20-Pasyal

1.3K 36 2
                                    

"Where are we going?" Nagtaka si Abby dahil hindi pauwi sa bahay ang tinutumbok ng kotse ko. "Ipapasyal muna kita. Matagal ka na ring hindi nakakalabas ng bahay."

"Talaga, sige." Bigla siyang na-excite. Katulad ng dating Abby na excited lagi pag may lakad kami.

"Where do you wanna go?" Tanong ko sa kanya habang nasa kalsada ang tingin ko.

"Biking tayo sa Luneta." Excited niyang mungkahi.

Napaisip ako, tirik na ang araw."Baby, mainit na. How about mag-roller skate tayo sa Giga Mall?"

Tumango tango siya. "Okay."

Matapos kong mai-park ang kotse ko ay magka holding hands kami ni Abby na pumasok sa mall. Kaiba ang aking pakiramdam. Para akong nasa cloud nine habang naglalakad na magkasalikop ang aming mga kamay. "Baby, let's eat first. Gutom ka na ba?"

"Mahirap mag-skating pag busog," sabi niya.

"Window shopping tayo pagkatapos kumain." Katwiran ko sa kanya, gutom na talaga ako.

"Okay." Sang-ayon niya at lumakad kami sa magkakahelerang kainan. Papasok na sana kami ng restaurant ng biglang may lumabas na pares na kilala ko at ang diyakseng lalaki nakahawak pa sa bewang ng sister ko.

"Hey, bayaw kayo pala." ngiting-ngiti si Tonton.

"Bayaw? Kelan pa?" napakunot noo ako.

"Kuya." Nakangiti ang nagulat kong kapatid.

"Bro, magpapakasal na kami ni Marra. Nag-propose na ako sa kanya." Sabi ng dati kong nerd na kaibigan pero mukhang CEO na ngayon.

"Oh, I see." Yun na lang ang nasabi ko. Mukhang uunahan pa ako ng kapatid ko na mag-asawa. "Pauwi na ba kayo? Kakain pa lang kami." tanong ko.

"Tapos na kami." Sagot ni Ton pero nakatingin sa magkasalikop na kamay namin ni Abby.

Binitiwan ko si Abby at nakipagbeso beso ito kay Marra. "Ate Marra."

"Abby, are you okay now?" Nakangiting tiningnan ni Marra si Abby at tumango naman ang huli. "Kuya, see you later." Nagpaalam na ang dalawa at iginiya ko si Abby papasok sa restaurant.

After our lunch ay nag stroll muna kami. Window shopping dahil ayaw naman ni Abby na mamili. Dumako na kami sa naka-enclosed na skating rink. Nanood muna kami ng mga nagro-roller skate. Biglang yumakap sa akin si Abby.

"My God, He's here." Nakasiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Para kaming nagyayakapan sa ginagawa namin.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon