5-Headache

1.5K 48 6
                                        

Tumambay ako sa bahay nina Tonton hanggang gabi. Ayoko sanang makita si Daddy ngunit tumawag si Abby. Hinahanap daw ako ni Mommy.

Pagdating ko sa bahay ay naroon na si Daddy ngunit hindi ako nagpakita sa kanya. Nagkulong ako sa kuwarto ko, abala ang isip ko sa susunod kong hakbang.

"Kuya, Eating time. " Si Abby ang kumakatok. Kahit ayokong makita si Daddy ay lumabas pa rin ako. Ayaw kong may mahalata si Mommy.

"Hi Baby. " Bati ko sa kanya at yumakap siya sa akin.

"Two days ka ng wala sa office. Na miss kita. " Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"May inasikaso lang ako Baby." At inakbayan ko siya patungong Dining room.

"Nial, upo na kayo. " Yaya ni Daddy habang nakatayo ako. Nasa hapag na silang lahat. Hindi ako nagsasalita habang kumakain.

"Nial, Bakit sabi nitong mga kapatid mo ay wala ka naman sa school?" Sabi ko na nga ba mag-uusisa si Mommy.

"Mom, may tinapos pa kaming project ni Ton. Doon po ako sa kanila nag stay. " Na-guilty ako sa pagsisinungaling ko kay Mommy. Nagngingitngit ang kalooban ko kay Daddy.

"Precious, hayaan mong lumabas naman ang anak mo. Binata na yan." Seryoso akong napatingin kay Daddy. Wala man lang akong nababakas na guiltiness sa kanya o sadyang magaling lang magtago si Daddy dahil artista siya.

"Nial, are you okay?" Kunot ang nuo ni Mommy ng tumingin sa akin. Bakit kasi ang hirap magkunwaring masaya.

"Medyo masakit lang ang ulo ko Mom."  Talagang sumakit na ang ulo ko sa kakaisip ng gusot ni Daddy.

"You drink paracetamol after supper." Paalala pa ni Mommy.

"Yes Mom." Sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ako nakisali sa kuwentuhan habang kumakain. Iyon ang madalas naming gawin, kwentuhan habang kumakain.  Pagkatapos kong kumain ay pumasok uli ako sa kuwarto ko. 

Nakatanaw ako sa veranda ng aking kuwarto. Naiisip ko ang masayang pamilya namin. Ayokong mawasak ito. Ayokong masaktan ang aking mga kapatid lalo na si Mommy.

"Kuya Nial. " Si Abby uli ang kumakatok. Binuksan ko ang pinto. "Kuya, here's your paracetamol. " Iniawang ko ang pinto para makapasok si Abby. Umupo ako sa gilid ng kama ko. "Kuya, inumin mo na ito para mawala ang headache mo. "

Kinuha ko ang gamot at tubig kay Abby at uminom na ako ng gamot. "Thanks Baby. " Ipinatong ko ang baso sa side table at humiga ako.

"Kuya, gusto mong hilutin ko ang noo mo? " Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Abby.

"Okay lang ako Baby. "  Ngunit minamasahe na ni Abby ang noo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang init ng mga kamay niya. May kakaiba akong naramdaman sa aking katawan. Bigla akong napadilat. "Baby, okay na ko. " Bumangon ako at ngumiti.

"Are you sure? " Kumunot ang noo niya na parang ayaw maniwala sa akin.

"Yeah, I'm okay. Don't worry . " Pinasigla ko ang tinig ko.

"Okay Good Night Kuya. " Sabay halik sa pisngi ko na ikinatigil ko.

"Good night. " Sabi ko at umayos na ako ng higa. Tumalikod na si Abby at isinara ang pinto.  Bakit ganoon?  Nakakaramdam ako ng kiliti at bumibilis ang heartbeat ko sa tuwing nadidikit si Abby. Dati namang ginagawa ni Abby sa akin ang halikan ako sa pisngi at ikinatutuwa ko ang paglalambing niya sa akin pero ngayon nakakaramdam ako ng takot sa halip na tuwa.
Lately bawat tingin ko sa kanya ay nauuwi sa titig. Hindi. Mali ito. Marami lang akong iniisip kaya ganoon ang pakiramdam ko. Nakatulugan ko ang pag-iisip sa problema ko kay Daddy.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon