18-Diary 2

1.3K 37 3
                                    

Hindi na ako dinalaw ng antok. Naalala ko uli ang diary ko. Kinuha ko ito at itinuloy ang pagbabasa. Napansin ko na ang mga entry ay mas malalayo ang agwat ng petsa at taon pero mahahaba.

August 8, 2013
Sobrang saya ko sa pagdating ni Heaven. He gave me a Micky Mouse tee shirt from Disneyland and a Barbie in a wedding dress. Puro kuwentuhan ang buong pamilya hanggang hapag kainan. Pinuntahan ko pa siya sa kuwarto niya para makipagkuwentuhan uli. Hindi kami maubusan ng kuwento hanggang sa makatulog ako.

Na-excite ako at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"August 18, 2013
Laging busy si Heaven sa office at sa project visits. Masipag talaga siya. Kahit on vacation puro trabaho siya. Kung wala lang akong pasok ay doon ako sa office niya maglalagi. Miss ko talaga siya. Sobra.

August 30, 2013
Paalis na si Heaven bukas. Naiiyak na naman ako. Pinuntahan ko siya sa kanyang room. Tapos na siyang mag-empake ng mga dadalhin niya. Niyakap niya ako at wag na daw akong umiyak. Sabi ko sa kanya na gusto kung sa tabi niya matulog. Nag-alangan siya sa sinabi ko, aalis na sana ako ng yakapin niya ako sa aking likuran. Pero iba ang mga yakap niya. Sa bewang niya ako hinawakan at naramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg. At parang musika sa aking pandinig ang mga sinabi niya. "Baby, mahal na mahal kita. I promise, after my schooling hindi na kita iiwan. " Napaiyak ako sa sinabi niya at humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Patalikod niya akong niyakap ng nakahiga kami sa kama at hinalikan niya ako sa pisngi bago ako nakatulog. Pero paggising ko wala na siya dahil madaling araw ang flight niya.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon