ako, nakita ko siya kung paano naging isang mabuting ina sa amin at asawa kay Daddy sa kabila ng mabigat na responsibilidad na patakbuhin ang isang kumpanya. Napapikit ako at malalim na huminga. Kailangan kong kumilos bago mahuli ang lahat.

May mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Hinuli ko ang kamay, alam ko naman kung kanino ito. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Yumakap siya sa likod ko at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. "How's your day kuya."

"Fine Baby. " Sagot ko sa kanya habang ang mata ko ay nanatili sa binabasa kong papeles.

Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa table ni Mommy at ito naman ang niyakap at hinalikan niya."Want a tea, Mommy? " Tanong agad nito na sinagot naman ni Mommy ng ngiti at tango.

Malaki na si Abby, fourteen years old na siya. Hindi na siya binalikan ng kanyang ina. Surname ng kanyang ina ang gamit niya at hindi pa rin siya totally adopted ng aming pamilya. Gayunpaman, masaya kami na kasama siya. Habang lumalaki ay lumalabas ang mestiza feature ni Abby dahil American ang ama nito.

Madalas sa office ni Mommy siya nagpapahatid pagkagaling school. Hindi na rin makulit pero malambing pa rin.At siya na rin ang nagti-timpla ng tsaa ni Mommy o kaya kape ko.

"Want a coffee Kuya? " Ayun na nga, nakaakbay siya sa balikat ko habang nagtatanong.

Tumingala ako at ngumiti. "Yes, please."

Ngumiti din siya. "Just a minute, sir. " At tumuloy na siya sa pantry para ipagtimpla kami ni Mommy.

Nakasanayan ko na laging kasama at nakikita si Abby. Parte na siya ng buhay namin at ng buhay ko. Ayaw kong isipin na mawawala siya sa amin. Biglang bumalik sa isip ko si Daddy. Mariin akong pumikit. Hindi ako papayag na mawala siya sa amin. Hindi niya puwedeng saktan si Mommy.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon