Naisip kong bigyan ng POV si Abby habang wala si Nial.
***
Mabigat ang aking mga paa papasok ng school. First day ko na pumasok sa school na wala si Kuya Nial. Nakasanayan ko ng nakikita siya sa umaga kasabay sa almusal o kaya siya ang maghahatid sa akin sa school."Abby..!" Ang friends ko pala na sina Mica at Shayne, nakaupo sa isang mahabang semented bench. Kumakaway silang dalawa sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanila.
"Hi Girls." Bati ko sa kanila. Kahit mabigat ang aking kalooban ay pinilit ko pa ding ngumiti sa dalawa. Sumenyas ang mga ito na maupo ako.
"Kahit nakangiti ka ay halata kang malungkot." Anang Shayne.
"Ay, Oo nga. Mugto ang mga mata mo girl." Segunda naman ni Mica na sinisipat pa talaga ang mukha ko.
"Wag mong dibdibin ang pag-alis ng over protective mong Kuya. At least, makakasama ka na namin sa galaan." Hirit ni Shayne na kinikilig pa.
"Correct...! At puwede ka nang magpaligaw. Wag iburo ang beauty." Heto pa si Mica na tumitikwas pa ang nga daliri habang nagsasalita.
Biglang tumunog ang buzzer para sa first period class. Sabay-sabay na kaming pumunta sa aming room. Naisip ko may punto ang mga kaibigan ko. Hindi nga ako mahilig gumala at kung mamasyal man kami dati ay lagi kong kasama si Kuya Nial.
***
Katulad ng nakagawian Nina Mica at Shayne. Nagyayang gumala sa mall ang dalawa after our last class period. This time sumama ako sa kanila dahil nais ko rin malibang pero sadyang nakaka-miss ang presence ni Nial. Ang totoo, sa isip ko ay ayoko ng tawagin siyang Kuya.
Tumawag ako kay Mommy para magpaalam sa lakad namin. "Mom, male-late po ako ng uwi. I'll watch movie with Shayne and Mica. Pinauwi ko na po si Kuya Peping."
"Okay, but don't be so late. Call me kung anong oras ka susunduin." Paalaala ni Mommy. Talagang ayaw niyang nagta-travel akong mag-isa at hindi rin siya pumapayag na mag taxi ako.
"Yes Mommy, I will." Sang-ayon ko.
Nag-window shopping muna kami ng dalawa kong kaibigan ng may bumati sa amin.
"Hi Girls..." Parang biglang uminit ang hangin dito sa malamig na mall. Nakita ko ang taong ayaw kong makita.
"Hi, Stanley." Nag-duet pa ang dalawa kong kaibigan na binati ang mokong na ito. At masyado pang halata na kinikilig ang dalawa kay Stanley.
"How are you Abby?" Bati ni Stanley sa akin pero hindi ako ngumiti.
"I'm okay." Sagot ko na iginagala ko ang aking mga mata sa loob ng mall. Gusto kong mahalata niya na hindi ako interesadong kausap siya.
"Eh, Abby. Yung nangyari sa ball. Sorry ha. Akala ko kasi wala kang kasamang date." Kakamot-kamot ang loko. Talagang inis ako sa kanya.
"Ah, iyon ba? Tapos na yun. Excuse us ha. Baka ma-late kami sa lakad namin." Hinila ko na sina Shayne at Mica bago pa masira ang buong araw ko.
"Abby naman! Bakit ba para kang pasong-paso kay Stanley. Ang guwapo kaya niya." Reklamo ni Mica. Alam kong crush niya si Stanley.
"Ayoko sa lahat ay ang mga lalaking conceited. Kaya Tara na. Kumain na tayo." Nagpatiuna na ako sa paglalakad para tuluyang makalayo sa taong kinakainisan ko. Varsity player ng school namin si Stanley at katulad ni Nial graduate na rin ito.
"Okay, your the boss now." Sang-ayon ni Shayne na humabol sa paglalakad ko.
Kumain kaming tatlo sa isang fast food at pagkatapos nanood ng sine. Masayang kasama sina Shayne at Mica dahil hindi sila nauubusan ng kuwento. Ngunit pagkatapos naming maghiwa-hiwalay, bumalik na naman ang bigat ng pakiramdam ko.
'Ano na kaya ang ginagawa ni Nial ngayon?' Pagmumuni-muni ko habang patungo sa naghihintay na aking driver sa car park. Bigla akong na-excite. Kailangan kong makauwi agad. Promise ni Nial na once a week kami mag-e-skype.
"Abby...! Over here...! Kilala ko ang boses ng tumawag sa akin. Ang isa kong kuya, nakadungaw sa bintana ng kanyang kotse.
"Kuya MK. You're also on a shopping?" Tanong ko habang lumakad akong papalapit sa kanya.
"No. Susunduin kita. Inutusan ni Mommy si Kuya Peeping. Hop in." Binuksan ni MK ang pinto at sumakay ako.
"I thought you've important matter to attend to." Komento ko habang inaayos ang aking seatbelt.
"Ah, yes. It's over." Sagot niya habang nagma- maneuver ng sasakyan. Napatingin ako sa kanya, malungkot ang kanyang mga mata.
"What do you mean? " Napatitig ako sa mukha ni MK. Diretso ang tingin nito sa kalsada pero nakikita ko ang pagtagis ng bagang niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Tiffany put an end to our relationship." Dinig ko ang sunod-sunod niyang buntunghininga. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit na kanyang dinaramdam.
Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat bilang pakikiramay sa kanyang pinagdadaanan. "Kaya mo yan, Kuya."
Tinapik niya rin ang aking kamay. "I'm okay, Abby." Mapait siyang ngumiti.
Magtatanong pa sana ako kung anong nangyari ngunit pinigil ko ang aking sarili. Iniba ko na lang ang usapan namin habang pauwi kami.
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
Ficción GeneralSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...