"Abby. Baby you're back." Si Abby bumalik, nakangiti sa akin. Tumakbo ako para yakapin siya. Sabik na sabik akong mayakap siya. "Abby! No!" Naghihiwalay ang lupang tinutuntungan namin.
"Nial! Nial!" Tumatawag siya sa akin hanggang mawala siya sa paningin ko.
"Abby! Abby!" Ubos lakas ko siyang tinawag. Hindi. Ayokong mawala siya.
"Abby. Baby." Napabalikwas ako. Pinagpapawisan ang aking noo. Panaginip lang pala. Dito pala ako nakatulog sa kuwarto ni Abby. Anong ibig sabihin ng panaginip ko? Baka nasa panganib si Abby. Ano na kaya ang nangyayari sa kanya? Samo't saring alalahanin ang pumasok sa isip ko. Hindi na ako dinalaw ng antok hanggang mag-umaga.
Nasa hapag kaming mag-anak. First time kong kumain dito sa bahay namin na hindi katabi si Abby. Kung malungkot noong nasa U.S.A. ako ay mas higit ngayon ang nararamdaman ko."Dad, anong resulta ng pag-uusap ninyo ni Tito Odie?"
Isang buntunghininga muna ang pinawalan ni Daddy bago nagsalita. "May kaibigan si Kuya Odie mo sa NBI. Inaalam pa nito sa DFA kung nakalabas ng bansa si Abby at nanay niya at asawa nito. From there, malalaman natin kung saang bansa sila tumungo."
"Love, Hindi kaya sadyang itinago na sa atin si Abby ng kanyang ina?" Napatingin ako kay Mommy. Paano nga kung totoo? Parang 'yong sa panaginip ko. Magkakahiwalay kami ni Abby at hindi ko na siya nakikita pa. Hindi mangyayari yun. Alam ko hahanapin niya ako. Mahal ako ni Abby. Pero paano kung may nakilala siyang iba at hindi na niya gustong makita ako. Ayoko at hindi ko kayang tanggapin. Nagsisikip ang dibdib sa mga naiisip ko. Napa-paranoid na ako sa sobrang pag-aalala.
"Precious, Sa palagay ko hindi naman. Nag-dinner pa tayo kasama silang mag-asawa and we had pictures of them. Ang iniisip ko baka may nangyari sa kanila along their way to their vacation." Napatutop ako ng noo sa narinig ko kay Daddy.
"Oh God, no." Mas lalo akong di mapakali. Baka nga may nangyari sa kanila. Huwag naman sana. Piping dasal ko.
Nagsalita si Marra na nasa harapan ko. "Kuya, Mahahanap din natin si Abby." Tumayo na ito at lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko. "Don't worry. Mabilis kang tatanda niyan." Alam kong idinadaan niya sa biro ang pag-aalala.
"Take care, sis." Paalala ko sa kanya. Sumunod na rin sa kanya si MK at kita ko rin sa mukha niya ang pag-aalala.
"Mom, Dad, kuya. Aalis na ako. May out of town shoot kami today." Si MK ang pumalit kay Daddy sa noontime show.
"Ingat, bro." Sabi ko at tumango siya sa akin.
Naiwan kami ng mga magulang ko sa hapag. "Nial, sumama ka sa akin sa office. May management meeting today. May presentation tungkol sa projects sa southern Luzon. You should be there." Anyaya ni Daddy sa akin. Siya na ang President ng aming company.
"Dad, I think hindi ako handa mag-assume ng higher position sa ngayon. Gusto ko munang hanapin si Abby." Pakiramdam ko tinakasan ako ng lahat ng energy at enthusiasm ko ng malaman kong wala na si Abby.
"Anak, lahat tayo ay nag-aalala. Pero anong mangyayari kung araw araw mo siyang iisipin. Don't worry, may tumutulong na sa atin. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nalalaman kung nasaan siya." May punto naman siya dahil lalo akong nag-aalala at di makapag-isip ng maayos .
Tumayo na ako. Siguro nga dapat maging abala din ako at kailangan na rin akong tumulong sa aming negosyo. "Sige Mommy, Maliligo lang ako."
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
General FictionSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...