Hindi na muna ako nagreport sa office. Gusto kong ako ang personal na magbantay kay Abby. Dala ko ang family albums namin para ipakita sa kanya. Dinalhan ko rin siya ng favorite niyang red and white tulips. Tulog pa siya ng dumating ako. Habang tulog siya ay pinagsasawa ko ang aking mga mata sa kakatitig sa mukha niya. Walang sawa kong hawak at hinahaplos ang kanyang mga palad. Dinadala sa mga labi ko at hinahalikan. 'I missed you so much baby. Ayoko ng magkahiwalay tayo uli.'
"Wag. Mama. Wag."
Nananaginip si Abby. Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi. "Abby, baby wake up."
Nagising siya at nakita ko na naman sa mga mata ni Abby ang takot. "Si Mama. Si Mama. Iligtas natin siya."
Hinawakan ko ang nanginginig niyang mga kamay. "Relax please. Kinausap na ni Daddy yong tutulong sa paghahanap sa Mama mo. Mahahanap natin siya. Hindi kami titigil hangga't di siya nakikita. Baby kailangan mong magpagaling para nakauwi ka na. Please calm down."
Tumahimik siya at nanatiling nakatingin sa kawalan. Pinaupo ko siya at pinainom ng tubig.
"Here, I brought your favorite flowers." Malambing kong sabi at tinanggap niya ito.
"Salamat." Tipid siyang ngumiti.
Ngumiti din ako pero hinahanap ko ang dating Abby na gumaganti agad ng yakap pag meron akong ibinigay.
"Bakit mo ba ako tinatawag na baby?" Nakakunot ang kanyang noo at nakatingin sa hawak niyang bouquet.
"I used to call you baby eversince. And you called me Kuya Nial." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinimas ng aking hinlalaki ang likod ng palad niya.
"Kuya?" Kunot noo na naman niyang tanong.
Ipinakita ko sa kanya ang bracelet ko sa kamay. "Look at this. Gift mo ito sa akin noong graduation ko."
Tumingin muna si Abby sa akin at hinawakan ang kamay ko saka sinipat ang bracelet. Binasa niya ang nakaukit. "Nial Zion?"
Lihim akong natuwa sa ginawa niya. Nami-miss ko na ang dating malambing na Abby. "And this." Hinawakan ko ang pendant ng necklace niya. "Binigay ko ito sa'yo noong paalis ako patungong U.S.A." May nasalat ako sa likod ng pendant. Binaliktad ko ang pendant at tiningnan. Parang isang uri ng code na isinulat sa pamamagitan ng isang matalim na bagay. Binasa ko ito. "NYB774-GR" Alam ko wala ito ng ibigay ko ang necklace kay Abby. "Baby, ano itong nakasulat dito sa likod?"
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
Narrativa generaleSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...