24-Ang pagkikita

1.3K 31 3
                                    

Nagmadali si Nico pagkatanggap ng emergency call ni Nial. Tinawagan niya agad si Officer Intal sa nangyari. Dahil may GPS tracker si Nial kaya madali nila itong natunton. Wala itong malay sa gilid ng kalsada dahil sa tinamo nitong tama ng tranquillizer pistol at pinagkakaguluhan na ito ng mga tao ng madatnan niya. Nagkamalay si Nial ng nasa sasakyan na siya ng ama.

"Dad, kinuha nila si Abby. Where is my cellphone?" Natataranta itong hinagilap ang cellphone. Inabot sa kanya ni Nico ang hinahanap ng binata. Dali-daling nag-dial ng number ni Abby subalit naka-off na ang cellphone ng dalaga. "Shit." Napasabunot ng buhok si Nial. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili pag napahamak si Abby. Pangako niya dito na poprotektahan ito pero hindi niya nagawa.

Nakatingin si Nico sa anak. Maging siya ay labis ang pag-aalala. Dalawa na ngayon ang kailangan nilang hanapin. "Ginawa ko na yan kanina. Sinubukan kong I-track ang kanyang GPS location pero malamang kinuha ang kanyang cellphone ng mga abductors niya."

Biglang naalala ni Nial ang tracking watch ni Abby. "Dad, I need a laptop." Nagmadali namang inilabas ni Nico ang kanyang laptop. "Oh God. Please, sana suot niya ang wrist watch." Umuusal ng dasal si Nial habang kumukonekta sa CORE satellite web ng agency ng kanyang Tito Odie na nag provide ng tracking device. "Come on." Kailangan makapasok siya sa website at ma-encode ang tracking code ng suot na wrist watch ni Abby. "Ayun!" Mabilis na na-encode ni Nial ang code at mabilis itong nag process."Oh my God, they're going north. Officer Intal must see this."

Umibis agad sila pagdating sa bahay. Naghihintay na si Officer Intal at ang nag-aalalang si Alex.

***-

"Hello Abigail. Welcome back." Patulak akong inilapit ng lalaking may hawak sa akin sa nakangising demonyo na si Alfon.

"Walang hiya kayo! Nasaan ang Mama ko! Anong ginawa mo sa kanya!" Nagpupuyos ang damdamin ko sa magkahalong galit at takot. Dalawang taong mahal ko ang iniisip at inaalala ko. Binaril ng mga tauhan niya si Nial at ang Mama ko pinapahirapan niya. "Nasaan ang Mama ko." Garalgal ang boses ko habang naglalandas ang mga luha ko.

"Easy Sweetie. Easy." Nangilabot ako ng hawakan niya ako sa pisngi at humalakhak pa ito ng mala-demonyo. "Take a rest and eat first Sweetie. We're gonna have fun once we reach U. S. A." Lumakad ito palayo at muling lumingon at lalo akong kinabahan sa huli nitong sinabi. "Never dare to escape if you wanna see your mother alive." Pagbabanta niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon