"Nial, why you're still here? Di ba graduation ball ninyo?" Sinisita na ako ni Mommy. Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng TV.Tinatamad kasi akong pumunta.
"Later Mom, hahabol na lang ako. " Wala akong ganang pumunta. Wala naman akong date na kasama kaso nandoon sina Chloe at Marra. Partner ni Renz at Tonton. Obligado akong bantayan ang dalawa kong kapatid.
"Hindi mo ba susunduin ang iyong date? " Naupo si Mommy sa tabi ko.
"Wala akong date Mom." Wala sa loob na sagot ko.
"Nial, at your age you should be courting girls. I mean, meron ka na dapat girlfriend. Samantalang si MK nanliligaw na." Hindi ko alam kung paalala o pangaral ang mga sinabi sa akin ng aking ina.
Sabagay totoo naman. Si MK high school pa lang may nililigawan na. "Don't worry Mom, di po ako tatandang binata. " Pabirong sagot ko kay Mommy.
Lumabas na si Marra ng kanyang kuwarto. "My goodness, Kuya bakit di ka pa prepared? Nakabihis na kami ni Ate Chloe. " Reklamo nito at nakapameywang pa sa harap ko.
Si Mommy na ang sumagot para sa akin. "Hay naku. Tinatamad ang kuya mo dahil wala siyang date. "
"Yun lang ba? Di isama natin si - Abby..!" Nilakasan pa nito ang tawag at akmang tatalikod ito pero pinigilan ko.
"Marra, bata pa si Abby para isama doon." May pagkadiktador talaga itong kapatid ko.
"Isasama lang natin para hindi ka mainip sa paghihintay sa amin." Kunwari pa itong kapatid ko. Ayaw lang niyang bantayan ko sila ni Tonton.
"Yes Ate. " Ayan na nga, narinig ni Abby ang tawag.
"Abby, halika. Sasama ka sa amin." At hatak hatak na ni Marra sa braso si Abby.
"Marra, ano ka ba! " Pagalit kong sita kaso parang wala itong narinig.
"Hayaan mo na basta bantayan mo rin si Abby at baka matipuhan yan doon. " Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. 'Over my dead body' sa isip ko.
Ang totoo masaya akong kasama si Abby. Ngunit gusto ko ring dumistansiya dahil sa pagbabagong nararamdaman ko sa sarili ko. Kapatid ang turing niya sa akin at ayaw kong malaman niya na iba na ang tingin ko sa kanya.
Kami lang ni Abby ang sakay ng kotse dahil si Chloe ay sinundo ni Renz at si Marra ay kay Tonton sumabay. Hindi ko matingnan ng diretso si Abby. Bigla siyang nagmukhang dalaga sa kanyang suot at make-up.
Masaya at maingay ang ballroom. Yung dalawa kong kapatid ayaw na yatang maupo, binakuran ng dalawa kong kaibigan. Mukhang buong magdamag akong magbabantay sa dalawa at nadagdag pa si Abby na mukhang nag-e-enjoy sa panonood ng mga sumasayaw.
Nag-e enjoy din naman ako hindi sa mga sumasayaw kundi sa mga panakaw kong titig kay Abby. Kinailangan kong gumamit ng rest room. "Baby, saglit lang ha." Paalam ko kay Abby.
Pabalik na ako ng makita kong may kausap na lalaki si Abby. Kumulo ang dugo ko ng makita kong hinahatak nito ang tumatangging si Abby sa dance floor. Halos liparin ko ang mesa namin. "Let her go dude. She's my date. " Mabalasik kong sabi sa buwisit na lalaki.
"Oh, sorry Pare. " Hindi ko na pinansin ang lalaki.
Inakay ko si Abby sa dance floor. "Come, sumayaw na lang tayo."
Disco music ang tugtog. Kahit hindi ako mahilig pumunta ng mga disco houses ay marunong akong sumayaw at marunong ding sumayaw si Abby. Ilan pang disco music ang sumunod na pumailanlang at unti unting na-enjoy ko ang gabi. Ganoon din si Abby.
Pumailanlang ang isang sweet music. Yayayain ko na sanang maupo si Abby. Subalit sa likod ng utak ko gusto ko pang mag-enjoy na kasayaw siya. Inilagay ko ang isang kamay ni Abby sa aking balikat at isa kong kamay sa bewang niya habang ang kaliwa ko ay hawak ang kanan niya. Pilit kong nilalabanan ang panginginig ng mga kamay ko.
"Ay ang dali lang pala ng step. " Natutuwang komento ni Abby habang sumasabay kami sa saliw ng sweet music.
Ngiti lang ang naisagot ko. Napipi na ako habang nakatitig sa kanya. Napalunok ako at ang lakas ng kaba ng dibdib ko.
Looking at her soft and beatiful lips I feel an urge to kiss her deeply. My trembling hand on her hip wants to hug her tight and trace her curves.
Napapikit ako, pilit kong iwinawaksi ang laman ng isip ko. "Kuya, are you sleepy? " Napadilat ako ng marinig ang boses niya.
"No. Are you tired? You want us to sit down?" Pakunwaring tanong ko pero ayoko pang matapos ang tugtog, ibang klaseng satisfaction ang nadarama ko.
"Okay lang Kuya. Para lang tayong nagpapahinga sa ginagawa natin. " Pahagikhik na sagot ni Abby.
Gusto kong titigan si Abby habang sumasayaw kami ngunit iniangat ko ang aking paningin. Baka ipagkanulo ako ng damdamin ko. Ngunit walang kapantay ang saya na nadarama ko. Pinakamasayang gabi ko. Isa pa uling sweet music ang pumailanlang at sinayaw namin ni Abby bago kami naupo.
Iginala ko ang paningin ko pero hindi mahagilap ng mga mata ko ang dalawa kong kapatid. Mukhang nalusutan ako ng dalawa kong kaibigan. Magkaholding hands kami ni Abby at nagsimula akong hanapin ang dalawa ko pang kapatid. Kailangan sabay sabay kaming umuwi kung hindi sermon ang aabutin ko kay Daddy.
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
Narrativa generaleSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...
