17-Diary 1

1.3K 38 2
                                    

"WELCOME HOME ABBY"

Masaya akong sinalubong ng buong pamilya at mga kasambahay nina Nial. May banner pang hawak ang mga kasambahay. Hindi ko man matandaan ang mga pangalan nila ay ramdam ko na naging masaya ang buhay ko sa bahay nina Daddy Nico at Mommy Alex.

Isang masayang hapunan ang pinagsaluhan namin. Ipinaglagay pa ako ng pagkain sa aking pinggan ni Nial. Masaya akong nakikinig sa kanilang kuwentuhan. Panay ang titig at ngiti sa akin ni Nial habang kumakain kami. Pero bakit si MK tahimik lang siya at parang galit ang mga tingin niya?

Ang ganda ng aking kuwarto at ang gaganda rin ng aking mga damit at iba pang personal na gamit. Tiningnan ko isa-isa ang mga cabinet. Inisa isa kong tiningnan ang mga laman. Sabi ni Mommy Alex makakatulong sa akin ang makita ang mga dati kong ginagamit.

Nakita ko sa isang cabinet ang dalawang box. Kinuha ko ang mga ito at naupo ako sa aking kama. Binuksan ko ang isang box at inilabas ko ang mga laman. Mga cute na stuff toys at short messages na nakasulat sa maliliit na cards ang laman.

Binasa ko bawat isa ang mga messages. "You brighten my day, Abby. From MK." Galing kay MK? Binasa ko pa ang iba.

"To my angel Abby", "Happy birthday Abby", "Merry Christmas Abby", "Happy Valentine's day Abby", "I can't stop loving you, I hope you love me too" Lahat galing kay MK ang mga messages at dated last year lang. Ano ko ba si MK dati? Nanligaw ba siya?

Nagulat ako ng may kumatok, nagmadali kong ipinasok lahat ng mga laman ng box at ibinalik sa cabinet. Binuksan ko ang pinto. "Kuya MK, Ikaw pala." Ngumiti ako sa kanya.

"Hi Abby. I just want to say goodnight." Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Good night too." Sagot ko at ngumiti ako sa kanya at pakunwari akong humikab.

"Sleep well." Sabi niya at hinawakan pa niya ang mga kamay ko bago umalis. Ni-lock ko uli ang pinto at bumalik sa kama ko.

Sunod kong binuksan ang isang box. Mas marami itong laman. May photo album, mga cards at diary? May diary pala ako. Binuklat ko ang isang card na may kasama pang tuyong rose. "Baby, Thanks for the gift. I love you. Nial." Galing kay Kuya Nial ang mga messages.

Binasa ko pa ang iba. "Happy birthday Baby", Happy Valentine's Day Baby", "Merry Christmas Baby" Mas marami ang cards na galing kay Nial magmula pa noong bata ako.

Kinuha ko ang photo album at binuklat. Nanlaki ang mga mata ko. Puro pictures namin ni Nial magmula ng maliit pa ako hanggang sa dalaga na ako. Meron din ako ng pictures na nasa wallet niya. Nakita ko ang isang picture ng dalawang kamay. Kamay ni Nial kasi may bracelet na katulad ng suot niya. At kamay ko ba ang hawak niya? May nakasulat sa likod, sulat kamay ko ba ito? "I love you Heaven" Ito ba ang tawag ko kay Nial? Heaven? Kinuha ko ang diary, siguro nandito ang kasagutan sa mga tanong ko.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon