23-Warning

1.4K 34 2
                                        

Samantala, isang tawag ang natanggap ni Nico mula kay Officer Intal. "Mr Portman, alam na namin ang identity ng dalawang taong kasama ni Abigail noong bago siya makatakas. Kamag-anak ito ni Sadique. Under close surveillance na sila. Ganoon din si Sadique. May departure hold order na para sa kanya. But we have a suspicion that Sadique is employing other people and he is after Abigail. Mas mainam huwag munang lalabas ng bahay ang anak nyo."

Kinabahan si Nico sa huling sinabi ni Intal. Bigla niyang naisip si Abby. Wala ito sa bahay ngayon. "Officer, hindi ko maisip kung ano ang kailangan niya kay Abby."

"Whatever it is. Maaaring importanteng bagay iyon. Maaaring alam ito ng kanyang ina na hawak ngayon ni Sadique. Sir, nasa panganib si Abigail hangga't hindi namin nahuhuli si Sadique. Madulas ang taong iyon, may kaso siyang extortion at drug trafficking dito sa bansa pero nalusutan dahil sa kanyang mga connections."

"Officer, kailangan ko ng magbabantay kay Abby?" Napapahilot ng sentido si Nico. Nasa labas ng bahay si Abby at Nial. Nag-aalala siya sa maaaring mangyari.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon